Kabanata 32

47 15 5
                                    

Kabanata 32

Caught

Mabilis akong napatayo nang makita ang mga kaibigan kong laglag ang pangang nakatingin sa amin ni Nova. My smile instantly faded as if it’s the end of the world. Sa kamalas malasang pagkakataon, nakalimutan ko kung anong araw ngayon. Ngayon pa talaga na kasama ko si Nova.

I swallowed hard, not breaking the eye-contact with my friends. Tulala sina Melody, Laarni, Niko at Noel, samantalang hindi na nagulat pa si Russell.

“Uh, hi?” ngiwi ko. Sa dinami rami ng pwedeng sabihin, ‘yon pa talaga. Masyado na akong nataranta kaya hindi ko na alam kung ano ang unang sasabihin sa kanila. Para bang humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko. Who wouldn’t? We’ve been friends for how many years, and ever since then, I never lied with them o kahit magtago man lang ng kahit ano, ngayon lang.

Nova was staring at me intently na mas nagpadagdag pa sa kaba ko.

Melody smiled at me. No. It wasn’t her normal smile, it was a deadly one! Para bang may napalaki akong kasalanang nagawa.

Dahan dahang naglakad sa akin si Mel, still wearing her 'you’re-dead' smile.

“Sorry sa istorbo, ha?” Bumaling siya sa kay Nova na ganon pa rin ang disposisyon. “Akin na muna si Railey. May importanteng bagay lang kaming pag-uusapan.”

Kinabahan ako lalo sa diin ng pagkakasabi niya sa ‘importanteng bagay’. Bumaling ako kay Nova na para bang humihingi ng tulong. He just tilted his head and signaled me to come with her. I shook my head immediately at him dahil alam ko na kung ano ang mangyayari. Can’t he see? Kailangan ko ng tulong niya!

“Tayo, Railey,” utos ni Melody. Sa lahat ng mga kaibigan ko, kay Melody talaga ako takot. She's like a strict grandma!

Parang bata akong tumayo. I even played with my fingers. I was hesitant to go. At talagang tumingin pa ako kay Nova, nagbabakasakali na tutulungan niya ako. But he didn’t. He just smiled to assure me that everything’s gonna be fine.

Kung hindi pa ako tinulak ni Melody palabas, baka pa nagpaiwan ako.

Nasulyapan ko si Noel na masama ang tingin kay Nova. Nova did the same. I can even see the clashing of their stares. Parang may magaganap na away.

Nagpaiwan sina Niko, Noel, at Russell sa loob samantalang mabilis akong kinaladkad nina Lani at Melody patungong sala. Their faces says it all, they are not very pleased for what they saw.

"Ano'ng ibigsabihin nito, babae, ha? Bakit kayo magkasama ni Nova? At anong he's willing to be your fuck buddy! Your fucking buddy?!" nanggigigil na saad sa akin ni Melody. I glanced at Lani who just shrugged her shoulders, mariin din ang titig sa akin.

"Uh, about that... well... you see... were in uh... good terms? And h-he's now courting me..." I said in an awkward disposition.

Nagkatinginan sina Melody at Lani, hindi ata rumirehistro ang sinabi ko.

"A-Ano kamo? Mali ata narinig ko... Anong nanliligaw? Bakit siya manliligaw? Akala ko ba galit ka sa kanya?" naguguluhang tanong ni Mel.

"'Yon na nga. H-hindi ko naman alam na aabot sa ganito."

"Kailan pa?" si Lani.

"One week ago?"

"Putcha! One week?!" hindi makapaniwalang saad ni Mel. "Nag-isang linggo na at hindi mo manlang pinaabot sa amin?! Ni isa sa amin? Rai naman!"

"Mel, kumalma ka. Buntis ka, remember? Hindi ka pwedeng mastress," ani niya sa sarili.

Nalaglag ang panga ko. "W-What? You're pregnant?"

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz