Chapter 39

50 9 0
                                    

We don't have a class today since everyone were busy preparing for the upcoming intramural. It's been two weeks since the night happened. Pagkatapos nang araw na iyon ay napapansin kong bumabawi na rin si Dee. I could tell talaga na kung hindi pa ako nagalit nun ay hindi ko pa mapapansin na may mali talaga sa kanya noon.

Just like kung may gusto akong gawin na ayaw niya, ginagawa niya na rin. Tapos nakakapag-taka pa kasi nung may nakaaway na naman ako, kinampihan niya ako—which is new to me. Lagi siyang galit dati kapag ganun.

Marunong naman palang maka-realize, e.

Deandrew also tried to ask his mom if she could meet me, but sadly, her mom doesn't want me for him. Naiintindihan ko rin naman. Ganun din iyong sinabi sa'kin ni Mommy noon. Ang sabi rin naman sa'kin ni Dee na huwag ko na lang masyadong isipin dahil lalambot din daw iyong puso ng Mommy niya. At kung hindi man, wala na ring magagawa iyong Mommy niya dahil willing siyang ipagla-laban ako.

Kahapon ay cinelebrate din namin iyong birthday ni Demi. First time ko ngang makapunta sa bahay nila. Inaasar-asar pa ako ni Xyll dahil alam niyang sobrang arte ko. Iyong lugar kasi kina Demi is eskinita. Well, medyo nakakadiri nga naman but yea, everything's fine naman. Besides, sine-secure rin ako ni Dee since medyo delikado nga roon, baka raw may biglang humablot sa'kin. Marami rin daw kasing basagulero ro'n.

And today, mag-isa lang ako ngayon na naka-tambay sa classroom. Hindi ko naman alam kung nasaan ba iyong tatlong kumag at hindi pa pumapasok. Wala naman akong nakuhang dahilan mula kay Drex kung bakit. Ewan ko ba, kahit na kagaguhan lang naman isasagot nun, naniniwala pa rin ako.

Ooh, speaking of.

"Nasaan sila?" tanong ko kay Drex.

Nagkibit-balikat lang siya saka tahimik na naupo katabi ko. Hindi ko maiwasang mapa-kunot ng noo dahil ang tamlay-tamlay niya ngayon—actually, since last week pa. Parang mas lumala lang ngayon.

I was about to ask him again when a student council came in the classroom with Franklin—the captain of the basketball team. "Uhm... Zup, blue teams here. Who wants to join basketball?" tanong ni Franklin saka napatingin siya sa gawi namin ni Drex. "Drex! G ka na."

Tumango lang si Drex tapos hindi na siya nagsalita.

"Hey, are you okay?" I asked.

"Yea..." sagot niya saka umub-ob.

Umalis din kaagad sina Franklin nang wala na talagang ibang sumali sakto namang pagpasok ni Demi sa classroom saka sinigaw iyong pangalan ko. "Tawag ka ni Dee, PE Dep!" sigaw niya.

Napatingin naman ako kay Drex. Nakakunot rin iyong noo niya habang nakatingin kay Demi.

"Hindi ka ba sasama?" tanong ko sa kanya but he just quickly shook his head.

Hindi ko na lang siya pinilit dahil mukhang ayaw niya rin naman ng kausap. Sabay kaming naglakad papunta ni Demi sa PE Dep. Nang makarating kami roon ay nagulat na lang ako nang biglang nagpa-tunog ng tambol at gitara si Joel at Jimuel, saka lumabas si Dee mula sa likod ng kurtina at may dala-dalang bouquet.

Gelo started to sing.

We were as one babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mine

Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko talaga inexpect na ganito makikita ko.

Now you want to be free
So I'm letting you fly
Cause I know in my heart babe
Our love will never die
No!

Dee gave the flowers and kissed me on my nose. Tawang-tawa siya nang tumingin siya sa mukha ko. Alam ko namang nanlalaki na iyong mga mata ko sa gulat. Feeling ko nga sobrang pula ko na dahil bukod sa kinikilig ako, maraming estudyante ang nakiki-usyoso sa may bintana.

Just by the Window (COMPLETED)Where stories live. Discover now