Episode 2

141 21 2
                                    

KHATYA

Nang marating namin ang KX Mall parking lot ay ipinark ko agad ang sasakyan. Pag-park ko pa lamang ay mabilis na lumabas si Yelscy ng kotse. Masyado siyang excited.

Isang buntonghininga ulit ang pinakawalan ko bago sumunod sa kanya. Nakita ko siyang nakatayo malapit sa karukhaan ng mall, nakaawang ang bibig niya habang nakatingala sa malaking gusali na nasa harapan niya.

Nasa taas nito ay nakalagay ang pangalang KX na yari sa isang kristal. Dahil sa tumatamang araw rito ay makakita agad kahit sa malayo ang pangalan ng mall dahil sa kinang nito.

Pagmamay-ari ko ang mall na ito. Sariling pera ang ginamit ko sa pagpapatayo sa mall. Dugo‘t pawis ang nilaan ko sa gusaling nakatayo ngayon sa harap namin. Inipon ko ang perang galing sa pagmomodelo ko, sa pagkanta ko sa isang sikat na club o event at sa pagtatrabaho ko sa kompanya ni daddy bilang sekretarya niya noon. Wala akong perang hiningi sa magulang ko. Ang perang naiwan ng pamilya ko ay itinago ko sa bangko at ang mga business na siyang naiwan nila ay ipinaubaya ko muna sa kanila ni Lolo at Lola. Sila na daw muna ang bahalang maghanap nang pansamantalang magpapatakbo ng mga iyon. Noong isang linggo lamang nagbukas itong mall ko at nagpapasalamat ako dahil marami na agad ang taong nagtutungo rito, lalo na ang mga teenager o mga kpop fan. Agad itong nakilala.

"Ang laki-laki talaga ng mall mo, Khatty. Kahit yata araw-araw pa akong pumupunta dito ay namamangha pa rin ako." Tumili pa siya nang sobrang lakas kaya agad akong napatakip ng aking tainga.

Talagang hindi ko gusto ang tinis ng boses niya. Maliit lamang siya ngunit kabaliktaran naman ito ng boses niya. Matinis at malakas ito kung magsalita. Ang edad niya'y hindi umangkop sa kanyang pag-iisip at kilos. Masyado siyang isip bata.

"Shut up, Yelscy! Ang sakit sa tainga 'yang boses mo!" Sinamaan ko pa siya ng tingin saka siya inunahan sa paglalakad.

Sumunod naman siya sa 'kin ngunit ang kanyang paningin ay nasa paligid pa. Salubong ang kilay na hinablot ko ang kanyang braso.

"Saan ka na naman pupunta?" Kunot ang noong tanong ko sa kanya ng lumiko siya pakanan. Ang mga mata'y nakatingin sa mga grupo ng lalaking nakatayo roon sa malaking rebulto ko.

Pinalagyan ko na roon ng rebulto ko para naman sumaya ang mga tagahanga ko. Itong mukha ko ay dapat na ginagawan ng rebulto. Sayang naman kung hindi ipakita sa mundo.

Napamaang na tumingin siya sa 'kin. "Ha? Bakit?"

"Ha? Bakit?" panggagaya ko sa pananalita niya pati ang boses niya'y ginaya ko. " Bakit ka ba lumiko papunta roon?" asik ko sa kanya at sinulyapan ang mga lalaking naroon.

Sa amin na nakatingin ang mga lalaking nakatayo roon kaya lalong kumunot ang aking noo. May mga itsura naman ang mga ito, lalo na ang nasa gitna nilang lima. Nang sulyapan ko ulit sila ay sabay silang ngumiti sa 'kin kaya agad na sumama ang aking mukha, tinaasan ko sila ng kilay bago binalik ang tingin kay Yelscy. Hindi nila ako madadala sa pangiti-ngiti nila dahil alam ko naman ang pakay nila. Baka maupakan ko lang sila kapag lumapit sila sa puwesto namin.

"Ang gwapo nila, Khatty," nakangiting sabi niya saka ako nginusuan.

"Hindi iyan ang ipinunta natin dito, Yelscy." Tinaasan ko siya ng kilay. "Umuwi nalang kaya tayo? Wala rin namang saysay ang pagpunta natin rito." Binitawan ko ang kamay niya at tumalikod sa kanya.

Akmang maglalakad na ako palabas ng mall nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako pabalik.

"Hindi na ako titingin sa mga gwapo, promise! Ang KJ mo masyado, Khatty! Lika shopping na tayo?" Ngumuso pa itong lalo.

"Tsk! Isang tingin pa sa mga lalaki, Yelscy, uuwi na talaga tayo. Ang bata mo pa para sa mga iyan. Mag-aral ka na lang ng mabuti," turan ko sa kanya.

Napakamot siya ng ulo. "Hindi ka rin naman nag-aaral, ah."

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Where stories live. Discover now