Chapter 03

174 17 11
                                    

Nakangiti akong pumasok sa classroom. Since hindi na namin kaklase iyong girlfriend ni Xyll ay bumalik na rin siya katabi ni Dee. "Good morning, Dee!" sabi ko sa kanya na siyang tinanguan niya lang. Medyo nagulat ako. "Seryoso? Hindi mo na ako ni-ilingzoned?!"

Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Natawa naman si Drex at Xyll. "What the hell are you saying?"

I blinked twice to see if this is really happening. "Grabe? Kinakausap mo na rin ako?"

Anong meron? Bakit biglang may himala na naman?

"Tori, may naghahanap sa'yo!" napalingon naman ako sa pintuan nang isigaw iyon ng kaklase kong si Harry. Nakita ko na may dalawang lalaking nagtutulakan pa roon kaya ako na ang nagkusang lumapit.

"Yes?" Pareho silang napatayo ng tuwid nang makita ako. Maya-maya ay may iniabot iyong isa sa akin na isang maliit na box.

"P-Para sa'yo..." aniya pa.

I smiled at him. "Thank you. What's your name?" I wonder what course do these guys belonged. Mukha pa silang mga high school students.

"Jovanie po," sagot niya saka napakamot sa batok. Napailing na lamang ako.

"So, you're giving this to me because?"

Tumingin si Jovanie sa kasama niya. I smiled at him, too. "Bahala ka d'yan! Sinamahan lang kita dito," sagot niya kay Jovanie.

"Ah, ano kasi—"

"Wow, sana all!" pati ako ay nagulat sa biglang pagpasok ni Drex sa eksena. Agad ko naman siyang hinampas dahil sa ginawa niya.

"Ah... may boyfriend na po pala kayo," sabi pa ni Jovanie.

Sasagot na sana ako nang unahan ako ni Drex. "Oo, nasa loob. Hinihintay na nga siya, e."

Napairap na lang ako.

"High school pa kayo, 'no?" tanong pa ni Drex.

"Senior," Jovanie response.

"Crush niyo ba 'tong babaeng 'to?"

Matapos itanong ni Drex iyon ay tinulak na naman nung isa si Jovanie. Ano ba 'tong magkaibigan na 'to.

"Kasi kung oo. Huwag na. Masasayang lang oras niyo. Tipo nito e 'yung walang pake sa kanya," muli ko namang hinampas si Drex sa sinabi niya.

"Huwag kayong maniwala—"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang biglang may nag-abot sa akin ng papel sa mismong pagmu-mukha ko. Pagtingin ko, si Dee pala.

Kinunotan ko siya ng noo. "Ano 'to?" tanong ko saka kinuha iyong papel.

"You should start researching instead of chitchatting with the high school guys."

I scoffed. "Wait, what? Are you jealous?"

He frowned. "You wish," aniya saka bumalik na sa loob.

Nagpaalam na sina Jovanie saka naman ako napatingin sa papel. "Ano ba 'to? Bakit puro instructions?" tanong ko habang binabasa iyong mga nakasulat. Tumingin ako kay Drex. "Your friend's so weird."

"E, diba kayo 'yung pair?" he said, emphasizing the word 'pair'.

Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman. "So, partners kami? Oh, my gosh. He just said kaya na claim my first rejection!"

"Sabi ko naman sa'yo. Magtiwala ka sa pagka-broken hearted niyan. Malamang takot lang 'yan bumalik sa kanya 'yung rejection."

Sabay na kaming pumasok ni Drex. Bina-backstab lang namin si Dee nang makaupo kami sa upuan namin. Nalaman ko na nagmessage daw kahapon sa kanya si Mary. Nagso-sorry na raw sa kanya. Medyo nakaka-tawa lang kasi nagso-sorry lang naman kasi ayaw nang makipag-balikan sa kanya. Dee asked kasi, e. Ang martyr lang. Dapat sa kanya tanggapin ako, e.

Just by the Window (COMPLETED)Where stories live. Discover now