"Wow. Ako nga pala si Ava at ang asawa ko si Faustino. Ang ganda ng pangalan mo. Tsaka.. mag enjoy ka lang dito."

"Hmm, iyang kambal ko Soledad... mahirap yan kapag magselos. Hindi ko pa siya nakitang nagselos noon pero alam ko... Matindi yan magselos."

"Shut up Faus."


Mamaya pa ay may lumapit na batang babae! Ang kulay ng buhok niya ay kapareho rin ng buhok ni Ava! Nakakamangha!

"Mama..w-where’s lola?"

Natahimik si Ava at tinitigan ang bata. Manang mana sa kanya ang anak niya. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakakanganga sa pagkakamangha.



Hindi kami doon nagtagal ni Frosto. Busog na busog ako ng pumasok kami sa kotse at tingin ko ay may importante siyang lakad.

"Saan tayo pupunta? Uuwi na ba tayo?"
Tanong ko.

Binalingan niya ako habang pinaandar ang kanyang sasakyan. Hindi lang pala isang sasakyan meron siya dahil kanina ay nalaman ko na mayroon pang isa. At ito nga iyong sinasakyan namin ngayon.


"Saan mo gusto mamasyal? Ipapasyal kita bago tayo umuwi sa hotel."


Nang imbestigahan ko ang mukha niya ay tila nagiging mabait lang siya sa akin pero napipikon siya sa kung anong bagay.

"Galit ka ba?"

Nilingon niya agad ako. "Hindi ako galit. My twin just pissing me off."

"Ah.." tumango tango ako. Baka ganon talaga silang dalawa.



Sinabi niya sa akin na kailangan muna namin pumunta sa isang hotel na malapit lang rin sa hotel na tinutuluyan namin.

Binalot niya sa akin ang kanyang makapal na jacket ng lumabas kami ng kotse.




Pinaupo niya ako sa isang malapad na area doon. Halos ako lang mag isa. Sa bukana ay may tatlong babae doon na nakauniporme.


"Stay here. Kakausapin ko lang si Dad. Anong gusto mong kainin?" tanong niya habang nakauklo ang kamay sa mesa at malamlam akong tinititigan.


"Sabay nalang tayo kumain mamaya sa hotel. Puwede ba?"


Tumango tango siya. "Huwag kang umalis dito. Importante lang ang ipapakita ni Dad. Things you're not allowed to see. Aasikasuhin ka mamaya ng waiter ng mga gusto mo. Sandali lang ako."

"Sige ayos lang naman."


Umalis siya kaya kinuha ko ang magazine na nasa aking harapan. Kakaiba nga talaga dito sa Manila. Gusto kong gumala muna bago umuwi ng Mindoro.

Maya maya pa ay may babaeng nakauniporme na lumapit. Ngumiti siya sa akin at nilapag ang hawka niyang sandwich at juice.

"Here's your food. Uhm...mawalang galang na ha? Ka ano ano ka ni sir Frosto Grey?"

"Uh...-" nag dalawang isip ako lalo na at hindi ako kampante sa tono ng babae sa akin.

"Probinsyana." sabi niya pa sa akin. "Ka ano ano ka niya? Alam mo hindi ako makapaniwala na pinatulan ka niya. You are too young..o baka nagkamali ako. Baka nakita kalang niya sa labas at pinakain dito?"


"H-Hindi magkasama po kami talaga."


Umirap siya at iniwan nalang ako basta basta. Halos sumabog ang puso ko sa kaba. Tumayo ako at pumunta sa Comfort room na malapit lamang sa bulwagan ng hotel. Kita ko lang agad lalo na sa sign nito sa itaas.

Halos tumakbo ako papasok doon. Naiihi ako sa sobrang nerbiyos! Bakit ganon sila sakin? Ganon ba ang iba dito kapag nakita nilang mahirap lamang?

Umihi ako at nakita ko na may konting dugo ang panty ko.

"Hala!" malakas akong napasinghap ng malaman na magkaka menstruation ako!


Mabilis akong umayos at lumabas ng cubicle. Ng makalabas ako ay nakita ko na may babae sa harapan ng malapad na salamin.



"Hi!"


Nabigla ako ng kanya akong binati. Napakaganda niya.

"H-Hello po!"

"You are Soledad right?"

Paano niya ako nakilala?

"O-Opo."

Inayos niya ang pagkakasabit ng bag sa kanyang balikat at naging seryoso at inembistigahan ang pisikal na anyo ko. Nakaramdam ako ng takot.

"Hmm.. Ako nga pala si Genevive! Nice meeting you!"


Nilahad niya ang kamay sa akin kaya tinanggap ko iyon.

"Sana maging magkaibigan tayo." aniya at ngumisi sa akin.

"A-Ah..opo."

"Good girl." aniya at hinimas ang aking buhok.

Unang Halik Where stories live. Discover now