Hindi pa nito pinipindot ang button ng tumingin sa dibdib ko ng may pagnanasa.

Aba!

“Sir?” taas kilay na tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa'kin at pinagapang ang kamay sa braso ko.

Pag-natamaan mo ‘yang sugat ko sasapakin talaga kitang matanda ka!

Bumaba ang kamay niya sa legs ko kaya sinarado ko ang binti ko. Pinindot na niya ang voting sa company namin kaya tumayo na ako kaagad bago pa niya mahawakan ang dibdib ko.

“You're so smart.” ngisi sa'kin. Kinuha ko na ang gamit ko at tumango sa kanya bago nag-paalam na umalis. Naka-hinga naman ako ng maluwag bago nakalabas sa malademonyong office niya.

Naglalakad ako sa hallway ng may makitang nagmamadali ‘rin itong naglalakad. Napaka-ikli ng dress niya.

“Hi, miss. Nandito ba ‘yung, boss mo?” mataray na tanong niya.

Huh? Mukha ba akong nagtratrabaho dito?

Siguro ito ‘yung hinihintay ng demonyong boss ni Milda na kalaban namin sa voters.

“I’m sorry, miss, but I didn't work here. You can ask his Secretary.” nakangiting sagot ko.

“So, bakit ka nandito ‘kung hindi ka pala nag-tratrabaho dito? Sino ka ba?” taas kilay na tanong niya.

Magpapakilala na ako, miss. Wag excited!

“Sec. Garrette ng WIC.” ngiting sagot ko. Nakita ko itong nag-iba ang expression sa mukha at natigilan sa sinabi ko.

“You are, what?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Watson Interpreneur Company, Secretary.” ulit ko sa sinabi ko.

“This can't be.” bulong niya pero dinig na dinig ko. Nagmamadali itong umalis at may tinawagan sa selpon. Bumaba na'rin ako at dumiretso na kaagad sa kotse.

Inilagay ko sa likod ang pinermahan ng matanda para ‘kung sakaling may hindi magandang mangyari safe ang papers na pinapirmahan ko.

Napatingin ako sa side mirror ko ng may lalaking naka-tago sa likod ng poste ng parking lot na akala mo may minamasdan!

Thanks, God! ‘Kung sakali man na ako ang hinahanap nagpapasalamt ako dahil hindi niya ako nakitang sumakay sa kotse ko.

Napatingin rin ako sa babaeng mataray na kausap ko kanina ng lumapit ito sa lalaki at may iniabot na maliit na picture. Tumango-tango lang ang lalaki.

What the hell! Kasabwat niya?!

Nataranta ako at nag-mamadaling tinawagan si Ash!

“Hey! Wassup!” bungad niya.

“Where are you? Are you okay? Si Ally? Can you please use your fucking earphones para diretsaan ko na kayong kausapin!” kinakabahang sabi ko.

“Fine, calm down. Okay lang kami ni Ally. Katatawag niya na katatapos niya lang sa isang company, same with me. Eh, ikaw?”

“Yeah, I'm done. Okay lang ako.” I lied.

“Open your mic, I’m using it now.

“Okay, ibaba ko na. Contact Ally.”

“Sure. Ingat ka, bye!” paalam niya at binaba ang linya.

Ally, use your earphone now.” dinig ko sa earphone ko ang pag-kausap niya kay Ally.

The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now