Chapter 9

721 24 9
                                    

- DEVRAH GRACE



"Daddy dito ka po nakatira?" tanong ng anak ko na si Shauna sa daddy nya


"Yes baby, pansamantala dito na din muna kayo titira ng momma mo" Jared



Muling lumabas ng condo nya si Jared dahil nasa tapat ng condo nya ang iba pa naming gamit ni Shauna, kanina ay napag usapan namin ni Jared na dito muna kami titira sa condo nya habang hindi na pa daw naaayos yung bahay ko. Balak nyang irenovate iyon dahil ayaw ko naman daw ibenta yun at ayaw ko rin sumama sakanya sa ibang bahay, isa kasi yung bahay na yun sa naipundar ko para samin ni Shauna kaya hangga't maaari ayokong ibenta yun. Ayun nga pumayag naman si Jared na doon kami tumira tatlo pero irerenovate nya daw muna para mawala daw yung memories namin ni Zack don kaya hinayaan ko nalang na dito muna kami sa condo nya, ilang buwan lang naman daw at matatapos na agad yun sya rin naman ang bahala sa magagastos sa pagpapa-renovate non eh.

"Wala pa ring pinagbago tong condo mo, Jared" sabi ko habang nililibot ko ang paningin ko

Napadako sa cr ang paningin ko at doon ko naalala ang nangyare samin ni Jared doon dati, nung mapatingin naman ako sa couch ay naalala ko rin na dati ay napwestuhan din pala namin ni Jared iyon.


"Momma can I go there?" sigaw na tanong sakin ni Shauna habang nasa hagdan at itinuturo ang kama ni Jared

"Yes baby, basta wag kang malikot ha?"

"Opo momma!"


Nakatitig lang ako sa hagdan na yun dahil na pwestuhan din namin ito dati, pati na rin ang kama na tinatalunan ngayon ng anak ko ay nakikita kong nakahubad kaming parehas ni Jared doon . Mula sa pagtingala ay nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Jared mula sa likod kaya napaharap ako sakanya


"Thankyou for giving me another chance, Love" Jared

"Walang anuman, Love" sagot ko bago ako yumakap din sakanya

"Can I join momma? Daddy sali ako!" biglang sigaw ni Shauna kaya natawa kaming dalawa ni Jared at inaya syang bumama dito para magyakap kaming tatlo


Dahil maaga pa naman ay inaya kaming mag mall ulit ni Jared para bumili ng iba pang kakailangin namin mag ina habang nandito pa kami, walang kapaguran namang nagtatatakbo at nagtatatalon si Shauna habang namimili kami ng foam at extra unan dahil hindi kami kakasya sa kama ni Jared ay bumili na rin kami non. Wala naman akong magawa nung bilhan ni Jared ng napaka daming laruan at damit si Shauna dahil hiniling nyang hayaan ko syang bilhin ang lahat ng ituro ni Shauna para umpisahan na ang pag bawi nya sa anak namin, hinayaan ko nalang din syang bilhan ng tablet si Shauna kahit na ayokong pahawakin muna ng gadgets ang anak namin.

"May ganyan na syang damit, Love" sabi ko kay Jared dahil kahit na anong makita nya na sa tingin nya ay kakasya kay Shauna ay kinukuha nya

"Niregaluhan din sya ni Cess ng ganyang damit, wag mo ng bilhan nyan" sabi ko ulit ng makita kong pamilyar yung damit na hawak nya

"Gusto kong bilhin yung mga kailangan at gusto ng anak natin, Love" malungkot nyang sabi "Alam kong lahat ng ito nabili mo na sakanya dahil madami ka ng pera ngayon pero Love gusto ko lang maramdaman yung feeling na ako ang bumibili ng needs nyo dahil ako ang tatay dito"

"Bakit ka iiyak? Okay sige na bilhin mo lahat ng gusto mong bilhin para makauwi na tayo, gusto ko ng magpahinga" sabi ko dito



RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum