Chapter 29

62 11 0
                                    

I'm on my way to Batangas. School bag lang iyong dala ko and I'm still wearing my school uniform. Iniwan ko na rin iyong phone ko kay Olivia para ipabigay kay Mommy. Sinabihan ko rin si Olivia na wala siyang ibang pagsa-sabihan kundi si Mommy lang. Na gusto kong mag-stay muna kay Dad.

Dee's right. I really have to think of what should I supposed to do. Pero kung nandoon pa rin ako sa ganoong environment, wala rin. So, naisip kong mags-stay muna ako kay Dad. I'm sure naman na suspended na talaga ako. Kaya why waste the chance? Besides, mas manlulumo lang ako kapag nakita ko si Dee.

I can't believe were done now. Hindi naman maikli iyong three months namin since maramig memories na rin iyong nangyari—to the point that I decided not to bring my phone with me dahil panigurado naman akong mas lalo ko lang mami-miss si Dee since ang dami naming pictures doon. Kasi kung dadalhin ko rin naman iyon, wala rin akong balak i-delete iyon. Bibili na lang siguro ako ng bago pagdating ko sa Batangas.

That freak Karen. I don't really understand her objectives for me. I may be stupid for realizing too late that I know for sure, she did that because she only wants to trigger my anxiety. Napaka-pointless ng mga pinagsa-sabi niya sa'kin. Ang laki ko lang tanga dahil napikon naman ako. Sobrang sarap niya kasing sampalin, e. What more annoying is the thought that she knows that my arms are my weakness.

Nang makarating ako ay agad kong pinuntahan iyong address na binigay ni Dad. Nakausap ko pa kasi siya nung last day nung time na pumunta kaming private resort nina Xyll. He gave me his address para in case na gusto ko siyang puntahan, I can go whenever I want.

"Dad?" sambit ko habang naglalakad palapit sa color pulang gate.

"Tori?" I heard Dad response. Maya-maya ay bumukas na iyong gate. "What brings you here?" tanong niya habang naka-tingin sa suot ko. "May problema ba sa bahay?"

Umiling lang ako bilang sagot saka siya niyakap. "I miss you, Daddy!"

Napa-kalas naman ako nang mapansin ko iyong bahay na tinitirhan niya. Kumunot ang noo ko. Ang ganda ng house niya! "Did you just hire an architect?" I asked him as I walk towards his house. Pati iyong ground ay super green. Hindi mo talaga ie-expect na ganito kaganda iyong loob ng lumang gate na iyon!

"Uh, yes... Actually, this was supposed to be yours, my gift for your 20th birthday... but you know, things happened."

Malungkot na lang akong ngumiti kay Dad dahil hindi ko naman alam kung ano bang sasabihin ko. Sobrang nasasaktan ako sa mga nangyayari sa family ko.

"What brings you here?" Dad asked.

I don't know what to reply. I couldn't even find the right words to say. Parang nama-manhid na ako sa rami nang nangyayari. Walang pumapasok sa isip ko na kung ano. Basta nandito ako dahil ito iyong gusto kong mangyari ngayon.

"Naka-uniform ka pa," he added.

Naglakad na kami papasok ng bahay. Itinour niya muna ako sa bawat kwarto. Hindi ko tuloy maiwasang maluha sa saya. Iyong thought kasi na pinagawa niya 'to para sa'kin ay sobrang touched na touched na ako.

Dalawang kwarto iyong meron sa bahay. Iyong isa is master bedroom at iyong isa naman ay guest room—which is pagtu-tulugan ko ngayon. Nagpalit muna ako ng damit bago ako tumungo ng kitchen para kumain.

"Na-miss ko 'yung luto niyo, Dad," sabi ko nang maupo ako sa tapat niya. Fun fact: si Dad pa iyong nagluluto kaysa kay Mommy. How I miss my family so much. Iyong tipong hindi mo talaga maiiisip iyong mali dahil sobrang saya.

Nagdasal muna kami bago kaming nagsimulang kumain. Sobrang nakaka-panibago nga dahil kaming dalawa lang iyong nandito. Ang tahimik. Parang mas lalo ko tuloy nami-miss iyong mga panahon na magkasama pa kaming tatlong kumain. Tapos iyong maid namin na si ate Neneng na mahilig mag-entertain habang hinihintay kaming matapos.

Just by the Window (COMPLETED)Where stories live. Discover now