Episode 9

56 12 0
                                    

NAGTUNGO ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Hinanda ko ang hawak na pana, at ang patalim na siyang ginamit ko sa pagpatay sa dalawang traydor na iyon ay itinago ko muna. Napakunot ang aking noo at napahalukipkip nang makita kung sino ang nagmurang iyon.

Nakatingala akong nakatingin sa kanya habang hawak ang aking pana. Tsk! Tanga-tanga kasi.

"Need help?" walang buhay kong tanong sa kanya.

Maya-maya ay natigilan ako. Bakit ko itinanong iyon?

"Sino ka?" May gana pa siyang magtanong sa 'kin. Hindi niya ako nakikita bagama't nakatalikod ito sa dako ko.

"Mag-uusap ba muna tayo o tutulungan muna kita?" inis na pag-usisa ko.

"Tsk! Sige patulong ako," tumango-tango niyang sambit.

Nakikita ko ang pagtango niya mula dito. Napabuntong hininga ako nang mapansin ang paghawak niya sa kanyang braso.

"May sugat ka?" Nilagay ko ang aking pana at palaso sa ilalim ng puno kung saan malapit lamang sa akin.

"Oo, n-nahagip kanina ng isang patibong ng patungo ako sa kanluran," sagot niya na wari'y nahihirapan, nanghihina na din ang boses niya dahil siguro iyon sa sugat niya.

Nakita ko ang mga dugo sa mga damo. Marami na ding dugo ang nawala sa kanya, mabuti at malay tao po siya. Mukhang mababa lang naman ang puno na kung saan nakalagay ang lubid ng patibong. Sanay naman ako sa pag-akyat kaya hindi ako mahihirapan akyatin ito. Tumingala akong muli at sinundan kung saan patungo ang lubid. Hanggang sa tumigil ako sa ikatlong puno. Mababa lamang ito. Nasa ikalawang  sangga nakatali ang lubid. Hinubad ko ang bota sa suot at inayos ang nakatirintas kong buhok saka nag-umpisang umakyat.

"Mag-ingat ka," palala niya.

Hindi ko siya nilingon ngunit matunog akong ngumisi. "I know how to climb!"

"Hindi ko naman tinanong..ang sinabi ko lamang ay mag-ingat ka. Baka mahulog ka diyan at mabali ang buto mo, eh 'di hindi na ako makababa dito," sabi niya na siyang kinasama ng mukha ko.

Pasalamat nga siya't tinulungan ko pa siya. Nag-effort akong iligtas siya. Pagkatapos ko siyang iligtas ay iiwan ko na siya. Alang naman na isama ko pa siya...mamatay pa ng maaga iyan. Kargo de konsensiya ko pa.

"Sana nga ay mahulog ako, nang mabulok ka diyan."

Iniangat ko ang aking kamay para maabot ang isang sanga. Pag-abot ay nanlambitin ako doon at umikot patungo sa itaas niya. Nang makatungtong sa sanga ay tinalon ko na lamang ang pangalawang sanga na malapit lamang. Katulad ng ginawa ko sa unang sanga ay ginawa ko rin sa pangalawang sanga para makarating sa tuktok nito. Umupo ako malapit sa lubid.

"Maghanda ka! Kapag pinutol ko ang lubid rito ay bubulusok ka pababa kaya kapag malapit kana sa lupa ay ikaw na ang gumawa ng paraan para makatayo doon," wika ko pagkatapos ay nilabas ang patalim ko.

"What? Paano kong magagawa iyon kung nakatali ang mga paa—"

"Hindi ko na problema iyon." Nilapit ko ang patalim sa lubid na nakatali sa sanga.

"Hoy! Ano—"

"Isa...dalawa..." Unti-unti kong hinihiwa ang lubid habang nakatingin sa kanya.

"Fuck!"

"Tatlo.." At madiin kong hiniwa ang lubid na siyang naging dahilan ng pagputol nito.

"Ahh! Fuck it!" Sunod-sunod na mura niya.

Nakita ko ang paggalaw ng katawan niya, tumambling niya ng malapit na siya sa lupa. Maayos siyang nakatayo sa lupa ngunit napansin ko ang pagdugo lalo ng sugat sa kanyang braso.

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant