Chapter 5

1.4K 55 66
                                    

- DEVRAH GRACE



Nanlulumo akong napaupo sa sofa naming pang isahan lang dahil sa narinig na balita sa tv kasabay nito ang paglitaw ng picture ni Jared na tila kakalabas lang ng bahay namin habang ako naman ay tila ibabato sakanya ang isang towel. Alam kong si Jared iyong lalaki kahit na may takip ang mukha ninyo sa balita at ang saktong nangyayare nyan sa picture ay yung binato ko si Jared ng basahan.




"Ano ng gagawin natin?" tila problemadong tanong ni Cess sakin "First time mong magkakaroon ng issue na about sa lalaki. Alam ng mga fans mo na si Zack ang boyfriend mo ngayon"




Tama si Cess, ito ang unang beses na magkaka issue ako ng about sa lalaki dahil dati ay puro about sa anak ko lalo na sa tatay ng anak ko well lalaki rin naman ang tatay diba? Hays basta!





"Nabasa ko ang mga comment sa article na yan, puro 'baka tatay yan ng anak nya' 'siguro hiwalay na sila ni Zack' haaayy nakakaloka!!" dagdag pa ni Cess bago maupo sa isa lang sofa na pang isahan lang din sa tapat ko




"Pero Cess aminin mo, ang ganda ko jan sa pictures diba? Hanep kakaiba talaga tong mukha ko!" Mula sa pagkakatitig sa tv ay inilipat ko kay Cess ang tingin at bigla nalang akong natawa dahil sa reaksyon nya sa sinabi ko. Lagi talaga akong tawa ng tawa pag sya ang kasama ko jusme!




"Parang wala lang sayo ah? Si Jared yang lalaki noh? Maharot ka ha!!" pang aasar nya sakin sabay bato ng unan sakin na nasalo ko naman bago tumawa




"Anong gagawin ko? E tatay naman talaga ng anak ko yang nasa picture" sabay tawa ko kaya muli nya akong binato ng isa pang unan na nasalo ko na naman bago tumawa ng tumawa


"Hala si Jared talaga yan?! Naaaayyy! Napakaharot mo Devrah Grace!!" gulat man ay natatawa nya pa ring sigaw sakin




"Momma why are you laughing? It's so early momma-- so noisy" nakabusangot na sabi ng anak ko habang pababa ng hagdan.


Agad naman akong tinignan ni Cess at sinabihan pa ng 'Lagot ka' bago tumingin sa nakabusangot kong anak na palapit na samin. Agad na sinalubong ito ni Cess at kinarga, kung titignan mo ay babaeng babae na si Cess ngayon. Bigla nalang akong natawa ng malakas ng maalala ang itsura nya nung una ko syang makita sa school, lalaking lalaki pa sya tignan non kumpara ngayon na mukhang mas babae pa sya samin nila Shallie at Caren.




"Anong tinatawa tawa mo babaita ka?" Cess




"Ang ganda ganda mo na ngayon Cess, infairness ha!" sigaw ko sakanya, sya namang ibinaba agad ang anak ko bago umikot at umawra awra sa harapan namin ng anak ko kaya pati ang anak ko ay tuwang tuwa na "Kumpara sa unang beses kitang nakita mas mukha ka pang lalaki sa papa ko non hahaha!" dagdag ko kaya agad nya akong nilapitan at binatukan


"Bwiset ka talaga!" natatawa nyang sabi sakin bago muling buhatin ang anak ko



"Pwera biro Cess, you look like a real barbie doll right now ha!"




Natatandaan ko pa dati nung makiusap syang pumayag ako at pirmahan ang kontrata ng isang sikat na company brand para sa ganon ay makasama sya sakin sa bansang Thailand kung saan gaganapin ang shoot ko noon kasama ng isang sikat na Thai actress. Hindi ko alam na habang nagpapahinga ako non dahil kakarating palang namin ng Thailand ay sumalang na papa agad sya sa surgery. Sa mahigit kumulang isang buwan na pananalagi namin doon ay iba na ang itsura ni Cess ng makauwi kami ng pinas. Nakakatuwang sa maliit na bagay ay natulungan ko syang makuha ang gusto nya sa simpleng pagpayag ko sa kontrata noon ay heto na sya ngayon wala ng takot humarap sa mga tao at makisalamuha. Kung titignan mo naman sya ngayon ay mahahalata mong wala na syang tinatago na hiya, mahahalata mo ring punong puno sya ng pagmamalaki ngayon. Proud at masaya




RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Where stories live. Discover now