Chapter 17

421 12 3
                                    

- DEVRAH GRACE

  Takang taka pa rin sila Cess kung bakit nandito sila Macey at Zack, magkakasama kami dito sa isang napakalaking lamesa at magkakaharap na kumakain. Wala ni isang nagsasalita sa mga babae, tangging sila Sebastian, Clarenz,  Lloyd, Adonis at Jared lang ang nagsasalita, dahil siguro ay nakikiramdam lang din sila Shallie.

"Para kayong mga tuleg, hoy magsalita kayo aba!" natatawa kong sabi sakanila habang pinupunasan ng tissue ang bunganga ko

"Nakakailang kaya" Shallie

"Hayaan nyo na, nandito naman tayo para magsaya kaya wag kayong mailang" natatawa kong sagot sakanya

Muli akong sumubo ng pagkain ko naramdaman kong hinawakan ni Jared ang hita ko kaya napatingin ako sakanya, nginitian nya lang ako bago sya muling tumingin kina Sebastian dahil may pinag uusapan sila. Maya maya lang din ay nag uusap usap na sila Cess at Charlotte kung ano ba ang gagawin namin ngayong gabi, iisa lang din naman ang gusto naming gawin at ayon ay ang mag inom dahil ang tagal na din daw naming hindi nagkakasama sa inuman.

"Let's go guys! eight ang open ng beach club" Kendra

"Hindi ba pwedeng magpalit ng damit? ang panget ng suot kong dress!" Charlotte

"Maganda naman ah? Ang sexy mo nga eh" Marah

"Talaga be? Sige na nga hindi nako magpapalit hihi " Charlotte

"Uto uto naman ang gaga" Cess

Nagtawanan lang kami bago mag umpisang maglakad, medyo malayo daw dito sa Villa ang beach club kaya medyo matagal din kaming naglakad. Tinignan ko ang suot ko nakamaong na short ako at simpleng color beige tank croptop lang ako habang si Jared naman ay nakablack na short at naka color beige tank top na parang nasobrahan naman sa hiwa sa gilid dahil kitang kita ang abs nya.

Tinignan ko nalang din ang mga suot nila. si Marah ay naka short at tshirt, si Caren, Cess at Charlotte ay nakadress, si Shallie ay nakashort at spaghetti strap croptop. Ang mga lalaki ay mga nakatshirt at short lang din maliban kay Clarenz na nakapajama at tshirt.

Nung marinig namin ang nadagundong na tugtog ay nagmadali kaming maglakad dahil sa excitement!

"Good Evening ma'am Kendra" bati ng guard bago kami papasukin

Makapal na usok at malakas na tugtog ang sumalubong samin pagkapasok palang namin, madaming pabilog na couch ang nandito. Sa mga gilid naman ay puro daw counter, iba ibang alak pala ang inooffer nila dito at madami rin daw kasi turista kaya madaming bartender. May pailan ilan ng nandito, doon sa may dance floor naupo si Cess kaya sumunod kami sakanya

"Anong alak nyo?" nakangiting tanong ni Caren samin

"Martini" Charlotte

"Whiskey sakin be" sabi ko

"Ah ganto nalang, una nating inumin is Martini next ay Whiskey tapos next ay yung gusto naman nung isa okay?" Cess

"Pwede naman" Sebastian

"Pwede. Meron naman atang pwede i-assign si Kendra na magkukuha ng drinks natin eh" Clarenz

"Oo, medyo hussle kasi kung tayo pa kukuha ng alak natin" Shallie

"No problem!" nakangiting sagot samin ni Kendra kaya tuwang tuwa kami

Ngayon ko lang napansin na nakatayo pa pala sila Zack, Macey at Kendra kaya tumingin ako kung may bakante pa sa tabi nila Shallie. Nung makita na magkakatabi na sila doon ay napatingin ako kay Macey, sakto namang nakatingin din sya sakin. Pota, aayain ko ba sya dito sa tabi ko o hahayaan ko nalang syang tumayo don?!  Tsk! naman!!

RETIRED FUCKBOY [COMPLETE] [SPG]Where stories live. Discover now