Sanay na kaming ganito ng bespren ko… Ung naghahatid sundo ako sa kanya, minsan nga gusto ng parents ko na kami na lang..

Well, maganda si Bespren kung mag aayos lang. Sexy.. Matalino… Pero…

Di talaga pwede e… Bespren lang kami.. At ayaw kong masira un…

“Bespren, tingin mo sino sino na naman kaya magiging prof natin.. AYAKO NA KAY PROF. DIMAKATULOG! Maling mali apelyido nya sa kanya.. ANG BORING!” pagrereklamo ko kay Yanny…

“Hahaha! GAGA KA TALAGA! Pero balita ko a.. May terror daw tayo.. Si Ms. Del Mundo.. Sa Logic ata natin un e… ATA lang a..” sabi naman nya…

“Ayan na si Kelly! Wooooo!”
“Witwew!”
“DUDE! DUDE! SI KELLY ANJAN NA! TARA NA… SALUBUNGIN NA NATIN SYA..”

Yan lang naman ang narinig ko sa paligid ko.. Well dumating na kasi ang hotchiq ng University.. Si Kelly Jimenez…

“O? Ikaw pupunta ka din dun??” Tanong ni bespren..

“Ha? Hindi a.. Bat naman ako makikijoin sa mga un e di naman ako patay na patay kay Kelly the Hotchiq.. Isa pa may chiq na ko.. Hehehe!” Sabi ko sa kanya..

“Sino naman??” Tanong nya…

“E sino pa? Edi ikaw! HAhahaha!” Sabay akbay sa kanya… At kindat. Hahaha!

“Gago!” Sabay batok!

“Wooo! Kinilig ka lang e!” Pang-aasar ko sa kanya…

“EWAN KO SAYO! Tara na nga.. Baka malate pa tayo….” At pumunta na nga kami sa room namin…

.

.

.

.

.

.

Ang ingay naman! ANak ng teteng tong mga lalaking to!

.

.

.

.

E kaya naman pala e! Jusko.. Kaklase pa namin yang Kelly Jimenez na yan.. Utang na loob!

.

.

.

.

.

.

Hay salamat at dumating na din ung Prof.. Ang ingay nung mga lalaki e.. Akala naman nila papatulan sila ni Kelly..

“Ok, class. This is tentative ok? Di pa finalize ang sched ng mga professors kaya baka next meeting dun pa lang, kung sino mang papasok next week na prof, I think that’s it. Sa ngayon eto muna ang bibigay ko..” Sabi ng Prof…

After 15mins…

“Ok then.. Yan muna.. Di muna ko magbibigay ng required book since di pa sure na ako ang prof nyo.. Pero sana ako na nga.. And by the way I’m Ms. Linda Sumalong…” pakilala nya at umalis na kami…

Coffee and CakeWhere stories live. Discover now