Kabanata 43

55 12 12
                                    

Kabanata 43

Dizzy

A lot of things has happened. Umuwi ako ng San Vicente, pero... hindi kasama si Nova. He kept his promise, he gave me my time.

Sa pagbabalik ko, inantay ako ng mga kaibigan ko. Buo silang lahat, dumagdag si Landon na bagong miyembro ng squad namin who's fortunately Laarni's boyfriend. Dolores was so worried about me, she even cried, kahit naman sina Melody at Laarni. Lani just make the mood lighter dahil buntis si Melody. Sabi nga, bawal ma-stress ang buntis.

My friends never asked about what happened, o kung bakit hindi ko kasama si Nova. They respected my silence.

Dumiretso ako kila Nanay at Tatay. Umiyak si Nanay pero patuloy ang panenermon sa akin. Halos daw mamatay sila sa pag-aalala. She was damn worried, nararamdaman ko 'yon sa bawat sermon at luhang bumabagsak sa pisngi niya. Instead of defending myself, I just hugged her.

She was just a kind-hearted boss of my mother noong nagtatrabaho pa siya sa carenderia, pero ngayon, pamilya ko na. Nagalit rin sa akin si Tatay Virgil at hindi pa ako kinikibo. He may be silent pero alam ko nagdadamdam siya sa akin. I feel guilty dahil sobrang naging makasarili ako. I didn't think of the people around me. And I didn't have the chance to tell them what really happened.

Nagpaalam ako na uuwi sa bahay at babalik na lang kinabihan dahil doon ko balak matulog sa kanila, just to make up for the two weeks I'm away.

"I'm home," I whispered as I stand in front of the gate. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay. Imahe nina Mama at Papa ang siyang bumungad sa akin.

"Papa! 'Yong saranggola ko po, nasabit!"

"Sabi ko naman kasi sa'yo, anak, sa parke tayo pupunta. Sandali, kukunin ko."

"Railey, dahan dahan lang! Baka madapa ka!"

"Ingat po kayo, Papa! Pasalubong ko po, a!"

"Warren, iyong panyo mo!"

"I love you, Mama!"

I looked at the door, nakita ko roon ang pigura ni Mama, nakangiti at kumakaway sa akin. Lumitaw naman ang pigura ni Papa sa likod, niyayakap si Mama.

Malungkot akong napangiti. Kasama ko sila dati pero ngayon, mga ala-ala na lang sila. All of it was just a mere memories, and I'm happy that I kept the happy ones.

It's not bad to cry sometimes. Minsan, ang kalungkutan pa ang magpaprealize sa atin sa mga bagay bagay.

Sadness will always bring happiness.

"Nakauwi na po ako," I whispered to the wind. The cold breeze blew that made me smiled. I felt their presence. I sighed in relief saka dahan dahang pumasok sa loob.

I spent my days working with Rani's Accessories na noo'y iniwan ko pansamantala kay Dolores. There isn't any supplies left and wala nang gaanong laman. Hindi rin kasi gaanong alam ni Dolores ang pamamalakad at kung paano ako gumagawa at kumukuha ng ibang supplies. I closed Rani's Accessories na nakatayo banda kila Mang Gorio and decided to build my own store building. Nagkataon na binibenta ang katabing lote na hindi naman gaanong kalakihan kaya binili ko na. Agad naman tinransfer sa akin ang titulo kaya walang naging problema.

"Are you okay, Rai? Your complexion doesn't look good. Namumutla ka rin. Ayos ka lang ba?"

Nag-angat ako ng tingin kay Melody. "I'm good. Napuyat lang ako kagabi dahil sa pagbabasa."

Pinilit kong ngumiti sa kanya. But honestly, I didn't know what's wrong with my body these days. Madalas akong mahilo. Nangangayayat din. The same symptoms my mother had noong na-diagnosed siya sa sakit na Acute Myeloid Leukemia.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now