Chapter 16

286 8 1
                                    

- DEVRAH GRACE

Maaga kaming mga babae nagising pero wala na sa kwarto namin si Kendra kaya naman napagdesisyunan naming mag gala dito sa resort hanggang napadpad kami dito sa 'Fitness Pavillion'

"Maganda dito sa resort nila Kendra noh" Shallie

"Oo nga! ang himbing nga din ng tulog ko kagabi" Cess

"Bakit? hindi ba foam ang higaan mo?" Charlotte

"Duh! Nakakarelax lang dito kaya ang himbing ng tulog ko kagabi" Cess

"Maganda ang simoy ng hangin pati yung tunog ng dagat tuwing humahampas sa dalampasigan, ang sarap sa tenga" Marah

"Yeah right! So refreshing diba?" Cess

Nagtataka ako kagabi pa kung bakit kailangan pang ipromote namin tong resort nila eh madami namang turista dito ngayon. Hindi ko nalang sila pinansin at lumapit nalang ako sa mga gym equipment tsaka ako nag umpisang mag stretching, hinayaan ko lang sila doon na maglaro ng tennis.

Nung nag umpisa na akong tumakbo sa treadmill ay kinuha ko ang cellphone ko para mag videocall kay mama sa messenger, sinagot nya agad iyon at agad na ibinigay sa anak ko. Nakita kong nakasuot na sya ng uniform nya at agad syang kumaway sakin habang nakangiti.

"Kamusta na ang baby ko?" tanong ko sakanya

"Okay lang po momma, papasok na po ako sa school momma" Shauna

"Behave ka lang jan ha?"

"Opo momma, andito na po kami momma babye po" Shauna

"Bye baby" nakangiti kong sagot

Narinig ko syang nagpaalam kay mama bago sya tumakbo papasok ng school nya, tsaka ko nakita si mama sa screen na nakangiti.

"Ako ang naghatid sakanya ngayon kasi may ginagawa ang papa mo" mama

"Salamat mama"

"Ano ka ba, wala yun anak. kamusta kayo jan? maganda ba jan?" mama

Agad kong tinigil ang timer ng treadmill bago ko kunin ang cellphone ko para ipakita sakanya ang view mula dito hanggang sa dagat na nasa harapan lang nitong fitness pavillion.

"Magbabakasyon tayo dito sa susunod ma" sabi ko

"Sige maganda jan, ang ganda ng dagat" tuwang tuwa na sagot ni mama bago sya magpaalam sakin dahil magda-drive na daw sya pauwi

Muli kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko hanggang marinig ko sila Cess na magsigawan kaya lumingon ako sakanila.

"Ang duga naman nito eh!" Charlotte

"Bakla ka anong maduga don?!" Cess

Nagsisigawan na yung dalawa pero sila Caren, Shallie at Marah ay tawang tawa lang sakanila mabuti nalang at nakita ko ang mga boys na papasok dito kaya agad ring natigil yung dalawa.

"Nag aaway sila Cess at Charlotte eh" natatawang sagot ni Marah kay Sebastian dahil tinanong nito kung anong nangyare

"Parehas lang naman silang nanduga!" tawang tawa na sabi ni Shallie

"Galit na galit sa isa't isa yung parehas nanduga" Caren

Natawa kami nung muling maglaro yung dalawa. Nagkanya kanya namang lapit sa mga gym equipment yung mga lalaki habang yung mga babae naman ay nanuod lang ulit kina Cess at Charlotte.

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Where stories live. Discover now