Kabanata 16

65 20 4
                                    

Kabanata 16

Misunderstanding

"Anong sabi ng doctor, Rai?" kinakabahang tanong ni Aling Maring. She's pale as I am. Balisa rin siya at hindi mapakali.

When she heard the news that my mother fainted, hindi na siya nag-atubi pang pumunta sa ospital. Aside from being the Carenderia's owner, siya rin ang mapagkakatiwalaang kaibigan ni Mama.

"Wala pa po. May mga ginawang test pa po sa kanya," sabi ko sa pagod na boses.

I glanced at my mother who's still unconscious. She was lying on the hospital bed, and I'mm relieved that she's breathing normally.

Kasama ko si Nova rito. And he's the one who carried Mama patungong ospital. Umalis lang siya para bumili ng maiinom.

Bumalik ang tingin ko kay Mama. I was sitting next to her at hindi ako umalis sa pwesto ko kanina pa.

I held her rough hand and led it to my right cheek.

"Gumising ka na po, Mama," I whispered softly and kissed the back of her hand. "Sabi ko naman po kasi sa inyo, e, huwag kayong masyadong nagpapapagod."

I already cried earlier, pero kapag nakikita ang ganitong kalagayan ni Mama, hindi ko pa rin maiwasang maluha.

I composed myself and breathed heavily.

The door opened. Sabay kaming napabaling ni Aling Maring sa pintuan. Iniluwa no'n si Kuya Tony and his father, Tito Raphael. Hindi na ako nasorpresa na nandito si Kuya Tony pero si Tito Raph? Medyo nakakagulat. Medyo malayo ang lugar na pinagtatrabahuhan ni Tito kaya hindi ko 'yon inaasahan. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ang huli kong kita sa kanya.

Malayong Tito ko si Tito Raph sa side ni Mama. At talagang malapit kami.

"Railey," ani ni Tito. Kakikitaan din ng pagod ang mga mata niya.

I smiled sadly at him. Tumayo ako saka sinalubong siya ng yakap. My eyes turned misty as he hugged me back. Naramdaman ko na hindi ako nag-iisa sa laban.

Nawalan lang ng malay si Mama pero iba kasi ang dating sa akin. Sobra kong emotional pagdating sa kanya. Everytime my friends and I talk about her, naiiyak ako lagi. Iniisip ko pa lang na magkakasakit siya, para akong pinipiga.

"Pasensiya na, Rai. Nalaman ko lang ang nangyari kay Rani rito kay Tony. I'm sorry it took me months to come back here."

"Wala po 'yon, Tito. Salamat po sa pagpunta at pag-aalala kay Mama."

Humiwalay siya sa yakap. "Kumusta si Rani?"

Nakita ko ang bahagyang pagbaling ni Tito sa hospital bed kung saan nakahiga si Mama.

"Hindi pa rin po siya gumigising. Ang sabi po ng doctor, babalik po siya para sa resulta ng mga tests ni Mama."

Tito Raph nodded. Kuya Tony then appeared beside him. He just smiled a little bit at me and jumbled my hair.

"Tita will be okay."

Napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Nasaan nga pala ang Tito Dexter mo, Railey?" tanong ni Tito Raph.

I bit my lips. "Hindi ko po alam."

He realized that I'm not comfortable kaya hindi na siya nagtanong pa.

He sighed and after that went to where Aling Maring was seated.

"Kumusta na, Marie?"

Umupo si Tito sa katabi nitong upuan. They even talked for a while.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now