Episode 17

37 9 0
                                    

NAKASIMANGOT akong sumandal sa pader ng kuweba saka matalim ang tingin kay Zagreb na ngayo'y nangungulit sa 'kin. Gusto daw kasi niyang tumabi sa akin ngunit ayaw pumayag ni Kuya Xian at Achis. Hinaharangan nila ang pagtangka paglapit ni Zagreb. Alam ko namang nagbibiro lamang si Zagreb dahil sigurado akong alam ko kung sino ang gusto niya. Nakikita ko ang paminsan-minsan niyang pagsulyap sa babae.

Nang gumabi ay hindi ako agad nakatulog. Ako na lamang yata ang gising pa. Ang iba ay humihilik, na parang wala kami sa ganitong panganib. Naupo ako mula sa aking pagkakahiga at tiningnan ang mga kasamahan. Panahon na rin siguro para umalis na kami dito. Ilang linggo  na kami rito, ayoko nang madagdagan na naman ng ilang linggo ang pananatili namin. Namiss ko na ang Lolo at Lola ko at sa tingin ko ay namimiss din nila ako. Siguro ay pinapahanap na nila ako ngayon. Na-iimagine ko ang pag-alala sa mukha nila at ang luha sa mata ng Lola ko habang hinahanap ako. Kamamatay lang nila  mommy at ngayon naman ay nawawala ako. Matanda na si Lola at Lolo baka kung ano pa ang mangyari sa kanila.

Pero naroon naman si Uncle, sana ay maayos sila doon. Bumuntonghininga ako saka tumayo at naglakad papalabas ng kuweba. Hindi ko na talaga kayang manatili pa dito. Kailangan na naming umalis dito bago pa kami maubos lahat.

Tumayo ako at naglakad patungo sa hamba ng kuweba. Hindi na ako lumabas pa dahil masyado ng malamig. Umupo ako at tiningnan ang hita ko kung saan may sugat roon. Nakuha ko ito nang isang linggo. Natamaan ng isang patibong malapit sa kinuhanan namin ng prutas at baboy ramo. Hindi ko na pansin ang papalapit na palaso sa ‘kin. Kung hindi ako hinila ni Trace ay baka wala na rin ako ngayon. Sa dibdib ko nakatuon ang palaso na iyon. Ngunit hindi namin napansin ang pangalawang papalapit na palaso. Natamaan ako sa hita. It's hurt. Sobrang sakit no'n dahil masyadong bumaon pa iyon sa hita ko.

“What are you thinking?”

Gulat na napalingon ako sa aking likuran ng may biglaang nagsalita roon. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa kaba. Is he trying to kill me? Bakit hindi ko man lamang narinig ang yapak niya?

“Are you trying to kill me?” inis na tanong ko sa kanya.

Lalo lamang akong nainis sa kanya nang tumawa lamang siya bago umupo sa likuran ko. Ang kanyang mga paa ay nasa magkabilang gilid ko. Napapitlag ako ng pumalibot ang kanyang mga braso sa aking baywang  saka niya ako giniit papalapit sa kanya. Dikit na dikit tuloy ang aking likuran sa kanyang dibdib.

“W-What are you d-doing?” utal na tanong ko sa kanya bago siya nilingon.

“Hugging you?” patanong niyang sagot saka isiniksik ang mukha sa aking leeg na siyang nagpatayo ng mga balahibo ko sa kaba. “You‘re avoiding me.”

Natigilan ako? Gusto kong mang magsalita ay may pumipigil sa ‘ki. Pinaglapat ko ang mga labi ko. Hanggang sa bumuntonghininga ako at hahayaan na sana siyang yakapin ako nang maalala ko ang nadatnan ko kanina. Mariin kong ipinikit ang mga mata saka hinawakan ang kanyang magkabilang braso at binaklas iyon. Tumayo ako at matalim siyang tiningnan.

“Si Astred ang yakapin mo!" singhal ko at pagalit na nagmartiya patungo sa aking higaan.

Tinawag pa niya ako ngunit nagbingi-bingihan ako. Humiga ako at tinaklub ang jacket ko sa aking buong mukha. Okay na sana eh. Madadala na niya ako doon. Kung hindi ko lang sana siya nakitang tumawa kanina kasama ng tatlong babae ay papayagan ko sana siyang yakapin ako.

Really, Khatya? Ang rupok mo!

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata kung hindi ko lang naramdaman ang aking pag-angat. Isang mainit na balat ang dumapo sa aking hita at sa ilalim ng aking dibdib. Dahil naka sando ako ay ramdam na ramdam ko ang init nito.  Kinuha ko ang aking jacket para tingnan ang walang hiyang bumuhat sa kanya.

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu