"kung ganon, sasamahan nalang kita. hindi nalang ako uuwi." sabi niya sa akin at napatango nalang ako.

"kung ganon.. tara na?" aya ko sa kanya at napatango lang naman siya. tsaka sabay na kaming pumunta doon.

- ☆ -

nandito na kami sa loob. may mga kasama din kami dito pero magkakaiba lang kami ng tables dito. medyo malawak dito sa loob.

"buti naman nakapagpahinga ka na?" sabi niya sa akin habang kumakain ng biscuit. nagmemeryenda kasi kami ngayon.

napatango lang naman ako, "oo nga naman. pero mamaya, aasikasuhin ko naman siya doon." sabi ko sa kanya. "eh ikaw? kamusta pasyente mo?" tanong ko sa kanya.

ngumiti naman siya, "yun nga jaem eh, good news. magaling na siya. dalawang araw nalang, lalabas na siya dito. sobrang nagtagal siya dito sa mental, pero sa wakas.. gumaling din. ang saya lang." sabi niya.

napangiti naman ako sa kanya, "wow.. kung ganon congratulations at gumaling na siya. ano nga pangalan nun?" tanong ko sa kanya.

"eunbi." sagot niya at napatango naman ako.

"alam ko ang sobrang saya ng mga magulang niya dahil nakasurvive siya sa stage na yan." nakangiting sambit ko sa kanya.

"ako nga din eh. ang saya ko nga din. nakatulong din pala ako sa kanya." sabi niya.

natawa naman ako sa kanya, "syempre.. magaling kang psychiatrist eh." pagmamalaki ko sa kanya at nag-apiran lang naman kaming dalawa.

yung patient kasi ni jeno na si eunbi ay nabaliw ng dahil sa video games. babae pa yun ha? obsess na siya sa pagkapanalo at ayaw niyang matalo kahit ni isang beses dahil gusto niya nga.. panalo siya lagi.

kapag natatalo siya, nagagalit siya. inuubos niya daw ang oras niya sa video games para lang manalo siya. hindi na daw kumakain at natutulog. ayun, nababaliw na siya kapag natatalo siya. sinusubukan naman siyang pigilan ng magulang niya.. tapos ayun nagsimula na.. nananakit na siya kasi mas pipiliin niya pa daw maglaro kesa sa magulang niya. pinagsasalitaan niya na din ng masama yung magulang niya.

nakwento nga sa akin ni jeno noon eh, balak patayin nung eunbi yung classmate na nakalaro niya sa video game din. kasi natalo siya nun at ayaw niya talagang tanggapin na nanalo yung kaklase niya. balak niya talagang patayin ng dahil sa natalo lang siya sa laro. grabe yung epekto ng video games sa tao.

masama maadik diyan dahil binabago yung emosyon niyo. wag nalang maglalaro kapag pikon matalo, di'ba? tsaka kapag naglalaro ng video games, dapat may limitasyon at wag malulong doon.

kaya mental yung nabagsakan niya. pero tulad nga ng sinasabi ni jeno, magaling na siya. mabuti nalang nga gumaling na siya eh. medyo matagal na din yun dito eh.

"eh ikaw? kamusta naman yung patient mo? yvonne ba.. yun? balita ko yun daw ang pinakagrabe na patient dito eh." sabi niya.

napangiti lang ako, "ayos naman siya, jeno. yun lang, may mga oras talaga na nababaliw siya at minsanan lang siya tumitino. pero okay na din yun.. tinutulungan ko naman siya at minsan.. nakikinig naman siya." sagot ko sa kanya.

napatango-tango lang naman siya, "ganyan talaga.. dahan-dahan lang naman. unting-unti na yan eh. gagaling din yan." nakangiting sambit niya sa'kin.

"alam ko.. nahihirapan at hindi pa siya nalilinawan sa mga bagay bagay eh." sabi ko.

"ano nga ulit yung reason kung bakit siya nabaliw?" tanong niya sa akin.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now