Chapter 48 "Wake Up"

519 23 9
                                    

Aray!!!!
Sakit ng ulo ko.!! Sabay balikwas ko na bangon. At habang hawak ko ang aking ulo ay bigla kong inalala ang lahat. At napatingin ako sa kinalalagyan ko. Tila kinakabisado ko ang kabuuan nito. At pinakiramdaman ko din ang aking katawan kung may nangyari ba. At tingin ko naman okey ako at wala naman kakaibang nangyari. At suot ko pa naman ang kasuotan ko kanina. Medyo napanatag ang aking loob. 

Ha!? Kwa-kwarto!? Te-teka lang..!!!
Naguguluhan ko na tanong sa aking sarili.

Bakit ako andito...? Ang pagkakaalam ko nasa sasakyan ako at kasama ko ang aking kaibigan na si carren.!?

Tama!.Si carren, sabay tayo ko sa kama na kinahihigaan ko. At napaupo ako. Pinakikinggan ko ang kapaligiran.

Mga huni ng ibon, at masarap na hangin ang aking nalalanghap. Fresh air galing sa mga bintana na bukas. Mga dahon ng kapunuan na tila sumasayaw sila dahil sa hangin. Masarap pakinggan kumbaga tila musika ito sa aking pandinig. Nanibago lang atah ako?.

Sabay tayo ko at hagilap ng aking sling bag. Ngunit wala ako nakita na gamit ko. As in, ni isa wala?. Na dala ko from america. Ang pagkakaalam ko may dala ako. At ang phone ko nasaan na.Hays! Sabay kamot ko ng aking noo at tila inaalala ko pa ang lahat bago ako nakatulog.

Grabe ang tulog ko na yun. Dire-diretso talaga. Ni wala manlang ako naramdaman o nakaramdam na may nagbuhat sakin papunta dito.

Palibot-libot ako sa kwarto na kinaroroonan ko. Wala ako makita telepono o anything na pwede ko gamitin na pang communicate.

Maliban sa isang napaka-laking flat screen television na nakaharap sa may kama na hinigaan ko ngayon.

Napahanga ako sa pintura at ayos ng kwarto di siya pang babae at di rin masasabi na panglalaki. Neutral kumbaga. At ang kama king size at ang ganda. Sobrang lambot. At ang bango pa ha. Pang mayaman kwarto sa madaling salita.

May nakita ako isang pintuan. Kaya binuksan ko yun. Wow! Ang ganda ng banyo. So banyo ito. At ang mga gamit sa loob. Napapa-wow talaga ako. Kumpleto mula sa mga shampoo's at conditioners at may feminine wash pa na favorite ko gamitin. Lahat ng mga naroon mga gusto't paborito ko.

Napangiti ako.Infairness itong kaibigan ko. Alam niya talaga mga likes and wants ko about sa girl things. Di nakakalimot.

Pero, teka... Napapaisip na naman ako. "Bakit pati cellphone ko ay wala.
"!. Hmmm. Sabagay,  baka nasa baba at di nalang muna niya inakyat. Kaya mabilis na akong lumabas ng banyo pagkatapos ko makita lahat ng mga naroon.

Ano na  naman kaya ang kababalaghan iniisip ng aking baliw na kaibigan.Himutok ko na sabi sakin sarili.

Malapit na ako sa mag pintuan at pipihitin ko na sana ang doorknob.

It's lock! Naka- padlock?!. Kinutuban na ako nang di maganda.
Di ko alam. Basta i have a feelings na di na magandang biro ito ng aking kaibigan. Lagot talaga ito sakin. Pag nakalabas ako dito at magkita kami.

Car, anjan kaba. Please naman oh, buksan mo ang pintuan. Di na ako natutuwa. Sigaw ko pa at sabay lapat ng aking tenga sa may pintuan at pinapakinggan kong may tao ba sa labas nito.

Wala. Talaga. Napagod at hiningal na ako sa kakasigaw wala talaga ni isang anino na lumapit sa labas ng pintuan.

Bigla ako napasilip sa may bintana. Mataas siya. Ang pagkaka hula ko ay para nasa tatlong palapag ako ng bahay na ito. Base sa taas. Di ako sure pero yun ang hula ko. Kaya di ako pwede bumaba o tumalon. Kasi di ko alam kung pilay o buhay paba ako pag nagkataon na yun ang gawin ko ang naiisip ko.

