Chapter 26

64 11 0
                                    

It's been a month. Time flies so fast. Parang kahapon lang e pasko pa, tapos ngayon nagre-ready na kami sa papa-lapit na prelims. Bilis talaga umatake ng school works, ano. Ayaw pa-kalimot. Mas dumagdag lang iyong pressure ko kasi kailangan kong panindigan iyong pagiging dean's lister ko last sem—it's so freaking glad to know na pasok kaming apat. Lalong-lalo na si Demi na pasok sa first honors ng BSA. Sobrang proud na proud talaga si Xyll kaya ang romantic lang nung pa-surprise niya.

Sana all.

Nung Christmas ay kasama ko si Dee. Dinala niya akong Tagaytay para doon mag-celebrate. Sandali lang kami do'n because Dee doesn't want to stay there with me—baka raw kasi may mangyari pa na kababalaghan. Ang arte naman nun, willing din naman akong ibigay sa kanya iyon, e.

But seriously, I can't still get over with his tattoo. Hindi ko talaga inasahan iyong mga sinabi niya sa'kin pagkatapos ng laro. Sobrang-sobrang nagulat talaga ako sa mga inamin niya—like saka pa nag-sink sa utak ko na kung sino man iyong bato sa aming dalawa... all this time, ako pala...

"Hey, still shocked?" naka-ngiting tanong niya sa'kin habang nagla-lakad kami sa seashore.

Tumango ako. Hindi ko magawang magsalita... gosh, I hate how pabebe I am today! Parang bigla akong nanlambot sa nalaman ko.

Niyakap niya ako saka hinalikan iyong tuktok ng ulo ko. "Parang bigla kang tumahimik, ah."

Hinampas ko siya. "Ikaw kasi, hindi ko naman kasi inexpect 'yun!" halos mangiyak-ngiyak na sagot ko. "Grade 10? Nandito pa ako nun, right?"

"I was really mad at you when I heard that you're leaving. I was planning to confess. But you didn't give me a chance."

Umawang iyong labi ko. "Kailan nga ba kasi? So, ibig sabihin ba talaga, mag-M.U tayo dati—without me knowing?"

"Sort of. It was all started when we're in 8th grade."

"Seryoso ba 'yan?!"

He chuckled. "But I hate you at the same time. Sobrang kulit mo kasi, nakakainis."

"Kasi nga gusto kong pansinin mo 'ko! Alam mo ba 'yung nakaka-gulat na lang talaga na ngayon ko pa malalaman?" sagot ko naman. At saka hindi ko rin naman malalaman dahil ini-ignore niya talaga ako. Posible pala iyong ini-ignore lang iyong crush?!

He shrugged. "Well, I just like the idea of watching you from afar. Marami rin namang nagkaka-gusto sa'yo dati."

"Pero ikaw naman 'yung gusto ko. Kung sana umamin ka kaagad, high school sweethearts na sana tayo."

"Told you, I'm scared. Traumatized. Nakikita ko pa lang na tina-tanggap mo rin 'yung mga nare-receive mo, gusto ko nang umatras. And we're still young that time... Mas gusto ko 'yung Tori Chen ngayon."

Feeling ko biglang naging heart-shaped iyong mga mata ko. "Talaga? What makes you think na magka-iba 'yung high school Tori sa Tori ngayon?"

Two years lang naman akong nawala. So, parang fresh pa rin naman...

"High school Tori is kinda... childish, immature, selfish... 'tsaka maingay. Sakit sa tenga."

I glared at him. "Maka-sakit ka sa tenga, ah?"

He chucked and hugged me from behind. "But the kind of Tori today made me even fall harder for her... I really thought she was so immature... involving herself in a trouble or a troublemaker... but as the time passes by with you, I started to notice a lot about you." Kumalas siya sa pagkaka-yakap saka pumwesto sa harap ko. Hinawakan niya iyong mga kamay ko saka ito hinalikan. "Honestly, you really have this something that I know for sure, I am the only one could understand... I just can't explain it. It was like I just saw your soul... just by the eyes."

Just by the Window (COMPLETED)Where stories live. Discover now