Kabanata 18

55 16 0
                                    

Kabanata 18

First Love

"You don't have to force yourself, Railey. If you don't want to then-"

"Nova, calm down." I held his hand. "Oo, I'm a little bit nervous, pero hindi ko pwedeng tanggihan si Ma'am Alicia. I can do this."

"But, Railey..."

I gave him a reassuring smile and squeezed his hand.

"Ayos lang. Promise."

May pag-alinlangan sa mga mata niya. He stared at me for awhile as if finding some answers.

Later on, he sighed and held my hand.

"Tara na. Baka inaantay na tayo ng Mama mo."

Kahit kinakabahan ng husto ay nagawa kong ngumiti. Sa totoo lang, takot talaga ako sa Mama niya. Ayoko lang ipahalata dahil ayokong mag-alala pa si Nova.

Nang sabihin sa amin ni Ate Loling na pati ako ay gustong makausap ni Ma'am Alicia, kinabahan talaga ako. Sino ba namang hindi? Iniisip ko pa lang na makakaharap ko siya, nanlalamig na ang buong katawan ko. I was so damn nervous, pero ayoko rin namang ipahiya si Nova.

Salat man kami sa salapi, pero pinalaki naman ako ni Mama na maging matapang at ipaglaban ang prinsipyong pinaniniwalaan ko. I shouldn't be ashamed of my status, instead, I should stand proudly dahil hindi naman pera ang habol ko kay Nova. Pero alam ko rin na sa tingin ng iba, I'm a gold digger bitch dahil kahit pa tinatanggihan ko ang pagbibigay ni Nova ng mga materyal na bagay, he will always find ways for me to accept those things. He will even seek help with my mother para mapapayag ako. Ang ending, wala na rin akong nagawa kundi ang tanggapin 'yon.

Hindi ako bulag para hindi mapansin ang mga sinasabi ng tao sa akin. Iniignora ko na lang dahil dadagdag lang 'yon sa mga pinoproblema ko.

I swallowed hard as I stepped on their Mansion's gate. Nova observed that I was tensed so he held my hand tightly. He looks bothered and worried at the same time.

"Nova, Raya," Nana Lota greeted us as we reached the stairs patungo sa front door. Mukhang inabangan niya talaga kami. She seemed worried for some reason.

"Nana, nasa loob po ba si Mama?"

"Oo, Nova. Nagbabasa siya ng magazine. Nandoon siya sa sala at..." She then looked at me. "...inaantay kayo."

I pressed my lips and bowed my head a little.

Nova nodded. "Aakyat na po kami, Nana."

We walked passed Nana Lota, pero baka pa man kami maka-limang hakbang, mabilis na siyang nagsalita.

"Nova, hijo..." tawag niya.

We stopped walking and slowly turned to her.

Nana Lota sighed. "Nagkadiskusyunan nanaman ang Mama at Papa mo kanina, pagkarating na pagkarating ni Alicia. Nakikiusap ako na huwag ka munang gumawa nang kahit anong ikagagalit niya. Kilala mo ang Mama mo."

I glanced at Nova. His thick brows were furrowed a little bit. Later on, he smiled a little.

"Yes, Nana. Thank you."

Kay Nana Lota naman ako napabaling. She just gave me a warm smile and nodded. Hindi na ako nakangiti pabalik dahil hinila na ako ni Nova papasok.

Sa bawat paghakbang, nanlalamig ang buong kalamnan ko. Kung hindi lang dahil sa paghila ni Nova, baka hanggang ngayon ay natuop na ako sa kinatatayuan.

I swallowed hard when we reached their sala. The golden chandelier compliments the sala's interior. Marami abstract paintings sa dingding. Sa malaking cabinet sa pinakagitna, naroon ang pictures ng pamilya, maging ang litrato noong kabataan nina Engineer Escalante, at childhood pictures nina Nova at Kuya Ax.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now