Ang ginawa ko, nag ikot naman ulit ako. Lahat ng mga cabinet ay pinagbubuksan ko. Ang iba ay may mga lock kaya di ko nakita ang mga laman nito. At may natagpuan ako na cabinet na may laman.Napa wow naman ulit ako. Ang gaganda naman nito. Kaso puro mga sexy nighties lang mga nakikita ko.  Silk ang tela nito. In fairnes may mga tag pa mga ito. At ang mahal base sa tag price na nakita ko na di pa natatangal. Diyos ko sabay takip ng aking mukha. Ang kaibigan ko ay nagsusuot niyo? Sure ba talaga ako sa aking nakikita? Bungisngis ko  pa.

Nawala ang inis at galit ko sa aking nasumpungan na mga sexy na pantulog. Grabe ang kaibigan ko na ito ay! Ngiti ko pa sa sarili ko na sabi.

Pero, teka lang.... Bakit ang mga color na yun ay mga favorite colors ko din. Di naman ganun ang mga gustong kulay ni carren, sa pagkakaalam ko. Hmmm. Sabagay baka nagbago na siya ng taste kasi matagal din kami di nagkita. Kibit balikat ko na sagot sa aking sarili.

Tapos may isa pa cabinet sa may baba. Hmmm. Lagayan ata ng mga undies, at binuksan ko. Tama nga mga undies. Natawa na naman ako. Kasi,paano mga t'back mga naroon. Nagsusuot ba si carren nito!? Mangha ko pa na sabi sakin sarili.

Pailing iling pa ako habang panay padin ang ngisi sa aking mga labi. Nakakapagtaka naman wala ako makita na mga shorts or mga t'shirts. Puro pangtulog lang talaga siya.

Ano matutulog lang ako dito at di na lalabas. Baliw talaga itong babaeng ito. Tsaka, di ako nagsusuot ng ganun. Alam naman ni carren yun. Pinagtritripan ata ako ng loka ko na kaibigan. Grabe makapagtrip ha. Wagas. Himutok ko pa na dugto sa aking sarili.

Bumalik ulit ako sa kama at nahiga. Medyo gutom na ako. Sabay himas ko ng aking tiyan. Wala kasi ako kinain kanina. Nag water lang ako yun bigay ni carren sakin.

Papatayin ata ako sa gutom ng loka ko na kaibigan.Di manlang inisip na gutom na ako. Hays! Di ako mapakali kaya't bumangon ulit ako at naglakad lakad.

Pumunta ako sa isang bintana. At sumilip baka may taong mapadaan at magpapatulong o magtatanong ako kung nasaan ang aking loka -lokang kaibigan.

Ilan minuto na ako nag aantay ngunit wala talagang dumaan na anino. Kahit manlang aso. Walang dumaan. Wala kasi akong marinig na boses ng tao.

Pasma na talaga ang abot ko nito. Sabay himas ko ulit ng aking tiyan at lunok nalang ng aking laway. Nauuhaw na din kasi ako.

Hays! Lagot ka talaga sakin carren pag nakalabas lang ako dito sa room na ito. Nakapameywang ko pa na wika na akala mo ay kaharap ko ang aking kaibigan at kausap ko.

Balik ulit ako sa kama at nahiga. Infairness masarap matulog. Ang sarap kasi ng hanging pumapasok sa loob ng kwarto na ito.

Ohmmm. Sabay hikab ko na naman ulit. Matulog na nga lang ako ulit. Baka mamaya maawa na ang aking kaibigan at itigil na ang kabuangan niya. Pangungumbinsi ko sa aking sarili. At tuluyan ko na pinikit ang aking mga antok pa na mga mata.

Note: My goodness! Kawawa naman si bebe girl pinatripan ni frenny niya. Tama ba ako mga mahal ko na mambabasa? Hehe.

At sa aking mga nabasa na comment kanina thank you guys hehhe. Tawang-tawa ako as in ha. Hehe. Grabe talaga! Napapagkalaman na akong baliw ng aking mga katrabho kanina. Hehe.

Long Time No See, My Wife (Spg) (COMPLETED) (Un-edited)Where stories live. Discover now