"B-basta, hintayin mo ko. Babalik ako. Saglit lang talaga!" Then she ran away. Tumagos siya sa pinto palabas.

Hinintay ko naman siya. After 10 minutes I heard a knock on my door. Kaya binuksan ko agad, pero inayos ko muna ang sarili ko dahil ayokong makita ng kahit sino sa mga kasambahay na umiyak ako. Baka sabihin pa nila kay mommy at magwo-worry yun.

I open the door. "Baki---po? Feli? Bakit?"

O__O

Our youngest maid, Feli, hugged me all of a sudden.

Naramdaman kong yumuyugyog yung balikat niya at parang nababasa ang balikat ko. Umiiyak siya? Pero bakit? Too many questions playing on my mind. Same age kami ni Feli, anak siya ni nanay Felicidad, ang oldest maid ng pamilya namin. Pero hindi ko siya kinakausap kahit magkasing-edad kami. Like I said before, introvert ako. I can be civil though.

Pero ano ngang problema niya? "Umm, feli.. may problema ba?" I tried to touch her forehead pero umalis naman siya bigla sa pagkakayakap at pumasok siya ng tuluyan sa kwarto ko. Siya na rin ang nagsara ng pinto ko. Nagtataka man ay pinabayaan ko nalang siya. Maybe I need her now and I think she needs me too.

I sat on the sofa and she is, too. Tapos tinignan niya akong mabuti. Sa sobrang tingin niya ay naiilang na ako at hindi ko alam kung anong gagawin. Until she spoke.

"Sabi ko di ba hintayin mo ako? Hello, kayla! Ako ito." Sinong siya? At hindi naman siya ang hinihintay ko.. si Leira..

"Umm, feli, okay ka lang ba? You never said that I need to wait for you, actually ngayon lang tayo nagkausap ng ganito"

"Ay tsk, tsk, tsk.. shunga! Si Leira ito. Nu kaba?!"

O__O

Siya si.... leira....

LEIRA?! In Feli's body?! B-but... how?

"Natatawa talaga ako sa expression ng mukha mo. Parang impossibleng humiram ako ng katawan ah? But anyway, here I am. Now you can cry on my shoulders-- I mean, sa shoulder ni Feli pala. Hehe.." Sabi niya.

Hindi na naman ako nag-aksaya ng panahon at niyakap ko na siya agad at ibinuhos ko ang buong hinanakit at sakit ng nararamdaman ko sa pag-iyak. Nararamdaman kong hinihimas niya ang buhok ko at pauli-ulit na sinasabing "sige, ilabas mo lang lahat yan.. make sure bukas, hindi ka na iiyak ah.."

I'm really thankful to you, Leira.

****

5 days after, Wednesday..

"Rodney! May itatanong ako, halika."

Uwian na namin ngayon. Saktong nakita kong pababa na si Rodney kaya tinawag ko siya at hinila ko papuntang mystery club room. Pagpasok namin doon ay saktong nandito rin pala si Thomas at nakikinig lang ang sira-ulo ng music sa headset niya. Tinanggal ko ang headset niya sa kaliwang tenga kaya naagaw ko ang atensyon niya.

Umupo ako sa kabilang side ng mesa. Magkaharapan kami ni Rodney tapos katabi niya si Tatang.

"Bakit na naman?" Mukhang badtrip si Rodney ah? Pero wala akong pakialam. Mas mahalaga ang tanong ko!

"Hindi mo ba napapansin si Kayla sa classroom niyo? I mean, hindi na ba kayo nag-uusap? Kasi parang,.. iniiwasan niya ako eh.." There, I said it.

Nitong nakaraang linggo kasi hanggang ngayon ay hindi ko man lang nakikita o nakakausap si Kayla. Ilang beses ko na ring tinatawagan ang phone niya at nagri-ring naman ito. Kaso hanggang ganun lang.. minsan nga pinatay na ng tuluyan eh. What is wrong with her all of a sudden? Matapos lang yung last case na na-solve namin, naging mailap na siya sa akin.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now