Kabanata 15

78 22 8
                                    

Kabanata 15

Unconscious

Mariin ang titig ko sa edge ng tent. Tulog na tulog na ang mga katabi ko, samantalang heto ako't gising na gising pa rin ang diwa. Inisip ko ng inisip ang mga naganap kanina. Everything feels surreal.

Napabaling ako kina Diane at Melody. Tulog na tulog na sila. Napahinga ako ng malalim. Hindi talaga ako makatulog.

I wore Nova's Korean-style jacket saka nagpasyang lumabas.

When I got out from the tent, maliwanang ang paligid dahil sa buwan. May mga ilaw din sa mga kalapit na resort.

Bumaling ako sa gilid kung saan kami nagbonfire. Wala nang apoy doon pero nandoon pa rin ang mga upuan.

I smelled the cold breeze and decided to go there.

I sat from where I was sitting earlier. Bumalik sa akin ang ala-ala kanina. Inasar kami, at... iyong halik.

My face flushed at the thought. Isa 'yon sa rason bakit hindi ako makatulog. The feeling never left my mind.

Wala sa sarili akong napahawak sa aking labi. Walang binatbat ang lamig ng hangin sa init na narardaman ko ngayon. Para akong pinapaso habang inaalala lahat. Isa pa, ala-una na siguro ng madaling araw. Hindi ko na rin chineck kanina dahil mas inuna kong lumabas.

Naiwaglit lang sa isip ko ang nangyari nang may mapansin sa katabi kong upuan, isang jacket. It was very familiar. Nang maabot ko, nasiguro ko na sa kanya nga 'yon, kay Nova. It was his black leather jacket. Hindi niya naman pwedeng naiwanan dahil mainit pa 'yon. Parang...

"Rai?"

My heart pounded erratically. Pigil pigil ko rin ang aking paghinga.

I immediately turned around. It was... Nova. He was holding a small thumbler on his right hand, 'yong madalas na nilalagyan ng mainit na tubig. At tasa naman sa kaliwa niyang kamay.
  
Nova blinked as if not expecting he'll see me here. He didn't changed his posture and just stared at me.

"What..." He looked at our tent then back to me. "...are you doing here?"

Napakurap din ako.

He then slowly walked towards the chair beside me. Saglit niyang inilapag ang hawak na thumbler saka humarap sa akin.

"H-hindi ako makatulog," pag-amin ko saka nag-iwas ng tingin. "I-Ikaw din?"

"Yeah. Sa tingin mo ba makakatulog ako pagkatapos ng nangyari? I'm afraid this is just a dream. Baka kapag natulog ako, paggising ko hindi pala totoo lahat ng nangyari."

Napaangat ako ng tingin sa kanya, medyo kinakabahan.

"This is not a dream though," I said in a small voice.

"Is it?" he smiled warmly.

Bumuga siya ng hininga saka ngumiti muli sa akin. "Do you want to walk for a bit? Doon tayo malapit sa dalampasigan."

Nagdalawang isip ako pero wala rin naman akong gagawin at hindi pa inaantok. I just nodded. He extended his hand para tulungan akong tumayo. Dala-dala ko ang leather jacket niya habang siya nama'y dala 'yong thumbler at maliit na tasa.

Sabay kaming naglakad. We were walking slowly, enjoying the scenery.

"Kanina ka pa ba nasa labas?" tanong ko ng bahagya.

"Medyo. Kasama ko kanina si Russell, pero nauna na siyang bumalik sa tent. Pumunta ako ng beach house para magtimpla ng kape, that's when I saw you."

My lips parted when he clasped our hands. His was cold and rough. It was calloused like a sculptor's hand.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now