Episode 20

41 9 0
                                    

HINDI ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Hanggang ngayon ay hindi ma proseso sa isip ko ang nakita. Mali ba ako ng akala sa kanya?

"Are you really okay?" pang-ilang ulit na tanong ni Trace sa 'kin.

Tumango lamang ako at muling pumikit. Lahat kami ay nasa tunnel nagpapahinga. Sumubok kaninang lumapit ni Oxy sa 'kin upang kausapin ako ngunit sinabi ko kay Trace na huwag munang magpalapit ng kahit sino sa 'kin sa kanila.

"P-Papa, tama na po!" Nagulat kami ng biglang sumigaw si Serenity na siyang nakahiga ngayon sa hita ko. Nakapikit pa rin ang mga mata niya parang binabangungot. Paulit-ulit niyang sinisigaw ang salitang iyon.

Tarantang niyugyog ko ang balikat niya. Si Trace ay nagtungo sa gilid ni Serenity para gisingin din ito.

"A-Ayoko na papa.." Nanlaki ang mata ko ng makita ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya.

Aligagang niyugyog ko pa siya. Ang mga kasamahan ay mas lumapit pa sa amin.

"Serenity? Hey!" Kinakabahan ako.

Nilakasan namin ni Trace ang pagyugyog sa kanya. Maya-maya lamang ay mabilis siyang napaupo.

"Ate Khat?" nanginginig niyang sambit nang dumapo ang kanyang paningin sa akin.

Niyakap ko siya. "Are you okay, Seren?" I asked worriedly.

Tumango naman siya at niyakap din ako. "I'm okay, ate. I-Its just a dream lang po," sabi niya.

Bumuntong hininga ako at nilingon si Zagreb. "Hanap tayo makakain, Zag?" walang kaemo-emosiyong saad ko.

"Tsk! Why are you asking him? Nandito naman ako," angal agad ni Trace kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Lumapit ako sa kanya at mahina siyang sinapak. "Maiwan ka dito. Bantayan mo si Serenity."

Ngumuso siya sa 'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Hmm, ano?!" I hissed.

"Oo na. Huwag kang lalapit masyado sa lalaking yan, huh?" sabay tingin pa kay Zagreb.

Umirap ako at tumango na lang. Hinarap ko si Serenity at hinaplos ang kanyang ulo saka hinagkan ang noo. Nakita ko ang kung anong emosiyon sa kanyang mga mata ngunit hindi ko na lamang pinansin iyon.

"Hanap lang kami pagkain, ha?" Tumango lamang siya at nginitian ako.

Tumayo na ako at lumapit kay Zagreb ngunit bago lumabas ng tunnel ay nilingon ko si Trace na nakanguso at kunot ang noong nakatingin sa amin.

"Behave ka diyan, hmm.”

Lalo naman siyang sumimangot. Sinamaan ko siya ng tingin bago kami tuluyang umalis ni Zagreb para maghanap ng pagkain. Mabuti at tahimik lamang ang mga kasamahan namin. Dahil sa pangyayari kanina ay parang naging ilang na ang iba sa 'kin. Dapat lang, dahil isang maling galaw nila ako na ang tatapos ng buhay nila.

"Did you see what happened to Kianna?" baling ko sa kanya.

Tumingin naman ito at bahagyang umiling. "Hindi, I focusing to... ahm s-someone kaya hindi ko nakita." Namumula pa siya habang sinasambit iyon kaya umiling-iling ako.

"Someone? You mean Astred?" Ngumisi ako nang makita kong nagilan siya saka umiwas nang tingin.

Alam kung may gusto siya kay Astred. Una palang namin nakita si Astred ay napapansin ko na iyon. Ang palihim niyang pasulyap-sulyap sa babae. Kapag malapit ito kay Trace ay sumisingit siya at pinapagalitan kuno si Astred pero talagang nagseselos lang 'yan. Ayaw pa kasing aminin sa akin.

"A-Ano ba iyang sinasabi mo? Si Astred? She's a spoiled brat!" kunwari galit na wika niya.

Tumaas ang sulok ng labi ko. "Huli ka na pero nagmamaang-maangan ka pa? Hay naku, Zag! Pagsisisihan mo talaga sa huli kapag hindi ka pa umamin. Do you know being torpe is bad to your health," saka ako tumawa.

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Where stories live. Discover now