"Tinanggihan mo na ang project dito, bakit mo babawiin?" tanong ni Cairo ng mabanggit ko sa kanyang mukhang magtatagal ako dito sa Sta. Maria.

Nagkibit balikat ako. Ramdam ko ang talim ng tingin ni Piero sa akin. Ngumisi ako sa kanya at nagtaas ng kilay.

"What?" tanong ko sa kanya pero imbes na magsalita ay inirapan na lang niya ako.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hanapin si Vera, hindi na ako nagulat ng hindi ko siya nakita. Iniiwasan niya talaga si Piero, ang gagong Piero na to.

"You need something?" tanong ni Gertie ng makasalubong niya ako papasok sa kanilang bahay.

Mukhang kagagaling niya lang sa kusina. Nalipat ang tingin ko sa hagdan paakayat sa second floor, nakita niya ang ginawa ko kaya naman tumingin din siya doon.

"Hobbes" tawag niya sa akin, nakasimangot at nakahalukipkip pa.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Para siyang batang galit sa akin at papagalitan ako. Imbes na matakot ka sa kanya ay matatawa ka pa. She's cute, ang swerte ni Eroz kay Gertie.

"Balak mo bang akyatin ang room ng Ate Vera ko?" masungit na tanong niya sa akin.

Natawa ako. "Hindi ba pwedeng makikigamit lang ng banyo?" tanong ko sa kanya. Ang sarap ding asarin ng isang ito.

Nanlaki ang mata niya. "Banyo sa room ng Ate Vera ko?" tanong pa niya na mas lalo kong ikinatawa.

"Masyadong masama ang tingin mo sa akin" sabi ko kaya naman kumalma siya ng marealize niya.

Humaba ang kanyang nguso. "I don't want my Ate Vera to be hurt, lalo mo...cause you are my friend" pangaral niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Hindi ko sasaktan ang Ate Vera mo" paninigurado ko.

Inirapan niya ako bago humaba ang nguso niya. "Hmp. Hindi ako naniniwala" sabi pa niya.

"Bakit ayaw lumabas, Dahil kay Piero? Sabihin mo akong bahala"

"Nagpaakayat na siya ng food sa room niya" laban niya sa akin.

Napakamot ako sa aking batok. "Buong maghapon siyang magkukulong don? Anong ginagawa niya?" tanong ko pa. I really want to know everything about her.

"She read books" tipid na sagot niya sa akin.

Hindi na lang ako nangulit pakatapos non. I'm willing to wait kung kailan niya ako papayagang manligaw sa kanya. Ang mahalaga, unti unti naming nakikilala ang isa't isa.

"Hobbes!" tawag ni Yaya Esme sa akin ng makita niya akong pumasok sa may kitchen.

Ramdam ko ang excitement niya ng makita niya ako. Nalaman ko ding siya halos lahat ng nagluto ng pagkain.

"Masarap po pala kayong magluto" puri ko sa kanya. I thought, focus lang siya sa pagaalaga kay Gertie all the time.

Ngumiti siya sa akin at nag taas ng kilay. "Syempre naman. Naniniwala ako sa kasabihang...The way to a man's heart is through his stomach" she proudly say.

Ngumisi ako sa kanya. "I doubt that, marami akong kakilalang babaeng chef, magagaling magluto. Pero hindi naman ako nainlove sa kanila" laban ko kay Yaya Esme.

Masarap siyang kausap, tama si Piero, maingay nga lang talaga but when she talks, matutuwa ka talaga.

"Ikaw talaga, Babe. Panira ka ng kasabihan" pangaasar niya sa akin na ikinatawa ko.

When the Moon Heals (Sequel #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя