Kabanata 24

47 13 9
                                    

Kabanata 24

Gone

That night, I slept with Mama. Hindi ko 'yon madalas gawin dahil matanda na ako at may sarili akong kwarto. Pero no'ng gabing 'yon, hindi ako umalis sa tabi niya. Nandoon lang ako, mahigpit siyang niyakap.

She kept on caressing my hair. Hindi ko maiwasang lumuha dahil nagkukwento pa siya kung gaano siya kaexcited na makita ko 'yong bahay. Masaya si Mama dahil panigurado matutuwa raw ako, pero hindi ko man lang magawang ngumiti.

I managed to calm down habang nakikinig sa mga kwento niya.

"Nilagyan ko pa ng maliit na hardin sa gilid. Gustong gusto mong may mga bulaklak, hindi ba?" she smiled and stroked the strand of my hair. "Maganda ang sala, anak. Pati ang banyo."

Nakakalungkot pero iniisip ko na Mama is trying really hard para hindi ko isipin ang mga sinabi niya kanina. And it's all for me.

One year? Sobrang ikli ng isang taon. Makakaabot pa ba siya sa susunod na birthday ko?

"Tapos, malambot ang kama roon. Hindi katulad dito sa bahay natin na banig lang."

Umahon ako ng bahagya para makita siya. Isang tanong ang siyang pumasok sa isipan ko.

"Saan po kayo kumuha ng pera, Mama, na pampatayo ng bahay?" kuryuso kong tanong.

Hindi kami mayaman, kaya't nagtataka ako kung paano siya nakapagpagawa ng bahay.

Natigilan si Mama saka lumunok. "U-Uh, n-naipon ko, anak."

Hindi ako kumbinsido pero pinalampas ko 'yon. Alam ko naman na hindi gagawa si Mama ng masama.

"Gusto mo bang puntahan natin bukas?"

Hindi ako kumibo at tumango na lang. Pinagmasdan ko lang ang maamong mukha ni Mama. Sobrang laki ng ipinayat niya. Maputla man ang mukha niya pero pinipilit ngumiti.

May laging Kastila si Mama at namana ko sa kanya ang katangusang ilong, manipis na labi, at medyo straight na buhok. Do I look like her when she was young?

I buried my face into her chest dahil medyo pagod na ang mata ko. I am a little bit exhausted dahil sa pag-iyak. With her, caressing my cheeks and whispering sweet words, I immediately drifted to sleep.

I slept peacefully dahil mahigpit ang yakap ko kay Mama. Kakapit pa rin ako kahit alam kong imposible.

I woke up the next morning. Katabi ko pa rin si Mama na mahimbing na natutulog. Alam ko na sa aming dalawa, siya ang mas apektado. From the moment she knew her sickness, I know she's really holding back from telling me all these.

I smiled and kissed her cheek. Maingat akong bumangon upang hindi siya magising. But my eyes dropped on her shoulder, there are new bruises there.

I gritted my teeth habang mabilis ang naging paghinga ko. As much as possible, ayokong makita ang mga pasa niya. Pinapaalala lang no'n ang katotohanang iiwan niya ako.

I breathed heavily and decided to go down.

It's past six in the morning. Naghilamos ako at inayos ang buhok ko. Magang maga ang mata ko dahil sa pag-iyak pero nagawa ko pang ngumiti. Pagtapos no'n ay naghanda na ako ng umagahan. Ininit ko ang pancit bihon at adobong manok na handa kagabi. May bawas 'yon pero unti lang dahil kami lang naman ang kumain kagabi.

Nag-isip ako ng magagandang bagay. Inisip ko na lang na magiging masaya si Mama dahil naghanda ako ng umagahan sa kanya. From now on, pinangako ko na pagsisilbihan ko siya ng todo.

Inilalapag ko na ang mga plato sa lamesa. Nagulat na lang ako nang makarinig ng malakas na pagbagsak ng kung ano sa yero ng bahay.

I immediately went to the front door. May mga batang nagba-bike doon habang may hawak hawak na bato. Apat silang batang lalaki at nagtawanan pa. Sa tingin ko ay mga elementary.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