Kabanata 1

175 53 99
                                    

Kabanata 1

Friends

Ingay mula sa kusina ang siyang gumising sa akin. I rose from the bed, and I instantly felt the pain behind my back, even my swollen cheek.

I bit my lips. I remembered what happened yesterday, very clearly.

I glanced at my small bedside table. It's almost quarter to 9:00 in the morning. At late na ako. It's not that I will go to school with my state. Kahit naman gisingin ako ni Mama, hindi ako papasok.

Mabilis akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Mama na naghahanda ng pagkain sa maliit naming lamesa. She didn't go to work too.

"Ma..." I said. "Good morning."

Pilit akong ngumiti. I don't want to make her worry. Ayoko nang dumagdag pa sa problema niya.

I stared at her eyes, at pagod na pagod ang mga 'yon. It was too tired na iisipin ko na unti na lang at susuko na siya.

"G-good morning, Rai." Binigyan ako ni Mama ng malungkot na ngiti. She then went to me. "I'm sorry, I didn't wake you up. Pasensiya na. A-ayokong-"

"Ayos lang po, 'ma. Wala rin naman po akong balak pumasok."

Hinawakan ni Mama ang namamaga kong pisngi saka siya huminga ng malalim. "I'm sorry, anak."

I smiled when she kissed my cheek. Kahit papaano nawala ang malaking bato na nakadagan sa akin. She's always my safe haven.

We ate our meal. Pagtapos no'n ay tinulungan ko si Mama sa paglilinis ng buong sala.

Magulo ang loob ng bahay pag-uwi namin kagabi, at hindi na kami nakapaglinis pa dahil gabi na masyado. At ang alam ko, nakatulog ako agad habang ginagamot ni Mama ang sugat ko sa likod. Wala kaming ice kaya't malamig na kutsara na lang ang ginamit para sa namamaga kong pisngi. May natira pang betadine kaya 'yon ang ginamit ni Mama sa sugat ko. Hindi na rin ako nakakain pa kagabi dahil sa pagod at sakit ng katawan.

Nilinisan ko ang mga bote ng alak na nasa mesa banda sa sala. Marami ring upos ng sigarilyo na tumilapon sa gilid ng lamesa. Nagkalat din ang mga branded na damit ni Tito sa sahig.

Pagtapos no'n ay nilinisan ko ang labas. Sira nanaman ang lumang mesa na madalas naming tambayan ni Mama sa labas tuwing walang ginagawa. Nagwalis na rin ako ng iilang mga dahon doon.

Lagi na lang ganito ang aabutan namin tuwing uuwi. Nakakasawa din. Sa sobrang nakakasawa, gusto kong umalis at magpakalayo layo. But I can't since ayaw din ni Mama. Hindi ko naman siya magawang iwan. And it seems that my mother won't leave her precious younger brother.

And maybe, I know the reason why. Dalawa lang si Mama at Tito Dexter na anak ni Lola. And before she died, she asked a favor from Mama. That whatever happens, she'll take care of Tito Dexter. Mama promise her as well, that she'll never leave him.

It's a question for me kung paanong nagawang magtiis ni Mama kung binubugbog naman siya ni Tito.

One of the worst things that has happened was when we have our school trip, a two days school trip. I was Grade 7 that time. Ayoko sanang sumama dahil aside sa wala kaming pera, I don't want to leave my mother behind. But she's too supportive of me. She makes sure na makakasali ako sa mga events at wala akong mami-miss na kahit na ano.

Nang umuwi ako pagtapos ng field trip, naabutan ko si Mama sa bahay, maraming pasa sa katawan. And it's like Tito Dexter strangled her dahil may pasa rin sa bandang leeg niya. I was in rage and wanted to hurt him as well pero agad akong pinigilan ni Mama.

Ano nga naman ang magagawa ng labing dalawang taong tulad ko?

I sighed after remembering that horrible memory. Sa totoo lang, kung mayroon man akong masasayang alaala, 'yon ay ang kasama ko pa si Papa. We're a happy family back then, pero nang mawala siya, everything became dark for me.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon