Kabanata 6

108 32 31
                                    

Kabanata 6

Foundation Day

"Ma!" I waved at my mother with a wide smile on my lips.

Kumaway din siya sa akin. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya.

"Slow down, Raya! May mga taon-"

Hindi na natapos ni Mama ang sasabihin dahil mabilis ko siyang niyakap, hindi alintana ang dami ng tao na nasa gilid ng field.

"Akala ko hindi ka na makakarating, Ma," sabi ko na parang bata habang yakap yakap siya.

I heard her sighed. Gumanti rin siya sa yakap sa akin. Kasabay no'n ang pagsuklay niya sa buhok ko.

"Pwede ba naman na lumiban ako sa importanteng araw ng dalaga ko? I saw you dance, anak. Ang galing mo. Buti na lang at hindi ka nagmana sa akin."

I pursed my lips saka humiwalay sa yakap. "'Ma, nakalimutan mo atang dancerist si Papa."

"Dancerist?" kunot noong tanong ni Mama.

Ngumiwi ako. "I mean dancer, Mama, dancer."

Tumitig sa akin si Mama tila nahihiwagaan. Kasalanan 'to ni Dianne, naadapt ko na 'yong mga salitang pinapauso niya.

"Wala ka bang dalang panyo?" she asked.

I winced. "Meron, Mama, pero nandoon sa bag ko. Sa classroom."

Binuksan ni Mama ang kanyang bag saka kinuha ang puti at mahabang panyo.

Maagap niyang pinunasan ang noo at mukha ko. I smiled. I looked like a kindergarten.

"Hindi mo dapat kinakalimutan ang panyo, Rai. Nagperform kayo sa initan kanina. Mukhang natuyuan ka na ng pawis."

"Malaki na ako, Ma," I pouted.

"Hindi ka pa malaki, Raya. Wala ka pa sa tamang edad. At kahit naman sabihin mong malaki ka na, ganito at ganito pa rin ang gagawin ko."

Ngumisi ako. "Yieee. Ang sweet sweet talaga ni Mama."

"Ewan ko sa'yo, Railey." Nakitaan ko ng pagkawili ang boses ni Mama.

"Siya nga pala, Ma. Pupunta kami sa resort nila Nova mamaya."

"Alam ko, anak. Naipagpaalam ka na niya sa akin."

Ibinigay na sa akin ni Mama ang puting panyo saka inayos ang bag.

"Nagsabi siya, Ma? Kailan?"

"Noong nakaraan pa. No'ng inutusan kitang mamalengke, pumunta sa bahay si Nova, pinagpaalam ka. Para daw sa fund raising nyo."

Tumango ako. Tsk. Hindi manlang siya nagsabi sa akin. Lalaking 'yon talaga.

"Uuwi ka na ba, Ma?" I asked.

"Oo, anak. Kailangan ko pang tumulong sa karenderya. Pasensiya na, hindi na ako makakapanuod pa ng ibang event."

I smiled warmly at Mama. "Ayos lang, Ma. Mga palaro na lang din po mamaya para sa aming mga estudyante. Basta, pag-uwi mo, magpahinga ka muna."

Hinawakan ni Mama ang kamay ko. "I will, anak. Huwag mo rin sanang pagurin ang sarili mo."

"Naku, Mama, huwag mo po akong intindihin. Strong po ako. Sarili niyo po dapat ang intindihin niyo."

Ngumiti si Mama saka hinawi ang mga takas kong buhok. Masaya ako na nakakangiti ng ganito si Mama. She's my strength. Siya ang motibasyon ko kaya nagsisikap ako.

Minsan ang hirap pumili. Hindi ko alam kung uunahin ko ang pag-aaral o ang kaligtasan ni Mama. I want to study harder pero hindi ako makapokus dahil si Mama ang laging iniisip ko.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now