Kabanata 17

56 19 0
                                    

Slippers

"Nag-away nanaman ba kayo ni Nova, anak?" tanong ni Mama habang abala ako sa pagtutupi ng mga damit.

"Nagkatampuhan lang po, Mama."

"Baka magtagal nanaman 'yang away niyong 'yan, Raya. Nakaraan ay umabot ng linggo. Hindi na rin madalas bumisita si Nova rito." She sighed heavily. "Ang mabuti pa, puntahan mo sa kanila mamaya. Bago gusto lang magpasuyo."

I pouted at her remark. Hindi naman na bata pa si Nova para suyuin. Isa pa, iniisip ko pa lang na manunuyo ako, nakakahiya.

What is he doing right now by the way? Nagtetext naman kami, pero medyo cold na ang mga reply niya. Maybe, I really said too much last time.

"Pupunta po ako sa resort nila mamaya, Mama," I decided.

Pagtapos kong magligpit ng mga damit namin. Tumungo na ako sa kwarto. I picked my phone up saka pasalampak na humiga sa kama.

Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko. Wallpaper ko 'yong picture namin noong outing, 'yong kumain kami sa restaurant nila Nova.

I opened my inbox. His last message was earlier, 8:43 am, at hindi na nasundan pa. Wala siyang reply sa last na text ko.

I bit my lips saka nagtipa.

Ako:
Nova, busy ka ba mamaya?

It took minutes before he replied.

Nova:
Yes, busy pa sa plantation. Sorry. I'll chat you later when I'm done.

At ganon na ulit ang nangyari. Hindi na siya nakapagreply pa.

I can't take this, pupunta ako sa resort nila. Hindi ko ata kaya na magdaan pa ang mga araw na ganito kami.

Later that afternoon, I went to their resort but he's not there. Sabi rin ng iba pang empleyado, abala raw siya masyado sa coconut plantation. Nag-antay muna ako sa sun longer banda sa resort nila, nagbabakasakali na baka bumalik na agad si Nova.

Pero bumaba na rin lang ang araw, hindi ko siya nakita.

He's busy with the plantation kaya malamang nandoon siya.

I walked passed their big mansion. Walang tao, kung mayroon man ay mga kasambahay lang. Hindi rin maingay. Hindi kaya nalulungkot si Nova na mag-isa? Wala paminsan minsan ang Papa niya tapos 'yong Mama at Kuya niya naman, e, nasa Maynila. He must be lonely.

"Magandang hapon po, Mang Henry. Si Nova po?" saad ko sa matanda na nakasuot ng lumang kamisa de chino na kulay asul. Mayroon din siyang hawak na lumang salakot.

"Nandoon sa maliit na kubo. Kasama niya 'yong... girlpren niya ata."

My eyes squinted. Anong girlfriend? I'm his girlfriend, so paanong...?

Kahit nagtataka, tumango ako. "Sige po, Mang Henry. Salamat po."

"Kanina pa magkasama ang dalawang 'yan. Mukhang masaya ang pinag-uusapan."

Nahirapan akong huminga. Kinabahan ako dahil sa mga naiisip ko. Nanuyo ang lalamunan ko habang rumirehistro ang sinabi ni Mang Henry.

I nodded at him and slowly walked towards the hut. May mga trabahador na siyang nagpapasilong sa puno ng talisay. Habang naglalakad papunta sa kubo, napansin kong walang tao hindi kagaya dati na pump dahil dito sila nagpapahinga. Binigyan ba nila ng privacy sina Nova at 'yong sinasabi ni Mang Henry na kasama niya?

"But my father told me na sasamahan mo ako."

My eyes narrowed as I heard the familiar voice. Parang boses ni...

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon