Episode 10

69 13 4
                                    

DANGER doesn't lurk at every corner. It's just hanging out, waiting for fear and horror to show up. We need to be careful next time.

Madaling makipaglaban sa mga taong masasama kaysa sa mga bagay na nakatago kasi kahit anong oras ay pwede naming ikasawi iyon. Hindi na namin napapansin na nahagip na pala kami. Kaya dapat bawat lakad namin ay alam namin na walang mga patibong na naroon. Walang nakakaalam kung kailan susulpot ang panganib sa amin, masyado siyang magaling kung magtago.

"Gutom na gutom lang?" Kahit kailan ay panira talaga ang lalaking ito.

Pasalamat nga siya at nakakuha siya ng baboy ramo dito. Maraming nakapaligid na babay ramo rito at hindi ko alam kung papaano sila nakakaligtas sa mga patibong sa paligid.

Itinaas ko ang hawak kong buto ng baboy. "Kung itapon ko kaya sayo ito?"

Nakangiwi niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Hindi ka naman mabiro. Oh! Ayan kain ka pa." Itinulak niya sakin ang baboy na nakalagay sa isang malaking dahon.

"Tsk! Bukas ay maghanap ka ng iyong sandata," sabi ko at nilamon ang hawak na baboy.

"Para saan ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Para pangsaksak mo sa sarili mo!"

"Grabe ka talaga!"

"Grabe ba? Pakidala sa hospital," sarkastikong sagot ko.

Hindi ko talaga maiiwasang maging sarkastiko sa lalaking ito. Kahit kanina lamang kami nagkakilala ay nabwibwiset na ako sa kanya. Masyado siyang FC.

"Wala namang hospital," natatawang sabi niya at talagang luminga-linga pa.

"Eh 'di patayin mo nalang. Tsk!" Tumayo ako ng matapos akong kumain. Marami pa kaming natira. Itinuro ko iyon sa kanya. "Ibalot mo sa dahon ang natira. Pwede pa nating pang-agahan bukas iyan."

"Ehh? Pwede naman—"

"Sumunod ka nalang! Maghahanap pa tayo nang matutulugan natin, gumagabi na," naglakad ako palayo sa kanya para maghanap ng matutulugan namin ngayong gabi.

"Be careful, Khat, baka may matapakan ka diyan mamaya."

"Opo boss," wala ka gana-ganang sagot ko.

Bawat hakbang namin ay maingat. Lingon sa kanan... Lingon sa kaliwa.. Lingon sa kung saan-saan para lamang makakasiguradong ligtas kami. Hanggang sa may nakita akong malaking bato na naka-arko. Para siyang kuweba ngunit hindi siya talagang kuweba...mukha lang.

"Magpahinga tayo doon." Hinila ko siya patungo sa nakita kong bato.

Pagdating ay nilibot niya ang paningin. "Mukhang ligtas namang magpalipas ng gabi dito," sabi niya sabay salampak ng katawan sa lupa hawak niya pa din ang kanyang braso. "Matutulog na ako. Good night!"

Sinipa ko ang paa niya. Parang walang sugat kung makasalampak sa lupa. "Ang gago mo! Sumakit sana ang sugat mo!"

Mabuti na lamang at malaki ang espasyo, hindi ko na kailangang tumabi sa kanya. Nahiga ako. Sa dulo ako nahiga kung saan malayo sa kanyang puwesto. Sandali muna akong tumitig sa kung saan hanggang sa unti-unting pumikit ang aking mga mata.

"HOY, Khatya! Wake up! Tanghali na kaya." Isang pagyugyog sa aking balikat ang siyang nagpagising sa 'kin mula sa aking pagkakatulog.

Mabilis ang ginawa kong pagbangon at naging alerto. Parang kidlat na nakuha ko ang aking pana at palaso sa aking tabi at itinutok ito sa bungad ng bato kung saan kami natutulog. Nagtatakang napalingon ako sa lalaking kasama ko nang marinig ko ang kanyang malakas na tawa.

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Where stories live. Discover now