Chapter 20

71 13 0
                                    

Nang masiguro naming umalis na iyong tatlong guys ay saka kami lumabas. Gosh! I thought I'm going to be kidnapped. I should've stayed inside instead. I'm still shaking right now. Mabuti na lang talaga at hindi sila nagtangkang hawakan ako. I'd be triggered.

"Ano nang gagamitin ko pauwi?" I asked Chester since hindi ko naman muna magagamit iyong kotse ko.

"Sumabay ka muna sa'kin."

Agad na kumunot ang noo ko. "What? No!" Dee would be mad. "Wala naman na sila, baka pwede ko nang gamitin."

"Uuwi ka na ba?"

"Hindi pa."

"Wala ka bang kasama?" tanong ni Chester.

Umiling ako. "They're all watching the game."

"Boyfriend mo?"

"Boyfriend?" At ano na naman bang issue ito?

"Si Dee," sagot ni Chester.

"He's watching. And, he's not my boyfriend," sagot ko. "I gotta go," akmang maglalakad na ako papuntang kotse ko nang pigilan niya ako.

"Ako ang sasama sa'yo."

"Dee doesn't even want me to talk with other guys," mabilis na sagot ko saka naglakad na. Naramdaman kong sumunod naman siya. "Huwag mo 'kong sundan. I don't want us to fight."

I heard him chuckled. "Hindi mo naman boyfriend. Ba't naman ganun makapagsalita nun? Tapos ngayon na kailangan mo nang kasama, wala? Sino siya?"

I stopped from walking and faced him. "He's mad at me, alright? Happy?"

Kumunot ang noo niya. "Nasa'n ba 'yung singkit na 'yun?"

"Nevermind. Just stay away from me. Besides, baka may makakakita naman sa'tin at mas lalo pa akong mapapahamak."

"Hindi. Sasama ako sa'yo."

"E, ayaw ko ngang mag-away kami, e! Support ka na lang as my friend," sabi ko saka padabog na naglakad muli.

"Jusko, sinasabi ko sa'yo, hindi magandang tignan 'yang ginagawa niyong dalawa. Bakit naman siya magagalit e hindi mo naman siya boyfriend? Ang toxic, men. Sobra."

"He's courting me, okay?"

"Kita mo, courting pa lang naman pala. Edi dapat gawin mo pa 'yung gusto mong gawin. Hindi ikaw 'yung nanliligaw dito, Tori. Hindi mo pa kailangang mag-adjust. Siya dapat ang maga-adjust para sa'yo," sabi ni Chester. "Isa pa, hindi mo naman maiwasang kumausap ng ibang lalaki diyan. Napaka-siraulo talaga ng gunggong na 'yun."

"But he'll be mad at me."

"So?"

"Anong so? Ayokong magka-samaan kami ng loob."

"Alam mo, papasukin mo na ako sa kotse mo para matapos na 'to. Sa akin ka muna makikinig ngayon kung ayaw mong mapahamak ka. Kung hindi pwedeng si Dee ngayon, ako muna. Huwag mong isiping magagalit siya. Isipin mong mabuti kung anong pwedeng mangyari kapag lumabas ka nang walang kasama. Sarili mo 'yung isipin mo, Tori."

I sighed. Hindi na ako nagsalita. He's right. He's still courting me and he should be the one to adjust first. Kung magagalit man siya sa'kin ngayon, makakapag-explain naman ako.

Sumakay kami ng kotse ko—hoping na sana wala na namang gangster ang makakakita sa amin. Wala naman din akong problema kay Chester. Honestly, he's just like a brother to me. Na-kuwento nga pala nito sa'kin na he's 2 years older than me.

"Xandra's your ex pala," sabi ko habang nagmamaneho.

He just chuckled. Naghintay ako na sumagot siya pero iyon na lang talaga iyong nai-response niya.

Just by the Window (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora