Chapter 13

598 24 3
                                    

- DEVRAH GRACE




Mahigit isang linggo din akong nagpagaling kaya ngayon lang kami nakabisita sa ate ko dito sa bahay nila ni kuya Rome, bukod samin ni Jared ay nandito din si Clarenz na sinamahan si Shallie na binibisita din si ate. Kung hindi ko pa nasasabi sainyo ay magkaibigan ang magulang ko at ang magulang ni Shallie, hindi ko lang alam kung bakit hindi ako lumaking katulad kami ng pamilya ni Shallie na may pera.


"Oh my gosh ang cute cute naman ng kambal mo ate Devinne!" tuwang tuwa na sabi ni Shallie ng makita nya ang mga anak ni ate

"Masakit pa ba tahi mo ate?" tanong ko kay ate dahil paika ika pa itong maglakad


Tulad ko ay normal naman ang panganganak daw nya, syempre tatahiin pa rin yung pwerta nya. Tumingin sya sakin at halata ko pa rin sa itsura nya ang sakit kaya natawa ako


"Sinunod mo ba yung sabi ng doctor?" tanong ko ulit bago sya hawakan sa braso para tulungan syang makaupo

"Oo sinunod ko naman lahat pero mag two weeks na hindi pa rin gumagaling tahi ko" sagot ni ate habang sinusubukang umupo ng patagilid para hindi sya masaktan

"Hindi mo pala ginawa yung sinabi namin ng lola mo, edi sana maayos ka ng maglakad ngayon" mama

"Kasi naman sabi ng mommy ni Rome sundin namin kung anong sinabi ng doctor" naiiyak na sagot ni ate habang pinapadede ang lalaki na anak

"Sige na uminom kana muna ng gamot mo oh, wag kang umiyak" sabi ni mama habang pinapainom kay ate ang gamot nila na pang pawala ng hapdi


Nung manganak din ako ay hindi ako iniwan ni mama at mommy. Sa Lucena kasi ako pinag stay ni mommy nung malaman nila na buntis ako at naaksidente si Jared, kaya naman bantay sarado talaga nila ako mula paglilihi, pagle-labor, panganganak, pagpapagaling at pag aasikaso kay Shauna. Naalala ko nung pwede na akong maligo ay kada umaga tuwing oras ko na para maligo inaasikaso nila mommy at mama lagi yung balde na nilagyan ng dahon ng guyabano pagkatapos ay uupuan ko iyon para lang masingawan ang pwerta ko para mabilis daw gumaling tapos ay iyon na din ang pinapaligo ko...


"Jusko parang ang hirap naman manganak" rinig kong bulong ni Shallie habang nakatingin kay ate na halata mo talaga sa itsura nya na may masakit sakanya

"Masakit lang mag labor pero yung panganganak? Oks naman lalo na pag pinatong na sa tyan mo ang baby mo" sagot ko dito kaya tumingin ito sakin

"Oh tapos yung pagpapagaling mo? Masakit na naman nako" Shallie

"Worth it naman lahat ng sakit kada nakikita mo ang mga anak mo, parang natatakot ka mag anak" natatawang sabi ni ate kaya napatingin din ako kay Shallie

"Ate masarap lang gumawa, syempre iyot iyot kayo ng partner mo tapos baka pag nabuntis ka hindi ka panagutan nako ayokong ma-Debbie part two" sagot ni Shallie kaya natawa kaming tatlo nila mama at ate

"Pero mabuti na nga lang at nagkaayos na sila ni Jared, sa wakas may buong pamilya ang mga apo ko" mama

"Kaya nga po tita, kahit minsanan lang ako dumalaw kay Debbie dati nung nagbubuntis sya ramdam ko yung paghihirap nya-- kaya po sobrang saya ko nung nagkabalikan na sila ni Jared" Shallie

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang