Episode 25

63 8 2
                                    

THE saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies. It comes from in your friend and loved ones. Sabi nga nila 'Be careful who you trust, salt and sugar look the same.'

Bakit ba ang bilis kong magtiwala sa mga katulad niya? Ang pagkakamali ko lang naman dito ay ang nagtiwala ako agad sa kanila. Nagtiwala ako na hindi siya gagawa ng kahit anong makakasira ng tiwala ko kasi ang inosente niya.

"Seren, please put that---" dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo.

"Shut up! Just shut up!" galit na galit talaga siya. Nakikita ko iyon sa mukha niya.

"So, ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng ate ko?" nagtayuan ang balahibo ko ng magsalita si Trace na nasa gilid ko.

Napatingin sa kanya si Uncle at Oxy. "Kilala kita. Ikaw ang laging nakasunod sa pamangkin ko 'di ba? Alam kong ako ang dahilan no'n. Bakit nga ba?"

Natigilan ako. Alam niya? Mariin akong pumikit nang maramdaman ang kirot sa aking puso. Kahit na alam ko na ang bagay na iyon ay masakit pa rin pala. Masakit pa rin kasi sinusundan niya lang ako noon dahil sa minamanmanan niya ang kilos ni Uncle. Hindi niya ako sinundan dahil may gusto siya talaga sa'kin. Kumuyom ang aking kamay kasabay ng pagmulat ko ay ang pagtagpo ng mga mata namin ni Trace. Umiwas ako sa kanya at itinuon iyon sa mga taong nasa harap namin. Hindi ko na muna dapat iniisip iyon dahil nasa ganito kaming kalagayan.

"Hmmm. Wala kang pakialam kong ano man ang rason ko," galit na wika ni Trace. "You son of a bitch! Why did you kill my sister?" malakas na sigaw niya. Naroon pa rin ang galit sa boses nito.

Ano bang sinasabi niya? Paanong pinatay ni Uncle ang ate niya? Wala roon sa kinuwento ni Uncle ang ate niya.

Hindi ko alam kung bakit muli akong kinalibutan nang ngumisi si Uncle kay Trace. Nakakatakot ang mukha niya.

"Sinong ate? Ate mo rin ba ang kinuhanan ko ng puso?"

Nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni Trace, parang handang-handa na siyang manuntok.

Sarkastikong tumawa si Trace. "Paano mo nga naman malalaman kung wala ka namang pakialam. Ganya ka kademonyo na pati ang mga taong binangga mo ay agad mong kinakalimutan. Bakit kailangan mong idamay ang ate ko sa walang kwento mong paghihiganti? Bakit hindi ka nang mamatay nang maaksidente ka?!" ramdam na ramdam namin ang hinanakit sa boses ni Trace.

Hindi makapaniwalang napatingin kami kay Uncle nang bigla na lamang siyang tumawa. "Oh? Isa ang ate mo doon sa nabangg---"

Hindi namin inaasahan ang sunod na nangyayari. Sobrang bilis at hindi ko man lamang nakita ang kilos na iyon. Biglaan ang pagsugod ni Achis kay Uncle. Parang wala itong sugat sa hita dahil sobrang bilis niya. Sinuntok niya si Uncle. Hindi lang isa kundi tatlong suntok ang pinakawalan niya. Ni hindi man lang kami nakagalaw nang sandaling iyon hanggang sa sumigaw si Serenity kasabay ng pagsigaw ko.

"Papa!"

"Achis!" Lumapit ako at pilit na hinihila si Achis.

"Fuck you! Fuck you! How dare you to kill my brother!" nanlilisik ang mga mata at galit na sigaw niya.

Ano ba ang nangyayari? Ang gulo-gulo na. At lahat ng gulong ito ay sa amin nagsimula. Ang sakit-sakit sa puso na parang hindi ko na makayanan pa. Pakiramdam ko ay babagsak nalang ako bigla. Namamanhid man ang katawan ay pilit kong nilalayo si Achis. Pero bigla niya akong tinulak na siyang dahilan ng pagbagsak ko.

"The hell Achis!" sigaw ni Trace at nilapitan ako.

Inalalayan niya akong tumayo. Pagkatapos ay lumayo na ako sa kanya niya pinagtaka niya. Habang nakatingin sa mukha niya ay takot ang siyang nararamdaman ko. Takot na baka pati siya ay ako ang sinisisi sa pagkawala ng kapatid niya. Pero alam ko naman na kasalanan namin pero masakit lang talagang isipin na pati siya ay galit. Umiling-iling ako sa kanya ng magtangka siya ulit na lumapit.

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Where stories live. Discover now