Kabanata 20

56 13 14
                                    

Kabanata 20

Over

"Matulog ka na, Raya. Wala ka pang tulog simula pa kagabi."

I glanced at Aling Maring and smiled a little bit. "Mamaya na po kapag nagising na si Mama."

Bumaling ako kay Mama at inayos ko ang kanyang kumot. All of her bruises are now visible, at halatang halata na ngayon lahat ng pasa niyang natamo kagabi. Medyo namaga rin ang pisngi niya.

"Kumusta na po..." ang hayop na 'yon? "...si Tito Dexter?" tanong ko kay Aling Maring na bahagyang napahinto sa pagdampot ng iilang damit na nakasampay sa upuan.

"Nasa presinto pa rin siya, Raya. Pero panigurado makukulong 'yon dahil sa ginawa niya kay Rani. Magsasampa rin ng kaso si Raphael. Hindi 'yon papayag na hindi pagbayaran ng Tito mo ang ginawa niya sa Mama mo."

I smiled bitterly inside my head. Tito my ass. Ni hindi nga namin siya kadugo. Now I know why he's acting like that. He's mad at my mother because he's just an orphan. Si Mama talaga ang legal na anak. Malabo talagang mabigyan siya ng malaking property. Even so, hindi rin siya naging mabait sa tumayo kong Lola. In fact, mas naglustay pa siya ng pera. He has taken advantage of the riches my grandmother has possessed.

Bumuga ako ng hininga saka mariing pumikit. Ibinalik ko ulit ang tingin kay Mama. Sa katunayan, medyo bumibigat na ang talukap ng mata ko. Baka nga mayroon na akong dark circles. Gusto kong matulog pero sumasagi lagi sa isip ko ang nangyari kagabi Jaya sa halip na matulog, inaabala ko na lang ang sarili.

Alas-kwatro na ng madaling araw. Tulog pa si Dolores na nasa kwarto ko. Dito sila natulog ni Aling Maring. Hindi na rin siguro nila kami maiwanan dahil nga malapit kami sa kanila.

Hindi na rin dinala pa si Mama sa ospital dahil ang mismong midwife na ng barangay namin ang siyang gumamot sa kanya.

I massaged my neck saka humikab. Inaantok na talaga ako sa totoo lang. Napansin din 'yon ni Aling Maring kaya napabaling siya sa akin.

Bumuga siya ng hininga saka bumagsak ang balikat. "Sige na, anak, magpahinga ka na. Ako na magbabantay sa Mama mo."

"Maraming salamat, Aling Maring." I sighed. I held my Mama's hand and kissed it thoroughly. "Rest well, Mama."

Nagpaalam na ako na tutungo sa kwarto, kay Dolores. Naabutan ko siya na mahimbing ang tulog sa kama ko. Pang-isahan lang 'yon kaya hindi na ako pwedeng sumiksik. Naglatag na lang ako ng banig sa sahig. Gawa lang 'yon sa ipil na kahoy kaya hindi pa sira hanggang ngayon.

Nakahinga ako ng maluwag nang lumapat ang likod ko sa banig. I'm used to it already dahil wala naman akong choice. Dahil na rin siguro sa pagod, mabilis akong nilamon ng antok.

I woke up the next morning dahil medyo maingay sa baba. I rolled on the other side of the mat and slept once again. Ayon nanaman ang ingay. I slowly opened my eyes saka tulalang tumingin sa cabinet na nasa gilid. Medyo antok pa ako pero pinilit kong bumangon. And when I did, I glanced at the bed. Wala na roon si Dolores.

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba.

"Raphael, para saan ba 'yang mga 'yan?"

Napahinto ako nang marinig ang boses ni Mama. Mabilis akong bumaba sa hagdan at naabutan ang nag-uumpukang mga tao. Sa sala, naroon sina Tito Raphael, Kuya Tony, Aling Maring, Dolores, Noel, Russell, Niko, at Melody. Si Mama naman ay nakaupo sa gilid katabi ni Aling Maring.

I blinked saka sinuyod ang buong sala. Naagaw ko ang pansin nilang lahat. I froze when their eyes are all on me. I froze habang nakahawak sa railing ng hagdan. Maya maya pa, napansin ko na bumaba ang tingin ni Noel sa aking suot. He was blinking too.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now