Kabanata 22

46 14 8
                                    

Mistress

The next days have become hard on me. Inisip ko ng inisip ang nasaksihan ko noong pag-uwi ko galing kila Mang Gorio. Hindi ko na kinompronta pa si Mama tungkol doon dahil natatakot ako. Natatakot na baka nga tama ang hinala ko at natatakot sa mga pwede kong malaman.

Mama is seeing Engineer Escalante, at ngayon lang rumirehistro sa akin lahat. They were always together, at sana noong una pa lang nanghinala na ako. Napansin ko na dati pa ang napapadalas na paghatid ni Engineer Escalante kay Mama pero isinawalangbahala ko na lang. Madalas silang magkasama hindi dahil sa magkaibigan sila kundi may iba pang dahilan.

At noong family dinner nila Nova, naalala ko na Engineer Escalante was with Mama. Malinaw pa sa akin ang nangyari noon, and he chose my mother over his own family. At iniisip ko pa lang na may namamagitan nga sa kanila, kinikilabutan na ako.

The way Engineer Escalante cares and gently looks at my mother, alam ko na agad na may kakaiba. Sabi ni Aling Maring, Mama is his first love kaya hindi malabo na tama ang iniisip ko.

"Good morning, Ma'am, Sir," pilit kong ngiti sa mga kapapasok lang na mga turista. Ang iba sa kanila ay mga camera pa sa kanilang leeg.

"Ayos ka lang ba, Raya?" siko sa akin ni Ate Sirene sa tabi.

I nodded, and smiled at her a bit.

"Doon ka na lang muna sa mesa mo, ako na'ng bahala."

Hindi niya na ako inantay pang makapagsalita at mabilis na siyang umalis. I braced myself for a deep inhale, and later on went back on my post. I glanced at Ate Sirene's side to check on them. I can also hear their small laughters. Looks like the tourists are enjoying Ate Sirene's company.

Few minutes have past, Aling Paloma asked for me. Magpapasama raw siya doon sa kakilala niya, magdedeliver ng mga handicrafts.

"Kasama pa po ba ito?" I asked Aling Paloma habang bitbit ang ilang mga basket na gawa sa yantok at mga bracelet at kwintas na gawa sa corales.

"Oo, Raya. Ilagay mo na 'yan doon sa tricycle."

"Sige po. Siya nga po pala, si Noel po? Hindi ko po siya napansin mula pa kanina."

"Walang magbabantay sa mga kapatid niya kaya hindi ko na rin pinayagan na tumulong pa rito. May pinuntahan ang anak kong si Luis, 'yong papa niya," paghinga ni Aling Paloma ng malalim.

Hindi na ako nagtanong pa at inilagay na lang ang mga materyales doon sa tricycle na nag-aabang.

Bumalik sandali si Aling Paloma sa loob, magpapaalam ata kay Mang Gorio at Ate Sirene. I took the chance to get a view of the wide ocean. Sinuyod ko 'yon simula sa mga bangkang nakahilera sa puting buhangin hanggang sa puno ng niyog sa kabila. Bumaba na rin ang araw. Hapon na rin at natitiyak kong marami na ang naliligo.

The truth is, medyo may kalapitan ang inn nina Aling Paloma sa resort nina Nova. Kaya hindi na ako nagtaka noong pumunta sila rito noong isang araw kasama noong kaibigan niya dahil pwede lang lakarin.

"Saan daw ba ihahatid 'tong mga 'to, Raya?"

Napabaling ako kay Kuya Josue na driver ng tricycle at isa sa empleyado ng maliit na inn ni Aling Paloma.

"Hindi ko po alam, Kuya. Hindi ko na rin po natanong," I replied.

Kanina, hindi ko na tinanong pa kay Aling Paloma kung saan namin ihahatid 'yong mga handicrafts dahil biglaan din. Sumandal ako sa gilid ng tricycle habang pinagmamasdan ang labas ng maliit na store.

Nililipad ng hangin ang dream catcher na mayroong chime na nakasabit sa gitna ng pintuan.

From the highway, kailangang lumiko at dumaan sa medyo lubak na daanan para makarating dito sa inn. Marami nang inn, resorts, cottages, at lodging houses dito sa long beach kaya kapag may turistang pupunta, hindi na sila mahihirapan pang pumili at maghanap.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя