Chapter 02

190 16 11
                                    

Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang pinansin ako ni Dee kahapon. Gosh! Kahit na isang simpleng 'you okay' lang talaga iyong sinabi niya kahapon, iba rin iyong naging epekto sa'kin no'n.

I didn't get the chance na itanong sa kanya kung bakit niya ba natanong iyon. Tinted naman iyong kotse ko kaya medyo nakakapagtaka. Also, I was smiling the whole time yesterday. Kaya medyo questioning talaga siya.

Nandito ako sa University Canteen kasama si Olivia. Nandito rin si Dee, Drex at Xyll na nakaupo roon sa dulo. May kasama silang ibang friends. They look so happy—even that coldest one is smiling. I hope soon magawa niya rin iyan mismo sa harap ko. Ang cute kaya ngumiti ni Dee!

"Usog na. Ano ka ba." Natauhan namana ko nang bigla akong sikuhin ni Olivia. "Focus ka nga sa line, baka mamaya biglang may si-singit. Ang init kaya rito!"

Hindi ko na ako sumagot. Sinunod ko na lang siya at saka muling napatingin kung saan nakaupo sina Dee. "Oh? Gusto mo na ring sumali sa friendship nila?" rinig kong usal ni Olivia sa likod ko.

I took a deep breath. "How I wish he could smile at me like that."

"Hayaan mo na. The important right now is he asked you if you're okay. At least nalaman mong concern siya, diba?"

Sa wakas ay nakabili rin kami ni Olivia ng makakain namin. Hindi talaga ako sanay kumain sa mga canteens. Sobrang init. But since dito natambay si Dee, edi dito na rin ako.

"Hi, can I join?" lakas-loob kong sabi nang maka-lapit ako sa table nila.

"Oh, sure—" sagot pa sana ni Drex nang biglang may sumingit na isang babae.

"Wala nang space."

Napa-simangot na lamang ako. If hindi lang talaga naka-upo sa harap ko si Dee baka nasabunutan ko na 'to. Baka ito sisira sa plano ko. "Care to get out? Para may space," nakangiting sagot ko sa kanya.

Umawang ang labi niya. Hindi niya rin siguro inexpect na sasagutin ko siya. Duh! As if naman hahayaan ko na lang aapihin ako sa harap ni Dee. Huh, she has the guts ha.

Magsasalita na sana siya nang pigilan siya nung isang babaeng katabi ni Xyll. Kaya wala siyang nagawa kundi ang irapan ako—so ginawa ko rin sa kanya.

"Ah, mawalang galang na, Miss, ah? Nakita mo namang walang space 'di ba?" anito tapos tumingin sa paligid. "Ayun, oh. Meron naman do'n. Isa pa, hindi ka naman namin kilala."

I scoffed. "Seriously—" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla akong hilahin ni Olivia palayo. "Ano ka ba! Don't let anyone conquer nga diba!"

"Sira! Kung 'yung iba e manghang-mangha sa kabaliwan mo, si Dee, hindi. I bet na na-turn off na 'yun sa'yo."

"Wala pa naman akong sinasabi. Sila nga 'yung inaapi ako."

Olivia rolled her eyes at me. "Wow, ah. So feeling victim ka na ngayon? Nakita mo ngang walang space, tapos sisingit ka pa."

Sabay kaming umupo ni Olivia sa vacant table na tinuro no'ng isang babae. Tsk. Dalawang taon lang naman akong nawala.

"Hi, Tori." Napaangat ang tingin ko sa harap.

"Oh, hi," I response to the guy. I glanced at Olivia and she just arched her brow. Who is this guy? Hindi ko pa 'to nakita nung enrollment days.

"Can I have your number?" he said and lends his phone to me. Kinuha ko naman iyon saka nilagay iyong number ko roon at binalik din agad sa kanya. "Thank you, but mind if I ask you to go out with me?"

Napatalon ako sa gulat nang biglang umubo si Olivia. Agad kong kinuha iyong bottled water niya. Habang binubuksan ko iyong bottle ay napapansin kong pinalilisikan niya ako ng mata. I rolled my eyes at her since I know that she's referring about the guy. Hindi naman kasi bago sa'kin 'to.

Just by the Window (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon