Chapter 6

860 25 15
                                    

- DEVRAH GRACE





Tulad ng sinabi ni Zack ay bumawi nga sya samin ng anak ko, kinabukasan non ay dinala nya kami sa Nuvali, isa itong pasyalan sa Sta.Rosa Laguna para makapag bonding kaming tatlo ulit. Saglit lang naman mula sa bahay ay nakarating agad kami doon, sa isang hotel na nag ngangalang 'Seda Hotel' kami agad na pumunta para mag book dahil napag usapan namin ni Zack na bukas ng gabi na kami uuwi sa bahay namin. Napaisip nga ako kung kina Shallie ba yung hotel na yun dahil Seda rin ang apelyido nya pero hinayaan ko nalang.

Agad kaming nag gala non at inuna naming puntahan ay yung malawak na isdaan na may mga koi fish, tuwang tuwa namang nagpakain ng isda ang anak ko non. Sunod na ginawa namin non ay sumakay kami sa boat na nagkakahalaga ng 30 pesos lang naman per head tapos anim kaming nakasakay, doon ay nalaman kong malawak pala yun dahil hanggang dulo ay nakarating kami tapos bumalik muli. Nakakatuwa at medyo nakakatakot pa doon ay nalakas ang alon kada may makakasalubong kaming bout din. Sunod ay nag arkila si Zack ng bike para sa anak ko pagtapos ay naglakad lakad kami ni Zack habang amg anak ko ay nakabike papuntang White House na sinasabi nila at nagpahinga saglit.

Habang nandon kami ay nakapag usap kami ni Zack ng masinsinan, nalaman ko ring ilang beses na pala silang nagkikita ni Macey na hindi naman daw nya sinasadyang magkita sila ni Macey. Hindi ko alam pero meron akong naramdaman na konteng sakit sa dibdib ko nung marinig ko iyon, pero syempre sa isiping nagsabi pa rin sya sakin ng totoo kahit na hindi naman nya alam kung anong mararamdaman ko bigla akong nakonsensya at nagsabi na rin ng totoo. Inamin ko lahat lahat sakanya, wala akong inilihim ni isa kasama na yung pag punta ni Jared sa labas ng bahay nung gabing nag inom kami nila Cess kasama sina Charlotte sinabi kong nung time na yun ay niyakap ako ni Jared. Sinabi ko sakanya na yun ang unang pagkikita naming muli ni Jared pagtapos kong sabihin yun ay agad naman akong nag sorry sakanya. Hinayaan naming magpaikot ikot don habang nagba-bike ang anak tsaka kami nag usap muli.

"Kailangan mo pa ba akong ligawan? Eh ilang taon na tayong magkasama sa iisang kama" tanong ko sakanya

"Gusto ko lang na ligawan ka bago maging tayo, syempre baka napipilitan ka lang" sabay tawa nyang sabi sakin kaya binatukan ko sya bago tignan ang date sa cellphone ko

"Twenty two ang monthsarry naten, simula ngayon may karapan na akong magalit pag may ginawa kang hindi maganda at ikaw din sakin" sabi ko

"That's good" Zack

"Tara na't bumalik sa hotel, tignan mo si Shauna pawis na pawis na ayaw pang tumigil kaka-bike" sabi ko pero hinawakan nya lang ang kamay ko para pigilang tumayo kaya napatingin ako sakanya

"Hayaan mo na muna sya, sigurado akong pag balik natin sa trabaho sa susunod na araw hindi na ulit sya makakagala kasi busy rin si Shallie pati sina Caren" nakangiti nyang sabi sakin, konteng saglit lang din naman ay muli akong umayos ng upo sa tabi nya tsaka ngumiti

Pinisil nya ang kamay kong hawak nya kaya tumingin ako sakanya, pero nakangiti lang ito habang nakatingin sa anak ko kaya ipinatong ko nalang sa balikat nya ang ulo ko pagtapos ay pinagmasdan din ang anak kong masayang masaya na nagba-bike.

Nang makitang nakatingin kami ni Zack sakanya ay mabilis na ngumiti ang anak ko tsaka iniwan sa isang tabi ang ginagamit nyang bike bago tumakbo palapit samin.

"I'm happy momma! Thankyou po tito daddy" masayang sabi ng anak ko bago kami pilitin na abutin para lang mayakap

Seeing my daughter happy makes me feel better, nakangiti ko ring niyakap ang anak at ganon din naman si Zack. Hindi rin naman kami nagtagal doon at bumalik agad sa hotel para kumain ng tanghalian, pagtapos ay nag aya namang magswimming ang anak ko kaya pare-parehas kaming nakapang ligo na pumunta sa pool area ng hotel. Kahit na alam naming mangingitim kami ay sige lang kami sa pagbababad sa swimming, ng mga oras na yun ay para kaming pamilya na masayang nag babakasyon na labis na ikinaganda ng mood ko.

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Where stories live. Discover now