Chapter 67 "The Wedding with more bukingans"

590 21 2
                                    

"Kung noon,pinakasalan kita nang di tinatanong. Ngayon, tatanungin kita sa harap ng mga kamag anak at pamilya mo na kung pwede pakasalan kita ulit sweetheart,."

***********************************

"Mom....".

"Dad....".

Mahina at gulat ko na lingon sa dalawang sumabay at humawak sakin magkabilaang braso.

Ssssshhhh.
Smile princess.Nakangiti na utos ni daddy sakin.

Sayang ang make up ng baby ko pag natuluan ng luha mo.Napapahikbi na wika naman ni mom sakin.

You're so beautiful my princess.
Happy Birthday and goodluck hangad ko ang lubos mo na kaligayahan sa buhay nak.

Malambing at banayad na wika ng aking mga magulang na kasama ko naglalakad ng marahan papunta sa gitna na kung saan may naka set up ng upuan pang prinsesa at pang prinsipe.

Habang naririnig ko pa din ang masarap sa tenga na tugtog ng aking paboritong kanta.

Thank you mom,.
Thank you dad,.

Goodluck ? Para saan po?
Nagtataka ko na tanong sa mga ito.

Later.
Malalaman mo baby. Magkasabay na wika ng mga ito sakin habang di matatawaran ang kaligayan at mga ngiting nakalatag sa kani-kanilang mga mukha.

Habang palapit na kami sa gitna nang bigla akong nagulat sa biglaan paglabas ni virgil sa kung saan habang hawak sa kanan kamay ang microphone.

At marahan itong naglalakad pasalubong samin tatlo. Habang tangan niya sa kanan kamay ang mikropono.At nakangiting nakatitig sakin. Na tila ako lang ang nakikita niya sa paraan ng pagpukol niya sakin ng titig na iyon.

Ang pogi ng aking virgil sa suot niya tuxedo lalo pa itong naging gwapo pagmasdan.

Malakas ang kabog ng aking dibdib.
Maging ang paghikbi ni mom ko sa aking tabi ay nadinig ko.

Nanlalamig ang aking mga kamay maging ang aking paghakbang ay naging mabagal dahil sa pangangatog ng aking dalawang tuhod. Na pakiramdam ko'y tila nalumpo ako ng ilan sandali.

Di ko alam kung bakit, baka sa sobrang kaba nararamdaman ko,o sa tuwang di ko maihahambing sa mga masasayang nangyari sakin noon mga nakaraan panahon at siguro'y sa excitement na din.

Napakapit ako kina mom at dad ko ng mahigpit.

At nang makalapit na si virgil samin ay nagmano ito sakin mga magulang.

Natigil ang paghakbang namin sa ginawang pagsalubong ni virgil.

Napayuko ako. Di ko alam basta masaya ang aking puso sa ginawa niya iyon. Pinigil ko ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.

"Sweetheart, Happy Birthday and Happy Anniversary satin dalawa .!!!"

Bagay sayo ang damit mo sweetheart,
You are so beautiful in what you are wearing right now,my dearest wife.
Buti nalang magaling ang gumawa niyan.Di halata si baby junior ko sa tummy mo. Nakangiti nitong nguso sa aking kasuotan.

Naramdaman ko ang mataktikang pag alis ng aking mga magulang sa tabi ko.

"Naiwan kaming dalawa ni virgil sa gitna".

Anong pakulo na naman ito mister,?
Tanong ko sa kanya. At nakangiti ko siyang inirapan. At pigil ang mga hikbing nag uumalpas sakin bibig.

Tsaka,may pakanta -kanta kapa nalalaman ha?.
Nanguso't nakangiti kung dagdag na wika dito.

Long Time No See, My Wife (Spg) (COMPLETED) (Un-edited)Where stories live. Discover now