Episode 14

56 10 0
                                    

"KHATTY."

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang malambing at mahinhing boses na iyon. Alam ko kung kanino ang boses na iyon kaya mabilis ang nagawa kong pagbangon mula sa aking magkakahiga.

"Khatty, tulungan mo ako..."

Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang tao doon. Puro itim lang ang siyang nakikita ko. Wala rin doon ang mga kasama ko.

"Yelscy?" sigaw ko.

"Khatty, I miss you!"

Lakad- takbo ang ginawa ko at patuloy rin sa palinga-linga para hanapin siya. Nagsimula na ring tumulo ang aking mga luha. Bumalik muli sa 'kin ang mga alaala namin ni Yelscy. Mga masasaya naming alaala at ang huling araw niya dito sa mundo. Lahat iyon bumalik sa 'kin. Umiling-iling ako habang hinahanap siya.

"Where are you?"

Halos mawalan na ako ng boses kakasigaw. Ngunit boses lamang niya ang narinig ko. She didn't want to see me? Is she mad at me?

"Miss na miss ko na kayo ni Achis. Khatty, huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari sa 'kin ha dahil wala ka namang kasalanan. Nakatakda na itong mangyari sa'kin, Khatty."

Isang malaking liwanag ang tumambad sa 'king harapan kaya iniharang ko ang aking braso sa aking harapan para hindi masilaw. Maya-maya lamang ay lumiliit ito, ibinaba ko na ang aking braso para tingnan ito.

"Khatty..." sabay na sambit nilang dalawa habang inilalahad ang kanilang kamay sa 'kin.

"Yelscy, Veronica." Iniangat ko rin ang aking kamay para abutin sila ngunit hindi ko sila maabot-abot kahit takbuhin ko ay lalo lamang silang lumalayo.

Sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha. Kahit anong punas ko ay patuloy pa rin ang pag-agos niya.

"Khatty, thank you!" Si Veronica iyon saka siya ngumiti sa 'kin. "Thank you kasi kahit konting oras lang ay nagkasama tayong dalawa. Takot ako sa'yo nang una dahil para kang mangangain sa itsura mo. But everything change when you let me come with you. Thank you very much, Khatty. For sure daddy will be happy. Be safe, little sister. Please do everything to be safe."

L-Little...what? What did she mean by that? Magkapatid.. No way!

"L-Little sister? Ano ang ibig mong sabihin? Veronica?" Pilit ko siyang inaabot ngunit unti-unti na siyang nawawala.

Lalong umagos ang luha sa aking mga mata. Paanong nangyaring kapatid ko siya? Napaluhod ako sa aking kinatatayuan at napahagulgol. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nalilito na rin ako.

"Kapatid mo siya sa tatay, Khatty. I know it from a long time now. Sorry for keeping it from you. Hindi ko gustong itago sa'yo iyon but your daddy ask me for a favor at iyon ay itago sa'yo ang totoo. I want to tell you everything Khatty but I can't. Wala na akong oras," nakangiting sambit niya habang tinitingnan akong nawawasak.

Umiling ako. Hindi ako makapaniwala. "Anong... Why daddy keep it to me? She call me little sister it means siya ang unang anak ni daddy and...No! My mom is not a mistress." sigaw ko at tinakpan ang aking tainga.

Ayokong marinig ang sasabihin niya tungkol doon. Bakit ko ba naisip bigla na kabit ang mommy ko? Pwede din namang patay o hiwalay na sila ng dati niyang asawa. Siguro...

"Malalaman mo din ang lahat, Khatty. Malapit na. Hanggang dito na lang ako, Khatty. Tapos na ang oras ko. Khatty be safe, okay? Tell Achis I miss him so much. Thank you for everything. Paalam!" At unti-unti na rin siyang nawawala.

Ang liwanag na nanggagaling sa kaniya ay lumiliit na. Tumayo ako at tinakbo ang maliit na liwanag niya. Pilit ko iyong inaabot hanggang sa mawala ito.

"No Yelscy! No...No! Don't leave Yelscy, pleaseeeee!"

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя