Episode 8

55 12 5
                                    

KANINA pa kami naglalakad pero hindi ko pa rin alam kung saan ba ang punta namin. Nagugutom na ako at pagod na pagod.

"S-Saan ba tayo pupunta? I'm tired. W-Wala ba kayong planong magpahinga? Limang oras na tayo naglalakad," hinihingal na sambit ni Veronica. Halata na rin sa boses niya ang pagod.

Mabuti na lamang at tinanong niya iyon. Kahit ako ay pagod na pagod na talaga. Ang sakit na nga ng paa ko dahil sa walang tigil na paglalakad. Palibhasa ay mga lalaki sila, hindi man lamang nila iniisip na madaling mapagod ang mga babae.

Tumigil si Achis at Trace sa paglalakad at nilingon ako, oo ako talaga ang nilingon nila kahit na si Veronica ang nagsalita.

"Pagod ka na ba?" sabay pa nilang tanong na kinasama ng mukha ko.

"Tangina pala kayo! Limang oras tayo naglalakad dito sa gubat na ito tapos tatanungin niyo ako ng ganyan ngayon? Ano tingin niyo sa'min, robot na hindi napapagod?" bwisit na bwisit kong sigaw sa kanilang dalawa.

Tiningnan ko si Veronica ngunit umiwas din naman ako agad. Pati siya ay pamilyar din sa 'kin. Nakita ko na siya somewhere but nakalimutan ko na naman muli kung saan iyon.

Pagkatapos ng nangyari kay Yelscy ay parang mahirap nang magtiwala muli. Tanging si Trace at Achis nalang ang kaya kong pagkatiwalaan sa ngayon. Pakiramdam ko kasi sa iba ay tulad lang sa dalawang iyon, traidor din.

"Khatya, your mouth! Sige magpahinga muna tayo." Hinawakan ni Achis ang kamay ko at hinila ako sa isang puno.

Kusang umikot ang ulo ko para lingunin si Trace. Nakita ako ang pagtiim bagang niya at ang pagtalim ng tingin niya sa kamay ni Achis na nakahawak sa kamay ko. Kagat labing iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Bakit ko ba siya nilingon? At bakit ganoon ang reaksiyon niya?

Umupo kaming apat doon sa ilalim ng puno. Eksaktong biglang kumalam ng malakas ang aking sikmura kaya't napahawak ako doon. Sabay na tumingin  sa 'kin ang tatlo.

"You hungry?" tanong ni Achis at dinungaw ang mukha ko na nakayuko.

Marahan akong tumango. Laking gulat namin ni Veronica nang biglang tumayo ang dalawang lalaki. Nagtataka namin silang tiningnan.

"Maghahanap ako ng pagkain!" sabay nilang ulit na sambit pagkatapos ay nagkatinginan nang masama.

Tumabingi ang ulo ko. Nilingon ko si Veronica na nakangangang nakatingin sa dalawa. Ibinalik ko ang tingin sa mga lalaki ngunit pagbaling ko sa kanilang puwesto ay wala na sila doon.

"Nasaan na sila?" nagtatakang tanong ko.

"U-Umalis na s-sila," nauutal na sambit niya wari'y natatakot.

Isinandal ko ang aking ulo sa puno at ipinikit ang mga mata. Pinakiramdaman ko rin siya na nasa gilid ko lamang. Mahirap na baka mamaya makita ko na lamang ang aking sarili na nakahandusay sa lupa at may nakatarak na kung ano sa aking katawan. I can't trust her. Kahit na may nararamdaman akong pangungulila sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman ito. Hindi dahilan nitong nararamdaman ko para pagkatiwalaan ko siya.

"Huwag kang matakot sa 'kin, kung wala ka namang planong masama. Matakot ka sa kung anong kaya kong gawin kapag trinaydor mo kami," malamig na saad ko bago imulat ang aking mga mata.

Tumingin ako sa kanya gamit ang malalamig kong tingin. Nakita ko ang pagbadya ng takot at kung anong emosiyon sa kanyang mukha. Umiling ako at itinuon na lamang ang paningin sa isang direksiyon.

"H-Hindi ko kayo tatraydurin." Pati ang boses niya ay mahahalata mo talagang takot siya, nanginginig at mahina ang boses kung magsalita.

"Sana ay mapanindigan mo ang sinabi mo." Tumayo ako at pinagpagan ang suot na jeans.

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Where stories live. Discover now