Chapter 14

590 22 8
                                    

- DEVRAH GRACE






"Jusko Jared yang anak mo talaga!" inis kong sigaw kay Jared bago ako pumasok sa sasakyan nya

Pagsakay nya din ay mabilis nyang binuksan ang makina at pinaharurot ang sasakyan nya papunta sa school ni Shauna. Nagulat nalang kasi kami kanina nung tumawag sakin ang teacher ni Shauna at sinasabing nanakit na naman daw ito ng kaklase nya.

"Tanungin muna natin si Shauna, wag mong pagalitan agad" Jared

Hindi ko sya pinansin at sa daan nalang tumingin, nung makarating kami sa school ni Shauna at maiparada ang sasakyan ni Jared ay mabilis akong bumaba ng sasakyan at naglakad. Nauna akong makarating sa Dean's Office kaya pumasok agad ako, nung makita ko ang itsura ng anak ko ay nag init agad ang ulo ko kaya lumapit ako dito. Magulo ang buhok nya at tila dumugo din ang ilong nito dahil may bulak pa ito sa ilong.


"Anong nangyare baby? Sinong may gawa sayo nito?" Mahinahon kong tanong sakanya pero hindi sya sumagot at nakatingin lang sa mga kamay nya hanggang makapasok si Jared at makita sya


"Sinong may gawa nito sa anak ko?" tanong ko sa teacher ni Shauna

"Si Katie po" nagulat ako nung magsalita ang anak ni Macey at ituro yung batang babae na nakaupo sa likod nung teacher

Nung tumingin ako don sa bata ay nakita ko pang inirapan nya ang anak ko pati ang anak ni Macey bago dumila sa mga ito. Biglang bumukas ang pinto at kasabay na pumasok ng Dean ay ang mga magulang daw nung batang babae


"Who hurt you Katie?" agad na sigaw ng nanay sa anak nya


"Its Shauna again mommy" pinipilit na umiyak nung batang babae habang nakaturo sa anak ko

"What happen anak?" rinig kong tanong ni Jared sa anak namin bago ito kargahin at ilabas



Sumunod naman sakanila ang anak ni Macey kaya napatingin ako sa magulang nung bata pati na rin sa teacher ng anak ko.

"Ano ho bang nangyare?" tanong ko


"Sinaktan lang naman ng anak mo ang anak ko--"


"Pero bakit yung anak ko ang magulo ang buhok tapos mukhang dumugo pa yung ilong ?" tanong ko habang nakatingin sa teacher

"Ganto po kasi yun, ang kwento po kasi ng mga kaklase nila hinampas daw po ng book ni Shauna si Katie kaya po sila nag away" teacher


"Bakit nya naman hahampasin ang kaklase nya?" naguguluhan kong tanong pero tumawa lang yung tatay ng bata bago tumingin sakin


"We have already requested for your daughter's expulsion here from school. Your daughter who always did nothing but hurt her classmates"


Sasagot na sana ako nung pumasok na ang mag ama ko kasama ang anak ni Macey. Umupo ang dalawang bata sa kanina nilang upuan habang si Jared naman ay lumapit sakin para hilahin ako palayo doon


"Can we see the cctv footage on their classroom first?" Jared

"Para saan pa?" nakangising tanong nung nanay ng bata kay Jared kaya ngumisi rin ito sakanya

"I want to see how my lovely daughter hurts your daughter, misis" Jared


Tila nataranta naman yung nanay pati na yung teacher nila Shauna kaya natawa ako at lumapit sa Dean.

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Where stories live. Discover now