Kabanata 26

56 13 0
                                    

Kabanata 26

Back

"Is everything okay, hija?" marahang tanong ni Ma'am Miranda saka ibinaba ang hawak na tsaa.

Miranda Concepcion is already on her late sixties, pero mahahalata mo pa rin ang pagiging sopistikada dahil sa pinong galaw at pananamit. She's wearing an elegant dress with a diamond necklace on her neck, different rings on her fingers, and her favorite green earrings.

I was in college when Casa Miranda was first built. Ang alam ko, taga-Cebu si Ma'am Miranda at lumipat lang dito noong nabili na ang malawak na lote sa harap ng beach, ilang metro lang ang layo sa lupain ng mga Escalante. Sikat din na politiko ang asawa niyang si Gonzalo Concepcion na isang District Representative.

"Uh..." Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Her eyes were full of concern. I laughed nervously saka napahawak sa gilid ng aking noo. "I'm sorry, Ma'am... I've been spacing out. Ano na nga po iyong tanong niyo?"

Nandito kami ngayon sa exclusive beach house ni Ma'am Miranda, malapit lang sa Casa. Pinatawag niya ako para sa suggestions ko tungkol sa iilang renovations ng mga beach houses. Ma'am Sonia, her daughter, is very busy dahil siya ang nag-aasikaso mostly ng management ng buong Casa.

Ma'am Miranda sighed. "Let's forget about the renovations for now. Ayos ka lang ba, hija?"

I smiled apologetically. "I'm sorry, Ma'am. Iniisip ko lang po ang parte ng restaurant na nirerenovate. Wala pa po akong desinyong nagugustuhan."

"You don't have to rush, hija. Marami pang oras at hindi kita minamadali. Do you want to rest first? Will one week be enough?"

I pressed my lips. "Masyado naman po atang mahaba ang isang linggo, Ma'am. Hindi rin po ako basta basta na lang mag-leave sa trabaho dahil fully-booked ang Casa at maraming customer sa Miranda Bleu. Maliban sa new design ng pinaparenovate, I have to train those newly hired waitresses at baka magka-aberya pa."

Ma'am Miranda smiled at me warmly, tila ba may sinabi ako para mamangha siya. "You really are so passionate about your work. I really admire you for that, Railey."

Ginantihan ko siya ng isang ngiti. "Bago po tayo mahalin ng trabaho natin, we should love our work first. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo, Ma'am. Besides, hindi po ako makakarating sa kung anong meron ako kung hindi po dahil sa inyo."

"No, hija. It's because of your hard work. You worked hard for this," aniya saka ako binigyan ng isang matamis na ngiti. "Siya nga pala, you're working for an engineer para sa bahay mo, am I right?"

Napahawak ako sa aking leeg. "Naghahanap pa po ako ng magdedesinyo ng bahay."

"I can recommend you to someone. Kababalik niya lang, but he really is a good architect and engineer. Actually, he was the one who designs the Miranda Cove. That man is a true gentleman too."

Bakas na bakas mo ang pagkawili sa boses niya kaya't pati ako ay napapangiti na rin.

"Sige po, Ma'am. Actually, I'm having a hard time finding someone na magdedesinyo ng bahay dahil na rin po busy sa restaurant."

"Then I'll contact him immediately," she smiled. Maya maya pa ay kuryuso siyang napatingin sa akin tila ba may naalala. "If it's okay to ask, hija, may nobyo ka na ba?"

Medyo nagulat ako sa tanong niya. She never asked about my personal life, not even once. Ngayon lang.

"Uh... wala po, Ma'am," nahihiya kong saad.

She raised her brow. "Then, manliligaw?"

"Wala rin po."

She blinked saka eleganteng umayos ng umupo.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now