Episode 3

97 18 2
                                    

BAKIT ba lagi na lamang itong sumusulpot sa kung nasaan ako? Konte na lang at talagang iisipin kong may gusto siya sa 'kin. Napahinga ako nang malalim nang harapin ng mga lalaking pinagtutulungan ako kanina ang lalaking dumating. Siguro naman ay kaya niya ang sampong iyan? Hindi naman siya makikialam kung wala siyang laban sa mga iyan.

"At sino ka naman?" hambog na tanong ng lalaking nasipa ko kanina.

Hawak pa rin niya ang ilong niya. Masyado yatang malakas ang pagkakasipa ko kaya hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin niya ito. Hindi na ito dumudugo ngunit parang tumabingi yata ang ilong niya. Fake.

"Khatty, okay ka lang ba?" Inalalayan akong tumayo ni Yelscy. Nasa mukha nito ang pag-aalala.

Napadaing ako ng mahina nang masagi niya ang braso ko  kung nasaan ako sinipa-sipa ng mga hayop na iyon. Alam kong may pasa na iyon, mabuti na lamang at nakasuot ako ng jacket kaya hindi nakikita ni Yelscy. Nakangiwing tumango ako sa kanya bago nilingon ang lalaking nakialam sa away namin. Nakasuot na ito ng sobrero pero hindi iyon naging dahilan para hindi ko siya makilala. Ang hulma ng katawan niya ay natatandaan ko pa at ang tsokolate niyang mata na nakikita ko mula rito sa puwesto ko. Ngunit hindi ko na natatandaan ang kanyang pangalan.

Nilingon ko si Yelscy na ngayo'y nakatingin na sa lalaki habang nakaawang ang kanyang labi. Kumikinang ang mga mata niya na parang pinapantasyahan ito. Tsk! Isip batang malandi talaga ito. Itinaas ko ang kamay ko sa kanyang tainga para pingutin siya.

“Ouch!”

"Iyang mata mo kung saan-saan na naman nakatingin," wika ko sa kanya saka siya tinaasan ng kilay.

Mabilis naman ang ginawang paglingon niya sa 'kin. "Huh?"

"Huh?" panggagaya ko ulit sa kanya, "Sinabi mo kanina na hindi kana titingin sa mga lalaki," dagdag ko pa.

Ngumuso siya. "Pero hindi na naman tayo nagsha-shopping, ah."

Sumama ang mukha ko, walang emosyon ko siyang tinitigan. Ilang segundong pagtitig sa kanya ay masiring kong nilingon ang lalaking iyon. Napaawang ang labi ko ng makitang nakikipag-away na ito. Sobrang galing niya. Pulido at swabe ang bawat galaw niya. Nagulat na lamang ako ng bigla siyang lumingon sa puwesto namin o sa 'kin talaga siya tumingin saka ako kinindatan. Nang lingunin ko si Yelscy ay nakatingin ito sa kanyang kuko. Nang ibalik ko muli ang paningin sa lalaki ay nakangisi na ito habang nakikipaglaban, paminsan-minsan ay tumitingin ito sa puwesto ko at kikindatan ako. May sakit ba siya? Ba't panay ang kindat niya? Sabay-sabay na sumugod ang mga panget sa kanya kaya doon na natuon ang kanyang buong atensiyon.

Hinawakan ko ang kamay ni Yelscy at mabilis na pinapasok siya kotse. Agad na pinaandar ko ito saka pinaharurot papalayo.

"Bakit ka ba nagmamadali?" Kanina pa siya nakanguso kaya nakakainis na.

"Pwede ba tigilan mo 'yang kakanguso mo? Tsk! Iuuwi na kita dahil baka kanina pa ako hinihintay ni Lolo at Lola," pagtugon ko sa tanong niya.

Lalo itong ngumuso, inis kong inabot ang nguso niya at pinitik ito. "A-Aray! Khatty naman!" hiyaw niya.

Umiling-iling ako at hindi na muling nagsalita pa. Hahaba lang ang usapan namin kapag nagsalita pa ako. Nakakairita siyang kausap. Next time si Achis na ang isasama ko sa kanya.

Nang makarating sa bahay niya ay sabay kaming bumaba. Kinuha ko ang mga pinamili niya at dinala ito sa kanyang kwarto. Tatlong beses pa ako bumalik dahil sa dami ng pinamili niya, ni hindi man niya ako tinulungan sa pagbitbit no'n. Pagbaba palang kasi ay agad na dumeretso siya sa salas para manood na naman ng paborito niyang Barbie, hawak din niya ang kanyang cellphone at nagpipindot doon.

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt