Chapter 09

112 16 0
                                    

TGIF! It's been a week since Deandrew brought me at the hill. Sobrang memorable talaga para sa akin iyon. Hindi ko aakalaing makakaranas ako ng ganoon. It was not my first date tho, but the first kind of date... it felt like my heart was being charged in a full battery. It cheered me up.

Simula nung mga araw na iyon ay mas napapalapit kaming dalawa ni Dee. Hindi na siya iyong tipong sobrang sungit sa akin. I mean, hindi naman talaga siya totally masungit, hindi ko lang siguro nakakalimutan iyong mga panahon na mga bata pa kami.

Sa mga araw na nakalipas, lagi na akong nakaka-sama sa mga gala nilang apat—Dee, Drex, Xyll and Demi. Hindi naman masyadong mahirap kasama si Demi, siguro we are just completely opposite kaya I could tell na hinding-hindi talaga kami magiging friends. Si Olivia naman pinapaubaya na ako kay Dee, gusto niya raw muna humiwalay sa akin para chance ko na kay Dee. Parang tanga.

Nang papalapit ako ng classroom ay saka kumunot ang noo ko nang makita ko si Dee sa labas na parang may ka-call. Nang makita niya ako ay kumaway siya at ngumiti kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

"Yea, how are you there?" agad na kumunot ang noo ko nang sa pagpasok ko mismo ng classroom ay saka ko narinig ang sinabi niya. His voice sounds so happy. Sino kaya ang kausap niya? Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan ka-saya.

"Sinong kausap ni Dee?" tanong ko kay Drex nang makaupo ako sa upuan.

"Mary," he replied habang ngumuya ng chips na kinakain niya.

Parang may kung anong tinik na bumaon sa puso ko. Nagka-balikan na ba sila?

I took a deep breath. Hindi ko alam. Parang biglang nahirapan akong huminga.

May mga kung anong biglang pumasok sa isip ko kaya wala sa sarili akong napailing. Nandito na naman... I hate this part of me. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sobrang random talaga ng mga naiisip ko. Nakakapagod unawain.

"Are you okay?" tanong ni Drex.

Napahawak ako sa batok ko. Ang uncomfy talaga. "Yea," I said and smiled.

"Huwag ka na dyan kay Dee," biglang sambit ni Drex. "Seryoso, paaasahin ka lang niyan."

Kinunotan ko siya ng noo. "Why? He's just my happy crush."

"He'll take that as an advantage."

"Huh?" takang tanong ko. "What's with that serious face, Driano Extanio?"

"Yuck! Huwag mo nga akong tawagin niyan," natawa naman agad ako nang nagreact siya. Grabe, madilim na nga aura ko tapos dadagdag pa itong si Drex.

"Where's Xyll, anyway?" tanong ko.

"Malay ko. Ngayon lang naman umabsent 'yon," sabi niya pa. "Tsaka seryoso ako ro'n sa sinabi ko, ah. Ayoko lang na umasa ka kay Dee. Laging hindi 'yan sigurado sa buhay."

"Nagka-balikan ba sila?"

He shrugged. "Ewan ko. Pero baka papunta na rin do'n."

"Ang gulo nila. Kailan ba sila nagsimulang mag-usap? Bakit parang ang saya naman nung singkit na 'yon?"

"Isang araw pa raw. Hindi niya sinabi sa'min kasi nga alam niyang magagalit kami. Medyo marupok din 'yang tangang 'yan, e. Kaya ikaw, stop mo na 'yang crush-crush mo na 'yan. Lalo pa na mas nagiging close kayo, e baka instead na happy crush lang 'yan biglang lumalim."

I just smiled at him in response. Hindi naman ako umaasa kay Dee, e. Marami pa akong dapat na isipin kaysa roon. He's just my distraction. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit parang ang bigat sa pakiramdam?

Hindi rin naman tumagal si Dee sa labas. When he entered the classroom, halatang-halata talaga sa mukha niya na he's satisfied. His smiles... the fucking mood of him... na hindi ko man lang nakita noong mga araw na magkasama kami. Ganoon na lang ba ang epekto ni Mary sa kanya?

Just by the Window (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon