Chapter 34

50 10 0
                                    

What Mr. Wong just told me made me decide to go back here in the Philippines. Kailangan kong makausap si Dee. Sapat na iyong tatlong araw kong pags-stay doon para makapag-isip ako. Sana nga lang ay hindi rin siya galit sa'kin. Kasi gusto ko na talagang tapusin itong agony na 'to. It's really exhausting.

"Okay ka lang ba, Tori?" Mom asked upon seeing me. Kumunot naman iyong noo ko nang mapansin kong nagluluto siya. "I made a breakfast for you," she said, smiling.

Umupo ako habang nag-aayos siya ng mga pagkain sa mesa. There's a sunny side-up, scrambled egg tapos nilaga, bacon and hotdogs. Nagluto rin siya ng fried rice tapos may orange juice pa. This is just wow. "Are you celebrating something?" I curiously asked.

Mom chuckled. She walks towards me and kissed the top of my head. "No, Darling. It's my responsibility."

I creased my forehead. "Responsibility, what?"

"You seems upset. It's obvious that you're not okay. I hope this would cheer you up," she beams.

Ngumiti na lang ako saka nagsimulang kumain. Sino ba naman kasi ang hindi mas-stress sa lagay na punung-puno ka na ng sikreto. Ang daling sabihin pero ang hirap simulan. Lalo na kay Mommy. Para akong maba-baliw kapag sinabi kong nag-break lang naman kami ng anak ng first love niya; na kaibigan ko lang naman iyong anak nila.

Tama ba na nalaman ko pa 'to? Tama ba na makialam pa ako? Tahimik naman na ang issue na iyon kung ilalabas ko pa ulit. Pero kung ganun, paano naman si Chester?

Pagkatapos kong kumain ay (in fairness) hinatid ako ni Mommy sa labas. I find it really weird. Hindi naman kasi talaga siya ganun ka-sweet... Baka naman alam niya nang alam kong may tinatago siya? Na nagkaka-ganyan siya ngayon para hindi ko siya maayawan?

"Oh, come on, Tori. She's still your mom," sabi ko sa sarili ko habang nagma-maneho papunta ng school.

Hindi na lang ako nag-isip nang kung anu-ano dahil baka bigla pa akong maaksidente. Tsk. Ang saya ko nga dahil medyo nakaka-recover din ako from anxiety kahit papa'no. Tapos bigla pang pumasok iyong ganitong problema—na sabi nga naman ni Jeric, maliit lang ang mundo para sa taong naniniwala sa tadhana. But these destinies hinders us from each other.

Pagdating ko sa school. Pansin na pansin ko ang tingin sa akin ng ibang estudyante. They're all glaring at me and it makes me even more uncomfortable. Parang gusto ko na lang umatras at umuwi na lang sa bahay. Hindi talaga kakayanin ng anxiety ko iyong mga tingin na binibigay nila sa akin.

"Tori!" Naagaw ng pamilyar na boses na iyon ang atensyon ko. Nang tumingin ako sa likod, si Joanna na naka-ngiting tumatakbo palapit sa akin. "Sabay tayo!" masaya niyang sambit saka hinawakan iyong braso ko. Medyo maliit kasi siya compare sa'kin kaya mukha siyang batang nagpapa-tulong tumawid.

But Joanna? We're not really close tho. Pero ang saya sa feeling na may isang ngiti ang bumungad sa'kin. It's flattering.

"Buti pumasok ka na," sambit niya habang naglalakad kami.

"Y-Yes? B-Because I'm supposed to?" nagtatakang sagot ko.

"Ah, ang dami mo kasing na-miss na quizzes. Baka mahuhulog ka sa ranking niyan."

I faked a smile. "Aanhin ko naman 'yung ranking kung sira naman 'yung mental health ko..."

"Kung sa bagay..." sabi niya pa.

Nang makapasok kami sa classroom ay bumilis iyong tibok ng puso ko sa kaba nang makita ko iyong apat. Ang tanga lang kasi ngayon ko pa naisipang pumasok kung saan Accounting iyong unang subject ko.

"J-Joanna... may katabi ka ba sa upuan mo?" tanong ko sa kanya nang akmang bibitaw na siya sa braso ko.

Sumulyap siya sa gawi nina Dee saka siya malungkot na ngumiti sa akin. "Miss ka na daw ni Drex."

Just by the Window (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz