Chapter 15

836 24 11
                                    

- DEVRAH GRACE




Maaga akong nagising para asikasuhin si Shauna dahil may pasok ito ngayon sa school nya. Mabilis akong nagluto ng tocino at fried rice bago ko sya gisingin at pakainin, pagtapos ay tinulungan ko rin syang maligo.

"Momma?"

"Hmmm?"

"Kaya ko na po" nakangiti nitong sabi sakin kaya hinayaan ko sya

Lumabas ako ng cr at inasikaso ang baon nya bago pakainin ang aso nya na si Myloh, inihanda rin agad ang uniform nya tsaka ko sya pinunasan dahil tapos na syang maligo.

"Momma?"

"Yes anak?"

"Kumain na po ba si Myloh?"

"Oo pinakain ko na sya why?"

"Wala po"

Pagkabihis ko sakanya ng uniform nya ay pinatuyo ko muna saglit ang buhok nya bago ito talian, minedyasan ko naman sya at sinapatusan pagtapos non bago kami lumabas ng condo. Dumiretso kami sa elevator para makarating sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Jared. Nasa talyer kasi ang sasakyan ko kaya sasakyan ni Jared muna ang gagamitin ko sa paghahatid kay Shauna

"Pasok na nak" utos ko dito nung mabuksan ko ang pinto sa likod.

Bawal ang bata sa front seat at hindi ko sya pinapasakay sa front seat kahit na malapit lang ang school nya. Agad akong umikot para sumakay at buksan ang makina, dahan dahan kong pinaandar ang sasakyan bago makarating sa tapat ng school niya. Bumaba agad ako para pagbuksan sya ng pinto

"Bye momma!" Shauna

"Babye anak, tawagan mo ako pag may problema ha?" sabi ko dito bago isuot sakanya ang lace na nakakabit sa cellphone nyang di-tiklop

"Opo, ingat ka po momma!" kumaway kaway pa ito sakin bago tumakbo papasok ng gate kaya ngumiti ako hanggang mawala sya sa paningin ko at tuluyang makapasok sa loob

Agad naman akong sumakay sa sasakyan at nagmaneho pabalik sa condo. Pagkaparada ko ng sasakyan ni Jared ay sumakay agad ako ng elevator at bumaba sa floor kung nasan ang condo ni Jared. Pagpasok ko sa loob ay naghugas muna ako ng plato at nagligpit ng mga kalat bago ako magpalit ng damit at umakyat sa taas para mahiga sa tabi ni Jared na tulog na tulog pa rin. Yumakap lang ako sakanya at pumikit, dahil na rin siguro ay puyat ay nakatulog ako.

















Nagising ako nung marinig ko ang ingay na nagmumula sa kusina tila may nagluluto dito, naamoy ko rin agad ang niluluto nitong caldereta kaya bumangon agad ako at tinupi muna ang kumot namin at inayos ang hinigaan namin pati ang kama na pinaghigaan ni Shauna. Pagtapos non ay tinanggal ko muna ang suot ko na bra at nagtaklob lang ng tuwalya dahil maliligo ako pag baba.

"Ang bango nyan ah, san ka natuto magluto?" tanong ko kay Jared na busy sa paghahalo ng niluluto nya

"Tinawagan ko lang si chef tapos nagpaturo ako sakanya paano magluto ng caldereta, gusto ko kasi kumain ng caldereta ngayon" nakangiti nyang sagot

"Naks naglilihi kana ba?" biro ko dito bago kami parehas na natawa

Nagpaalam na muna akong maliligo dahil hindi pa naman daw luto ang niluluto nya. Pagpasok ko sa cr ay hindi ko maiwasang magmuni muni habang nasa ilalim ng shower, iniisip ko lang kung ano yung nakalimutan kong gawin kagabi pero hindi ko talaga maalala kaya hinayaan ko nalang at naligo na.

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Where stories live. Discover now