Chapter 38 " Graduation🎓 Day "

439 27 7
                                    

Congatulations...nak, thank you mom..dad. Napapaluha na di ako habang nagpapasalamat sa aking mga mahal na magulang. Kaya lang kulang kami wala si kuya nasa business trip siya. Besing- busy ang kuya ko sa pagpapayaman. Char. Hehe. Wala naman jowa. Wala nga ba..?

At ang boyfriend ko naman, nasa meeting pa niya. Kakatawag lang dinig na dinig ko pa nga kanina ng sigawan niya ang secretary niya. Kasi kanina pa daw nag aantay ang mga ka-meeting niya doon. Naawa naman ako sa secretary niya. At siyempre nakilig ako din ako kasi inuna niya akong tawagan para lang batiin.

****Freeeennnnnny..... Sigaw ni carren. At patakbo itong lumapit samin. Pagtapos magmano kina mom at dad.

Hoy! Grabe ka. Bunganga mo. Tsaka kung makatakbo ka, bata lang ang peg. Natatawa ko na saway dito.

Pag tumakbo, bata agad. Diba pwede may hinahabol... Tsek. Asik ni carren sakin.

Last day na natin... Paano ba yun...Miss you frenny. Halika puntahan muna natin si james. Gusto kasi nun mag pictorial daw tayo kahit sa huling sandali. Akala mo mamatay na nuh. Huling sandali talaga car, natatawa ko na sabi kahit medyo masikip na din ang dibdib ko sa lungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na kami.

Ah. Sige. Tayo na. Yakag ko sa kanya pagkatapos ko magpaalam sandali sa parents ko.

Hi james, congratulations... Sabay kami nagyakapan tatlo.. At nakita ko na pasimple na nagpunas ng luha si james. Maging si carren na din.

Ano ba kayo. Magkikita pa naman tayo. Sabi ko na may kasamang hikbi.

Oo, nga naman. Pero frenny nakaka-hurt kasi eh. Sabay hawak sa dibdib nito.

Bakit, napaano ka car, tanong ni james ng makita na hawak hawak ni carren ang bandang dibdib nito.. Kasi masikip dito sabay turo sa dibdib niya, ang pag hihiwalay natin.. Pabulong habang humihikbing wika ni carren sa amin ni james.

Naku. Naku. Baka mahigpit lang ang "bra " mo kaya ganun... Pang aasar nito kay carren. Na ikinatawa ko at kinatawa na din ni carren.

Baliw! Masikip ka jan. Wala nga laman eh. Sabay hampas ni carren ng dalang class program na hawak hawak at maarte itong namaypay.

Basta, kahit anong mangyari ha.. Magchachat padin o magtatawagan tayo guys. Nakanguso ni carren na sabi samin ni james.

Oo, pero bago ang lahat.. Magpunas ka ng mata mo car,may muta eh. Mahinang sabi ni james dito. Sabay halakhak na ikinatingin ng mga taong nasa paligid namin.

Nakaka-dalawa kana sakin james boy ha.. At sinunod nito ang sinabi ni james. Natatawang sabi ni carren dito.

Sige na bago ang lahat. "Friends hug", muna tayo guys. Yakag ni carren. Na ginawa naman namin tatlo.

Paano, maghiwa-hiwalay na tayo kasi may nakapag reserved na mga parents ko sa resto na kilala at paborito nila. Sabi ni james samin ni carren.At mabilis ako nitong niyakap ni james. Na ikinagulat ko.!

Thank you sa magandang alaala rica, sana next tym may time kana para magkausap tayo. Aantayin ko yun ang araw na yun. At huwag ka mag aatubiling tawagan ako pag may problema ka maging sa lovelife man o sa pamilya mo. Handa ako makinig. Mahina at malambing na sabi ni james sakin. Sa gulat ko ay napatango at napangiti lang ako.

Paano, ingat ka at congratulations ulit satin tatlo guys.

Oh. Siya sige na umalis kana james boy, baka may maka- kita pa sayo mahirap na. Nakita ko yun ginawa mo. Charrrr.... Pang aasar ni carren dito. Dumada moves ka na naman ha..Pang aasar pa ni carren dito.

****Frenny, paano.. Mauna na din ako ha. Di na kita mahahatid kina tita at tito.. Babush frenny. Text o tawag ka nalang sakin ha. Nakakalungkot naman. At pinalungkot pa nito lalo ang mukha.

Long Time No See, My Wife (Spg) (COMPLETED) (Un-edited)Kde žijí příběhy. Začni objevovat