Chapter 8

660 21 12
                                    

- DEVRAH GRACE




Gusto kong maiyak dahil sa nararamdaman ko ngayon, hindi ko naisip ni minsan na malalagay ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko at ayoko rin namang basta basta nalang maniwala sa sinasabi ni Jared.


"Nahuli ko sila sa condo ni Macey, inamin nila sakin kung anong totoo. Hindi sakin si Maximus, si Zack ang totoong ama ni Maximus" Halos hindi na tumigil tigil ang luhang tumutulo mula sa mga mata ni Jared habang sinasabi sakin ang mga iyon

"H-hindi ba ikaw?" naguguluhan kong tanong sakanya pero paulit ulit syang umiling habang umiiyak "Sabi ni Macey, ikaw ang tatay ng pinagbubuntis nya--"

"Si Zack ang totoong tatay ni Maximus" Jared

Hindi ako makapaniwala. Ano bang nangyayare samin? Ano ba ito? Akala ko maayos na ang lahat, netong nakaraan lang tahimik na ang mga buhay namin pagkatapos eto ang bubungad samin.


"Pano na kayo nyan? Ano ng gagawin mo?" tanong ko sakanya. Hindi ko rin mapigilan na hindi tumayo at lumapit sakanya para lang hagurin ang likod nya dahil iyak sya ng iyak

Ngayon ko lang sya nakitang ganito at never kong naimagine na makikita ko sya sa ganitong sitwasyon. Hindi ganto ang kilala kong Jared, nauunawaan ko naman sya dahil katulad ko ay labis rin akong naguguluhan at nasasaktan na nangyayare. Nandon ang isipin na ano ng mangyayare samin ni Zack? lalo na ngayon na nalaman na ata ni Zack kanina na kanya ang anak ni Macey. Iniisip ko rin ang purwisyong ibinigay ni Macey kay Jared dahil dito nya ipinaako ang responsibilidad na dapat ay kay Zack.

"I don't know, there's only one thing I want to do right now. That is to build our family Debbie" doon pinahid ni Jared ang natitirang luha sa pisnge nya atsaka tumitig sakin

Hindi ko naman malaman kung bakit ako biglang kinabahan dahil doon kaya napalunok pa ako.

"J-jared a-ayoko kasing maging hmm- k-kabet eh sorry" nag aalangan kong sagot sakanya na ikinabigla naman nya

"Do you think that we're married?" dahan dahan akong tumango tango sa tanong nyang iyon pero isang malakas na tawa lang ang isinagot nya sakin at nung matigil sya ay tsaka sya tumitig sakin

"Macey and I are not married and we will not getting married, iisang babae lang ang balak kong pakasalan Debbie" Nakangiti nyang sabi sakin habang ako naman ay titig na titig lang sakanya at hindi alam ang mararamdaman, haleeer ayokong umasa!



Magsasalita pa sana ulit sya pero pareho kaming nagulat at napatingin sa pintuan ng bumukas ito ay humampas sa dingding, doon namin nakita si Macey na galit na galit habang nakatingin sakin. Nung sugurin ako ni Macey ay agad namang pumasok si Zack at inawat si Macey habang si Jared naman ay pinaglalayo kami pero huli na dahil paghablot ni Macey sa buhok ko ay agad kong inapakan ang heels nyang suot bago rin sya hawakan sa buhok para itingalan sakin atsaka suntukin sa mukha. Nakailang suntok pa ako sa mukha nya na sa ilong at kaliwang mata ko lang naman laging pinapatama bago kami mapaghiwalay ng tuluyan nila Zack at Jared.

Nang mahawakan nya ang dumudugo nyang ilong ay tumingin sya ng masama sakin pero mas lalo syang nagalit ng makitang yakap yakap ako ni Zack dahil nga sa pag awat nila samin, sinubukan ulit ni Macey na lumapit sakin mabuti nalang at dumating si Sebastian kaya napigilan nila ni Jared ito. Wala syang magawa kundi ang punasan ang dumudugo nyang ilong at tumingin ng masama sakin, hindi ko nalang sya pinansin atsaka tumingin sa kakabitaw lang saakin na si Zack. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko sya, kaliwa't kanan ko syang sinampal bago tumulo ang mga luha ko.

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon