Chapter 16

90 16 0
                                    

Normal days has passed. Ang daming pagba-bago na nangyari sa mundo ko. It feels like I changed a lot. Nakilala na rin kung sino iyong nag-upload nung video sa socmed. Wala naman talaga akong pakielam do'n. I'm used to it since I was in Davao pa. I was really a meanie back then. Siguro iyong ngayon ay medyo na lang. Well, Deandrew Evan Wong is the key!

Speaking of. Parang ang gaan lang sa loob na si Dee iyong naka-kasama ko lagi. Maging sa pagkain sa labas or somewhat basta lagi niya akong niya-yaya. I really could see that his behavior changed towards me... simula nung na-ospital ako because of over-fatigued.

Isa pa, hindi na rin ako masyadong matatakutin. Nala-labanan ko na rin iyong mga traumas ko. Like, I don't worry anymore, because Dee's always there for me to make me remember na may tendency talagang mangyayari iyong mga bagay na kinata-takutan ko kapag iniisip ko pa. Siyempre natakot ako sa thought. Kaya hindi ko na lang masyadong iniisip.

Si Mommy naman ay medyo okay na. Nagwo-work out na rin siya. Pero hanggang ngayon, iniisip ko pa rin iyong sinabi sa akin ni Mommy kung bakit lalayuan ko si Dee. Okay naman si Dee... Hindi ko rin siyang kayang iwasan because he became my medicine. Kung hindi dahil sa kanya, baka mas lalong lumala iyong anxiety ko. Ayoko namang ma-depress ako nang tuluyan.

Si Olivia naman hindi ko na masyadong naka-kasama. Sobrang hassle kasi sa engineering ngayon. Si Olivia stress na stress na kasi ilang beses na siyang umulit do'n sa plate niya. Midterms na rin kasi, level up iyong paghi-hirap. Ako nga suma-sakit na iyong ulo ko sa Accounting, e. Pero keri lang naman. Lalo na't nandyan si Xyll—ang savior naming lahat kapag wala kaming naiintindihan.

"6PM, okay?" paalala ni Xyll habang nagla-lakad kami sa hallway. Birthday kasi ng kapatid niyang si Xandra—which is one of my bestie rin nung mga bata pa kami.

"Basta hindi ako sasama," sambit pa ni Demi kaya napairap na lang ako. Ang KJ niya talaga when it comes to Xandra. Kinwento kasi ni Drex na mortal na magka-away talaga 'yang silang dalawa. Kung sa bagay naman kasi hindi rin talaga sila magkaka-sundo. Xandra's super girly, si Demi naman boyish.

"Love?!" sita sa kanya ni Xyll.

"Ano?" simpleng sagot sa kanya ni Demi.

Nag-away lang silang dalawa kaya napatingin ako kay Dee sa tabi ko. Tahimik lang din siyang naglalakad na animo'y walang couple-war na nagaganap sa tabi namin.

"Immune?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin.

"What?"

"Madalas bang nag-aaway 'yang dalawang 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Yea? Maybe because they're just complete opposite."

E, tayo rin naman—gusto kong sabihin sa kanya. Kaso baka biglang totohanin, e. Medyo close naman na kami kaya awkward na kung aasarin ko pa siya tulad ng dati. Baka this time, tuluyan na akong iwasan, e.

"Ah, kaya siguro love nila isa't isa."

"Do you believe that opposites attract?"

Mabilis akong tumango, sasabihin ko pa sanang "tayo" kaso nga baka biglang seryosohin.

Grabe, hindi ko inexpect na ganito rin pala ang ending ko kapag pinapansin niya na ako!

He scoffed. "Well, I don't."

"Bakit naman?"

"Because people tend to be attracted to those who are similar to themselves. Personal contrasts tend to stand out and become bigger over time," sagot niya.

Just by the Window (COMPLETED)Where stories live. Discover now