Episode 12

51 11 0
                                    

ISANG sampal ang ibinigay ko kay Kianna ng pilit niyang inaagaw ang baril kay Zagreb. Isang oras na bago makita namin ang larawan at note na iyon.

"Sige kunin mo at patayin kaming lahat. Pero nakakasiguro ka ba na makakalabas ka talaga dito sa isla ng hindi nahahagip ng patibong? Akala mo siguro ay biro lang ang lahat ng ito," galit na sigaw ko sa kanya.

"I want to go home. I want to see my famil—"

Isang sampal muli ang natanggap niya. Hindi na sa ‘kin kundi kay Astred na. Sa sobrang lakas ng pagsampal ni Astred sa kanya ay bumaling ang kanyang mukha sa kaliwa, namumula at bumakat pa ang kamay niya sa mukha ni Kianna.

"Hindi lang ikaw ang may pamilya dito. Hindi lang ikaw ang gustong makita at sabik na sa pamilya. Bitch! Wala namang magagawa ang taong may pakana nito kung magtutulungan tayo. Yes, I'm bitch too, pero makikipagtulungan ako sa kanila para lumabas dito. I don't want to kill a innocent people nang dahil lang sa walang kwentang laro na ‘to." Lumayo agad sa kanya si Astred pagkatapos sabihin iyon.

Kinuha ko ang baril kay Zagreb at itinapon kay Kianna na siyang nasalo naman niya.

"Kill us...kung iyon ang gusto mo," marahan at walang ganang sabi ko.

Hindi ito gumalaw sa kanyang puwesto. Nakayuko ito at patuloy sa pagnginig ng katawan. Umiling ako ng lapitan siya ni Monique at kausapin.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Zagreb ng makitang tumalikod ako at naglakad papalayo.

"Diyan lang sa tabi-tabi." Saka ako tuluyang umalis.

Nang makalayo ako ay tumingin-tingin ako sa paligid. Tinalasan ko lalo ang aking paningin. Dinampot ko ang isang mahabang kahoy na nakita ko iyon ang ginamit kong pangkapa sa lupa. Nang may masagi ang kahoy ay agad napatingin ako sa aking paligid hanggang sa makita ko ito sa aking harapan,papalapit sa aking puwesto. Mabilis akong dumapa at gumulong pakanan kung saan may puno. Isang malaki at mahabang patalim ang dumaan sa puwesto ko kanina. Kung hindi ako agad nakaalis ay siguro akong nahiwa-hiwa na ako no'n.

"Ang sakit..." hawak ang likod na tumayo ako.

Hindi ko namalayan kanina na may malaking bato pala sa ginulungan kong puwesto. Hindi ko nakita iyon kaya doon dumama ang aking likuran. Siguradong mamamaga na iyon. Lalo na ring sumakit ang balikat kong may sugat. Dumugo siguro lalo dahil sa ginawa kong paggulong.

Muli akong lumingon sa paligid. Kailangan kong maging alesto. Nanghihinang naglakad ako patungo sa mga kasama ko. Nakita ko silang nakaupo lahat sa isang puno. Puro nakahalumbaba at yakap-yakap ang mga tuhod maliban na lamang kay Zagreb na pabalik-balik sa paglalakad. Lumapit ako sa kanila. Agad akong nakita ni Zagreb kaya'y mabilis ang nagawa niyang paglapit sakin.

"Saan ka ba pumunta?" Bumaba ang tingin niya sa braso ko. "Anong nangyari diyan sa braso mo?"

Napatingin ako sa braso dahil sa sinabi niya. Biglang nanlaki ang aking mata ng makitang may punit ang aking jacket at nakikita doon ang sugat na hindi ko alam kung saan nanggaling. Hindi ko man lamang naramdam na may sugat ako doon.

"Hindi ko..." natigil ako sa aking pagsasalita ng may isang boses ako..kaming narinig mula sa aking likuran.

"Xel?"

Bigla akong nanigas. Alam na alam ko kasi ang boses na iyon. Ilang ulit akong napalunok kasabay ng pagtibok nang malakas ng puso ko. Dahan-dahan ang ginawa kong paglingon sa kanya. Halos lumuwa ang aking mata nang makita ang kanyang itsura.

"T-Trace?" Lumapit ako at inalalayan siya. "Anong nangyari sayo?"

Ang daming sugat sa katawan niya. Mabuti na lamang at hindi napuruhan ang kanyang mukha. Ngunit may konting mga hiwa-hiwa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung naramdaman ng yakapin niya na lamang ako bigla.

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Where stories live. Discover now