"Masyadong malaki ang Italya para magkasalubong man lang kami, Isabela. That won't happen." Puno ng kumpiyansang sambit ko.

"Huwag masyadong makampante ate. Hindi mo kaya ang tadhana kapag ito ang gumalaw. Tandaan mo yan." Nanunuksong saad nito.

"Speaking of tadhana---baka gusto mong kausapin ang tadhana mo na huwag muna magpakita sa akin at baka mapalipad ko palabas ng hotel ko. Nanggigigil ako sa kanya." Mas pinili kong ibahin ang topic ng usapan namin. Alam ko sa sarili kong hindi pa talaga ako handa. In time  siguro but not now.

Oo, hinihintay ko siya sa matagal na panahon pero hindi ko pa naiisip na magtatagpo na ang landas namin.

" Okay, okay, I'll tell him that. Huwag mo namang kawawain ang asawa ko, Ate. Mabait kaya yan lalo na kapag tulog." Halatang nagingiti ito sa kabilang linya. Sa boses niya palang. Mahina akong natawa.

"Sige na, bye na muna for now. I want to roam around. Saka, lahat ng lalake---mabait kapag tulog. So, huwag mo na ipagtanggol ang asawa mo. Tse! Wala kayong pasalubong sa akin. Pinagkaisahan niyo ako." Inirapan ko ito kahit na alam ko namang hindi niya iyon nakikita.

" Ang irap ate, nakakapangit yan." Tumatawang saad nito. Paano niya nalaman na umirao ako? " Kapag ganyan na ang tono ng boses mo, I know for sure na nakairap ka na naman ng bongga. " Grabe ang tawa niya. Mas napairap ako. Bakit ang bubully nila sa akin this past few days. Lagi nila akong pinagtritripan.

"Just hug them for me. Miss ko na kayo at isang buwan din tayong hindi magkikita. Ngayon palang namimiss ko na talaga kayo. Sige na, ba-bye na. Lalabas lang ako to roam around. Ayokong matengga dito sa hotel. Alam kong babalik balikan ako ng asawa mo. Hindi nun ako titigilan. So, aalis na lang muna ako. Maya ko na siya kausapin. Kapag wala na ang topak ng ulo ko."

"Okay, Ate, miss you too. I love you. Mag iingat ka diyan."

"Yeah, I will. Kayo din diyan. Bye."

Nang mamatay ang tawag ay nagsuot ako ng jacket ko at lumabas ng hotel. Gusto kong makasagap ng sariwang hangin. Paglabas ko ng hotel ay naglakad lakad lang ako sa malapit. Hindi ako pwedeng lumayo dahil hindi ko kabisado ang lugar.

Nang may madaanan akong cafe ay agad akong pumasok at doon tumambay. It's better here than on that hotel. Tahimik at walang katok nang katok.

I was about to sip my coffee when someone entered.

I was stunned.

Hindi na naalis ang tingin ko sa kanya. Yes, it's kamahalan. I miss him so much. Gusto kong tumayo at tumakbo papunta sa kanya at yumakap. But I know that isn't right.

Nakaramdam ako ng sakit sa aking puso ng may pumasok na babae kasunod niya at kumpit sa kanyang braso. He's smiling and caressed the hair of that girl.

Sakit, inggit, pangungulila at lahat lahat na---naramdaman ko iyan sa isang minuto lamang habang nakatingin sa dalawang taong nag uusap. They're sweet couple. Bagay na bagay sila.

Gusto ko mang tanggalin ang mga tingin ko sa kanila pero hindi ko kaya. Gusto kong matitigan ang lalakeng matagal ko ng hinihintay. I've missed him so bad. Wala pa ring pinagbago ang hitsura niya. Mas gumwapo pa nga ito at nahiyang sa kanya ang pag aasawa.

Napayuko na ako dahil malapit ng tumulo ang luha sa aking mga mata. I wanted to run away. Gusto kong tumakbo paalis ng hindi nila nakikita. Pero kapag ginawa ko iyon---impossibleng hindi nila ako makita. Nasa harapan sila at kapag may papasok o lalabas---they'll see it.

"It's okay, Pamela. Hindi ka niya nakita at hinding hindi ka niya makikita. Umiwas ka, Pamela. Umiwas ka..." bulong ko sa aking sarili at pinilit na  pakalmahin ang panginginig ng aking mga kamay.

I wanted to cry my heart out. Akala ko ay okay na ako sa mga nakalipas na taon. Pero mahirap palang sabihin kapag nakita mo na mismo ng iyong mga mata.

"Hi, can we join you?" Napatingala ako sa nagsalita. Tila nalunok ko ang sarili kong dila ng makita ko na ang kasama ni kamahalan na babae ang nagsasalita sa aking harapan.

Napatingin ako sa paligid. Hindi ko napansin na puno pala lahat ng lamesa. And my seat is for four person. Hindi ko alam kung tatango ba ako o hindi. I heave a deep breathe para kumalma.

"You can have the table. I'm about to go," pinilit kong ngumiti at akmang tatayo na ng marinig ko ang boses ni kamahalan.

"Is there any problem, dear?"

Hiniwa ng milyong milyong kutsilyo ang puso ko sa lambing ng boses nito para sa babae. Bakit sobrang sakit? Kailangan kong makaalis dito pero paano? He'll see me.

"Nothing, dear. I'm asking her if it's okay to join on her table but she said she's about to go. So, I guess this will be our table." Masayang saad ng babae. "Thank you, Miss."

Tumango lang ako at hindi na lumingon sa kanila. Sinadya kong tumalikod para hindi niya ako makilala. But destiny don't let me leave this place peacefully.

"Hey, here's the front door. You can't walk through that direction." Napasinghap ako sa sinabi ni kamahalan. Ang sakit lang na hey ang tawag niya sa akin tapos sa kasama niya---dear. It hurts real bad.

Hindi ako nagsalita at kinuha na ang bag ko. Sinigurado kong naisuot ko ang hood ng aking jacket at yumukong humarap sa kanila at naglakad na. Akala ko ay makakaalis na ako pero nakakailang hakbang palang ako ng magsalita na naman si kamahalan.

Nakakasakit lang na hindi man lang niya ako makilala. Samantalang siya---isang sulyap palang ay kilalang kilala ko na siya. Lalo na ang puao ko.

"You forgot your phone." Mas nanginig ang kamay ko sa sinabi niya.

"Damn it!" napalamurang bulong ko. How can't I just walk out of this place peacefully? Kailangan ba talagang magkaharap na kami ngayon?

Huminga muna ako nang malalim at pinigilan ang sarili bago humarap ng nakangiti.

"Oh, I'm sorry and thank you." Pasasalamat ko at yumuko sa kanila sabay kuha ng phone ko sa kamay niya.

I know he was stunned. Nakita ko ang gulat sa mga mata nito. Ni hindi na siya nakapagsalita.

"I'll get going, enjoy your coffee." Nginitian ko pa sila ng mas matamis pero deep inside nagdurugo na ang puso ko sa sakit.

How could Isabela has a hot tounge? Katatanong niya lang sa akin kanina and now---we actually met. Bilog nga naman ang mundo.

Kahit nanginginig ang aking mga paa ay pinilit kong maglakad para makalayo. Sana nag stay nalang ako ng hotel. Nagsisi tuloy ako sa aking paglabas.

Nang makabalik ako ng hotel room ko ay doon na tuluyang bumagsak ang luha sa aking mga mata. Sobrang sakit parin talaga na makita ang mahal mo na hawak ng iba. Sobrang sakit.

At kung kailan hindi pa ako handa doon naman kami nagkita. Sana inisip ko na lang ang mga  possibilities dahil nandito kami sa bansa nila. Kaso nagbulagbulagan ako. And now---nasasaktan na naman ako.

Sa ilang taon---hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. But it seems---hindi na niya ako mahal. Dahil kung mahal niya ako, dapat nakilala ako ng puso niya, pero hindi and it hurts me.

Iniiyak ko lahat ang sakit na nararamdaman ko. Para kinabukasan ay okay na ako. Pero nagkamali ako. Tumatak sa isip ko ang nangyari kahapon at hindi na ako makapag isip pa ng tama. Ni hindi na nila ako makausap. Tahimik lang ako at nag iisip ng malalim. Tinatanong ko ang sarili ko kung tama pa bang nandirito ako?

Kaso iisa lang ang sagot.

Business is business. Kapag umuwi ako---ayoko namang masira ang imahe ni Caine at ang agency. Pinapaalala ko na lang sa sarili ko ang salitang professionalism. In that, mapapaalala ko sa aking sarili na andito ako para magtrabaho hindi para magmukmok at damhin ang sakit.

Sa mga sumunod na araw ay pinilit ko talagang maging masigla. Alam ko na mahirap at hindi madali. Nakaya ko nga ng ilang taon---isang buwan lang kaya. Pasalamat na lang ako na andito si Caine at ang staff para kahit papaano ay makalimot ako sa tunay na nadarama ng puso ko.

I came here not for him, so, I guess---I'll act professional. Kaya ko ito at kakayanin ko.

Napangiti na lang ako at ngumiti sa camera habang patuloy akong kinukuhanan ng picture.

In time---I know it will heal all wounds at maging masaya na din ako...

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]On viuen les histories. Descobreix ara